AWIT 93
Pagpalain ang Aming Pagpupulong
-
1. O Jehova, pagpalain
Ang aming pagpupulong.
Espiritu mo’y narito;
Salamat po sa tulong.
-
2. Sa banal mong Salita, Diyos,
Kami po ay turuan.
Sanayin sa ministeryo,
Pag-ibig ay malinang.
-
3. Kapayapaan laan mo
Nang kami’y magkaisa.
Sana’y mapuri ka namin
Sa gawa at salita.
(Tingnan din ang Awit 22:22; 34:3; Isa. 50:4.)