Memoryal ng Kamatayan ni Jesus

Lunes, Marso 22, 2027

Isang beses taon-taon, inaalala ng mga Saksi ni Jehova ang kamatayan ni Jesus gaya ng iniutos niya: “Patuloy ninyong gawin ito bilang pag-alaala sa akin.”​—Lucas 22:19.

Iniimbitahan ka namin at ang pamilya mo sa event na ito.

Karaniwang mga Tanong

Sino ang mga puwedeng pumunta?

Lahat ay puwedeng pumunta. Puwede mo ring isama ang mga kaibigan mo at mga kapamilya.

Gaano katagal ang programa?

Mga isang oras.

Saan ito gaganapin?

Kontakin ang mga Saksi ni Jehova sa inyong lugar para sa mga detalye.

May bayad ba ang pag-attend? Obligado ba akong dumalo sa ibang mga pulong?

Wala kang babayaran. Hindi ka rin obligadong dumalo sa ibang mga pulong.

May mangongolekta ba ng pera?

Wala. Hindi kami nangongolekta ng pera sa mga pulong namin.​—Mateo 10:8.

May dress code ba?

Wala. Pero sinisikap ng mga Saksi ni Jehova na manamit nang mahinhin at may paggalang sa mahalagang okasyon na ito.

Ano’ng mayroon sa Memoryal?

May isang nakakapagpatibay na pahayag tungkol sa kahalagahan ng kamatayan ni Jesus at kung paano tayo makikinabang sa ginawa ng Diyos at ni Kristo para sa atin. Nagsisimula at nagtatapos ang pulong sa isang awit na susundan ng panalangin.

Kailan ang mga susunod na Memoryal?

2027: Lunes, Marso 22

2028: Linggo, Abril 9

2029: Huwebes, Marso 29