AWIT 140
Buhay na Walang Hanggan—Sa Wakas!
-
1. Tingnan mo, O kay ganda,
mga tao’y payapa,
Sama-sama, masaya,
walang pagdurusa.
(KORO)
Tayo’y mag-awitan
nang may kagalakan!
Ating buhay—sa wakas—
ay wala nang hanggan!
-
2. Malakas bawat araw,
malusog at sagana.
Wala na ring pagluha,
takot o pangamba.
(KORO)
Tayo’y mag-awitan
nang may kagalakan!
Ating buhay—sa wakas—
ay wala nang hanggan!
-
3. Kay gandang pamumuhay;
Mundo ay paraiso.
Lagi nating sabihin
sa Diyos, “Salamat po!”
(KORO)
Tayo’y mag-awitan
nang may kagalakan!
Ating buhay—sa wakas—
ay wala nang hanggan!
(Tingnan din ang Job 33:25; Awit 72:7; Apoc. 21:4.)