PAG-AARAL SA BIBLIYA NA MAY KASAMANG TAGAPAGTURO
Masayang Buhay Magpakailanman
Sa libreng pag-aaral na ito ng Bibliya, masasagot ang mga tanong na gaya ng:
Paano ako magiging masaya?
Mawawala pa ba ang kasamaan at pagdurusa?
Makikita ko pa bang muli ang mga mahal ko sa buhay na namatay na?
Mahal ba talaga ako ng Diyos?
Paano ako dapat manalangin para pakinggan ako ng Diyos?
Walang Bayad
Wala kang babayaran sa buong pag-aaral; libre din ang kopya ng Masayang Buhay Magpakailanman at ng Bibliya kung kailangan mo.
Kumbinyente
Puwedeng makipag-aral nang personal o virtual—kung saan at kung kailan mo gusto.
Walang Obligasyon
Puwede kang huminto kung ayaw mo na.
Paano ginagawa ang pag-aaral sa Bibliya?
Isang personal na tagapagturo ang tutulong sa iyo na pag-aralan ang Bibliya—isang paksa sa bawat pag-aaral. Gamit ang publikasyong Masayang Buhay Magpakailanman, unti-unti mong matututuhan ang mensahe ng Bibliya at kung paano ka matutulungan nito. Para sa higit pang impormasyon, panoorin ang videong ito o tingnan ang karaniwang mga tanong.
Gusto mo na bang subukan?
I-click ang button para ma-schedule mo ang unang pag-aaral mo.