AWIT 151
Tatawag Siya
-
1. Tulad singaw ang buhay ng tao,
O kay daling maglaho.
Dulot nito’y luha sa ’ting mata,
Kirot at panlulumo.
Kung mamamatay, mabubuhay ba?
Ang Diyos ay may pangako:
(KORO)
Tatawag, Diyos na Jehova,
At mabubuhay sila.
Dahil nasasabik siya
Sa kaniyang mga gawa.
Manampalataya tayo
Sa pangakong ’binigay.
Nais niyang kamtin natin
Ang walang-hanggang buhay.
-
2. Pumanaw man ang kaibigan ng Diyos,
Hindi niya lilimutin.
Lahat ng nasa alaala niya,
Sila ay gigisingin.
Tunay na buhay ay matatamo—
Buhay sa Paraiso.
(KORO)
Tatawag, Diyos na Jehova,
At mabubuhay sila.
Dahil nasasabik siya
Sa kaniyang mga gawa.
Manampalataya tayo
Sa pangakong ’binigay.
Nais niyang kamtin natin
Ang walang-hanggang buhay.
(Tingnan din ang Juan 6:40; 11:11, 43; Sant. 4:14.)