Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

GUMISING! Blg. 4 2017 | Sinasagad Mo Ba ang Iyong Sarili?

Napaka-busy ngayon ng mga tao, at minsan, naaapektuhan na ang kaugnayan nila sa iba at sa pamilya nila.

Paano kaya tayo magiging balanse sa paggamit ng panahon?

Sinabi ng isang matalinong tao: “Mas mabuti ang sandakot na kapahingahan kaysa sa dalawang dakot ng pagpapagal at paghahabol sa hangin.”—Eclesiastes 4:6.

Sa Gumising! na ito, may mga mungkahi kung paano matalinong magagamit ang panahon, kasama na ang pagtatakda ng mga priyoridad.

 

TAMPOK NA PAKSA

Sinasagad Mo Ba ang Iyong Sarili?

Nahihirapan ang marami na pagsabayin ang kanilang trabaho at personal na buhay. Ano ang dahilan ng problema? Ano ang puwedeng gawin para maiwasan ito?

Ang Kahanga-hangang Arctic Tern

Sinasabing mga 35,200 kilometro ang nalilipad ng mga arctic tern taon-taon mula Artiko hanggang Antartiko. Pero higit pa riyan ang talagang nagagawa ng ibong ito.

‘Ang Pangalan ay Mas Mabuti Kaysa sa Saganang Kayamanan’

Posibleng magkaroon ng mabuting pangalan at igalang ng iba. Pero paano?

TULONG PARA SA PAMILYA

Kapag Bumukod Na ang mga Anak

May malalaking hamon sa ilang mag-asawa kapag ang mga anak nila ay bumukod na ng bahay. Ano ang magagawa ng mga magulang para makapag-adjust sa pagbabagong ito?

INTERBYU

Ang Paniniwala ng Isang Brain Pathologist

Ikinuwento ni Professor Rajesh Kalaria ang trabaho niya at paniniwala. Bakit siya naging interesado sa siyensiya? Bakit niya sinuri ang pinagmulan ng buhay?

ANG PANGMALAS NG BIBLIYA

Tukso

Paghihiwalay ng mga mag-asawa, pagkakasakit, at pagkabagabag ng budhi ang ilan sa mga resulta kapag nagpadala ang isa sa tukso. Paano mo ito maiiwasan?

MAY NAGDISENYO BA NITO?

Ang Napakatingkad na Kulay ng Pollia Berry

Ang berry na ito ay walang asul na pangkulay, o pigment, pero ito ang pinakamatingkad na kulay asul sa mga halaman. Ano ang sekreto nito?

Iba Pang Mababasa Online

Makakatulong ba ang Bibliya Para Maging Maligaya ang Aking Pamilya?

Ang matalinong mga payo mula sa Bibliya ay nakatulong sa milyun-milyong babae at lalaki para maging maligaya ang kanilang pamilya.

Monica Richardson: Ang Paniniwala ng Isang Physician

Naitanong niya kung ang pagdadalang-tao ay isang himala o kung may nagdisenyo nito. Batay sa kaniyang karanasan bilang physician, ano ang naging konklusyon niya?