Pumunta sa nilalaman

Bakit Kailangang Matuto ng Bengali?

Bakit Kailangang Matuto ng Bengali?

Sa Queens, New York, 23 Saksi ni Jehova ang nag-aral para matutong magsalita at bumasa ng Bengali, isang wika sa Bangladesh at sa ilang bahagi ng India. Nakaenrol sila sa isang kurso ng pinabilis na pag-aaral ng wika na ang nagtuturo ay mga kapuwa Saksi.

Ang isa sa mga klase sa wika na idinaos sa Estados Unidos at sa ibang bansa ay ang pag-aaral ng wikang Bengali. Ang layunin ay para maibahagi ang mensahe ng Bibliya sa mga taong nagsasalita ng ibang wika.

Sinabi ni Magaly, isang estudyante sa klase ng Bengali: “Mabilis na dumarami ang mga nagsasalita ng Bengali sa lugar namin. Naghahanap ang mga tao ng sagot sa mga tanong na gaya ng, Bakit napakaraming pagdurusa? Kapag sinasabi ko sa kanila ang tungkol sa kamangha-manghang mga pangako ng Diyos sa hinaharap, gusto pa nilang matuto nang higit. Pero laging hadlang ang wika.”

Para mabilis matuto ang mga estudyante, gumamit ang mga instruktor ng mga nakatutuwang teknik sa pagtuturo. Ang isang teknik para mas madaling matandaan ang pinag-aaralan ay ang pag-aaral na may kasamang pagkilos ng katawan.

Pagkatapos ng bawat sesyon ng klase, ginagamit agad ng mga estudyante ang kanilang mga natutuhan. Dumadalaw sila sa mga taong nagsasalita ng Bengali sa kanilang lugar at ipinakikipag-usap ang mga paksa sa Bibliya. Sinabi ni Magaly: “Tuwang-tuwa ang mga tao at gusto nilang malaman kung bakit ako nag-aaral ng wika nila. Ang paggugol ko ng panahon para sa pag-aaral ay nakatulong sa kanila na makita ang kahalagahan ng ating mensahe.”

Hindi lang basta natututo ng ibang wika ang mga Saksi ni Jehova kundi sinasanay rin sila para maging mga instruktor sa mga klase ng wika. Sa teritoryo pa lang na sakop ng sangay ng Estados Unidos, sa pagitan ng Enero 2006 at Enero 2012, mga 38 seminar para sa pagtuturo ng wika ang nakapagsanay na ng 2,244 na instruktor. Noong Setyembre 1, 2012, mahigit 1,500 klase, na nagturo ng 37 wika ang naidaos na ng mga Saksi ni Jehova sa teritoryong sakop ng sangay ng Estados Unidos.