PATULOY NA MAGBANTAY!
Nakakabahalang mga Pamamaril sa Buong Mundo—Ano ang Sinasabi ng Bibliya?
Nitong Hulyo 2022, nakakabahala ang mga balita tungkol sa mga nangyaring pamamaril sa buong mundo:
“Nagulat ang bansang Japan at ang iba pang bahagi ng mundo nang patayin ang pinakakilalang politiko doon [ang dating Prime Minister Shinzo Abe]. Nakakabahala ito kasi kaunti lang ang nangyayaring krimen doon at istrikto ang batas ng Japan sa pagkakaroon ng baril.”—Hulyo 10, 2022, The Japan Times.
“Nagulat ang Denmark nang tatlo ang namatay dahil sa pamamaril ng isang gunman sa isang shopping mall sa Copenhagen.”—Hulyo 4, 2022, Reuters.
“South Africa: 15 ang namatay nang mamaril ang isang grupo ng mga gunman sa isang bar sa bayan ng Soweto.”—Hulyo 10, 2022, The Guardian.
“Mahigit 220 ang nabaril at namatay sa United States noong holiday ng Hulyo 4.”—Hulyo 5, 2022, CBS News.
May pag-asa pa bang matigil ang ganitong uri ng karahasan? Ano ang sinasabi ng Bibliya?
Mawawala Na ang Karahasan
Sinasabi ng Bibliya na nabubuhay na tayo sa “mga huling araw,” kung saan magiging mabangis at walang-awa ang mga tao. (2 Timoteo 3:1, 3) Kaya naman nabubuhay ang mga tao sa takot. (Lucas 21:11) Pero nangangako ang Bibliya na darating ang panahon na mawawala na ang karahasan at “titira ang [mga tao] sa mapayapang tahanan, sa ligtas na mga tirahan at tahimik na mga pahingahan.” (Isaias 32:18) Paano mawawala ang karahasan?
Aalisin ng Diyos ang masasama at sisirain ang lahat ng sandata.
“Ang masasama ay lilipulin mula sa lupa.”—Kawikaan 2:22.
“Pinatitigil [ng Diyos] ang mga digmaan sa buong lupa. Binabali niya ang pana at dinudurog ang sibat; sinusunog niya ang mga karwaheng pangmilitar.”—Awit 46:9.
Aalisin ng Diyos ang ugat ng karahasan; tuturuan niya ang mga tao kung paano mamumuhay nang payapa.
“Hindi sila mananakit o maninira sa aking buong banal na bundok, dahil ang lupa ay tiyak na mapupuno ng kaalaman tungkol kay Jehova gaya ng tubig na tumatakip sa dagat.”—Isaias 11:9.
Ngayon pa lang, tinuturuan na ng Diyos ang mga tao sa buong daigdig na itigil ang karahasan at paggamit ng mga sandata, na ‘pukpukin ang kanilang mga espada para gawin itong araro at ang kanilang mga sibat para gawin itong karit.’—Mikas 4:3.
Para sa higit pang impormasyon tungkol sa pangako ng Diyos na darating ang panahong wala nang mabubuhay sa takot, basahin ang artikulong “Buhay na Wala Nang Takot—Posible Kaya Ito?”
Para sa higit pang impormasyon tungkol sa permanenteng solusyon sa nangyayaring karahasan, basahin ang artikulong “Kapayapaan sa Lupa sa Wakas!”