AWIT 106
Mahalaga ang Pag-ibig
-
1. Ang mga katangian ng Diyos,
Nais nating tularang lubos.
Pinakamahalaga rito
Ay ang pag-ibig niyang totoo.
Walang saysay ang talino mo,
Kung pag-ibig ay salat sa ’yo.
Pag-ibig ay panatilihin
Sa lahat ng ating gagawin.
-
2. Ang pag-ibig ay mapagbigay
At di-makasariling tunay,
Hindi nagtatanim ng galit,
Nagpapatawad sa kapatid.
Natitiis ang kahinaan,
Kamalian ay tinatakpan.
May hamon mang dumating sa ’yo,
Sa pag-ibig ’di mabibigo.
(Tingnan din ang Juan 21:17; 1 Cor. 13:13; Gal. 6:2.)