Pumunta sa nilalaman

Makakatulong ba ang Bibliya Para Maging Maligaya ang Aking Pamilya?

Makakatulong ba ang Bibliya Para Maging Maligaya ang Aking Pamilya?

Ang sagot ng Bibliya

 Oo. Narito ang ilang matalinong payo mula sa Bibliya na nakatulong sa milyun-milyong babae at lalaki para maging maligaya ang pamilya nila.

  1.   Gawing legal ang inyong pag-aasawa. Ang pagpapakasal at pangakong magsasama kayo habambuhay ang pundasyon ng maligayang pamilya.—Mateo 19:4-6.

  2.   Magpakita ng pag-ibig at paggalang. Kasali rito ang pakikitungo sa iyong asawa sa paraan na gusto mong pakitunguhan ka.—Mateo 7:12; Efeso 5:25, 33.

  3.   Iwasang magsalita nang nakasasakit. Magsalita nang may kabaitan kahit nasasaktan ka sa sinasabi o ginagawa ng asawa mo. (Efeso 4:31, 32) Ganito ang sabi ng Bibliya sa Kawikaan 15:1: “Ang sagot, kapag mahinahon, ay pumapawi ng pagngangalit, ngunit ang salitang nakasasakit ay pumupukaw ng galit.”

  4.   Maging tapat sa isa’t isa. Huwag magkaroon ng romantiko o seksuwal na kaugnayan sa hindi mo asawa. (Mateo 5:28) Ang sabi ng Bibliya: “Maging marangal nawa ang pag-aasawa sa gitna ng lahat, at maging walang dungis ang higaang pangmag-asawa.”—Hebreo 13:4.

  5.   Sanayin sa maibiging paraan ang inyong mga anak. Huwag maging kunsintidor pero huwag ding maging mabagsik.—Kawikaan 29:15; Colosas 3:21.