AWIT 94
Salamat sa Salita ng Diyos
-
1. Salamat, Jehova, sa ’yong Salita.
Katotohanan ay nagpapalaya!
Banal na Kasulatan
ay ’yong inilaan.
Dulot nito’y tunay na kaalaman.
-
2. May kapangyarihan itong matanto
Ang aming kaisipan at motibo.
Malinaw mga utos;
ang hatol mo’y tunay.
Ang ’yong simulain ang aming gabay.
-
3. Ang mga propeta ay gaya namin.
May damdamin ding katulad ng sa ’min.
Kaya ang nababasa’y
aming nadarama.
Salamat, Jehova, sa ’yong Salita!
(Tingnan din ang Awit 19:9; 119:16, 162; 2 Tim. 3:16; Sant. 5:17; 2 Ped. 1:21.)