Photo Gallery 5—Warwick (Setyembre 2015 Hanggang Pebrero 2016)
Makikita sa photo gallery ang pagsulong ng pagtatrabaho sa bagong pandaigdig na punong-tanggapan ng mga Saksi ni Jehova at kung paano sinuportahan ng mga boluntaryo ang proyekto sa pagitan ng Setyembre 2015 at Pebrero 2016.
Oktubre 7, 2015—Lugar ng pagtatayo sa Warwick
Isang arko para sa tulay ang dinadala sa pundasyon ng tulay. Ipinatong ang arko sa mga gulong matapos itong ibaba sa trak. Itinayo ang tulay na iyon sa wetland (latian) para maprotektahan ang wetland yamang madali itong mapinsala.
Oktubre 13, 2015—Offices/Services Building
Isang green roof na nababalutan ng sedum (mga halamang may makakapal at matubig na dahon) na nagbabago ng kulay bago maging dormant sa taglamig. Labing-anim na uri ng sedum ang itinanim sa mga bubong. Ang mga green roof ay nakakatulong sa kapaligiran dahil kinokontrol nito ang sobrang tubig-ulan, nakakabawas sa konsumo sa enerhiya, at kailangan lang alisan ng damong ligaw para manatiling malusog.
Oktubre 13, 2015—Residence D
Isang karpintero ang naglalagay ng scribe molding (moldura) sa kitchen ng isang kuwarto. Sa pagtatapos ng Pebrero 2016, mahigit 60 porsiyento na ng lahat ng kitchen cabinet ang nai-install ng Carpentry Department.
Oktubre 16, 2015—Offices/Services Building
Nilalagyan ng mga electrician ng mga bombilyang LED (light-emitting diode) ang logo ng Watch Tower sa courtyard tower.
Oktubre 21, 2015—Offices/Services Building
Ang Offices/Services Building, kasama ang courtyard tower at entrance lobby, ay may ilaw sa gabi. Mula sa tower, makikita ng mga bisita ang isang di-pangkaraniwang view ng pasilidad ng Warwick at ng kapaligiran nito.
Oktubre 22, 2015—Lugar ng pagtatayo sa Warwick
Gumagawa ang mga construction worker ng daan para sa mga emergency vehicle. Sa paggawa nito, naglatag muna sila ng graba at saka ito binuhusan ng semento. Ang pantakip na makapal na tela (burlap) na makikita sa likod ay pansamantalang inilagay para hindi gumuho ang lupa.
Nobyembre 9, 2015—Offices/Services Building
Nag-i-install ang mga construction worker ng prefabricated skylight sa tapat ng elevator lobby. Labing-isang prefabricated skylight ang inilagay sa Offices/Services Building para makapasok ang natural na liwanag.
Nobyembre 16, 2015—Maintenance Building/Resident Parking
Isang welder ang gumagamit ng oxygen-acetylene beveling machine sa pagputol ng carbon steel pipe na bahagi ng aparatong magpapalamig ng tubig.
Nobyembre 30, 2015—Offices/Services Building
Isang karpintero ang nagkakabit ng window subsill. Kapag na-level ito at nailagay na ang drywall, isasalpak naman ang buong windowsill.
Disyembre 17, 2015—Lugar ng pagtatayo sa Warwick
Naglalatag ng mga paver ang mga construction worker habang umuulan. Sa gitnang kanan ng larawan, pinapatag ng puting aparato ang dalawang suson ng graba. Sa bandang unahan, isang excavator na kinabitan ng hydraulic installation clamp ang naglalatag ng mga paver. Sa kaliwa, ang plastik na nakatakip sa lupa para hindi ito gumuho.
Disyembre 24, 2015—Lugar ng pagtatayo sa Warwick
Hinihila ng mga boluntaryo ang medium-voltage na kawad patungo sa isang electrical substation, na nagsusuplay ng kuryente sa pasilidad ng Warwick.
Enero 5, 2016—Offices/Services Building
Tinatapos ng isang nagtatrabaho ang balangkas ng bubong ng walkway sa pagitan ng Visitor Parking at Offices/Services Building. Ang bubong ay proteksiyon ng mga bisita sa ulan o snow.
Enero 5, 2016—Maintenance Building/Resident Parking
Ina-adjust ng isang technician ang setting ng boiler mula sa isang control panel. Naka-install na ngayon ang apat na boiler sa pasilidad ng Warwick.
Pebrero 8, 2016—Offices/Services Building
Nag-i-install ang mga mekaniko ng mga dryer sa Laundry Department. Ang mga dryer ay may capacity na mula 6 hanggang 45 kilo (15 hanggang 100 lbs). Sa bandang kaliwa ilalagay ang mga washing machine.
Pebrero 8, 2016—Tuxedo complex
Pinangangasiwaan ni Gerrit Lösch, miyembro ng Lupong Tagapamahala, ang Pag-aaral sa Bantayan ng pamilyang Bethel. Ang programa ay ibinobrodkast sa ibang mga lokasyon kung saan nakatira ang mga nagtatrabaho sa Warwick.
Pebrero 19, 2016—Residence A
Nagde-deliver ng karpet ang Interiors Department sa isa sa mga residence building. Mahigit 65,000 metro kuwadrado (78,000 sq yds) ng karpet ang inorder para sa pasilidad ng Warwick.
Pebrero 22, 2016—Lugar ng pagtatayo sa Warwick
Sa pagitan ng Setyembre 2015 at Pebrero 2016, natanggap na ang certificate of occupancy para sa Residence C at D, kaya puwede nang pansamantalang patirahin doon ang mga boluntaryo. Naka-install na ang lahat ng elevator para sa mga gusali. Tapos na ang ginagawa sa Residence Drive, kasama ang paglalatag ng mga paver. Dahil banayad ang taglamig, nasimulan ang landscaping nang mas maaga sa iskedyul.
Pebrero 24, 2016—Maintenance Building/Resident Parking
Isang kabilang sa suspended-ceiling crew ang naglalakad gamit ang stilts para magkabit ng balangkas ng kisame. Ang Walls/Ceilings Department ang naglalagay ng mga balangkas at insulasyon, nagkakabit at nagpapakinis ng drywall, nagpapalitada, at naglalagay ng pamprotekta laban sa sunog sa mga butas at kanto sa dingding.