Awit 49
Si Jehova ang Ating Kanlungan
(Awit 91)
1. Jehova, siyang kanlungan,
Tinitiwalaan.
Anino niya’y kublihan;
Dapat panirahan.
Ika’y ipagsasanggalang,
Lakas Niya’y pagtiwalaan.
Si Jehova’y tanggulan,
Sa matwid ay ’sang kanlungan.
2. Libo man sa harap mo
Ang nagsisibagsak,
Tapat na lingkod ng Diyos,
’Di mapapahamak.
Sa takot ’di manginginig,
Pinsala’y ’di mananaig.
Iyo lamang makikita,
Nakubli sa kanyang pakpak.
3. Ililigtas ka ng Diyos
Sa daang may bitag,
At ’di ka manghihina,
Loob mo’y panatag.
Ang leon ’di katatakutan;
Ang ulupong tatapakan.
Jehova, siyang kanlungan,
Tayo ay ’di matitinag.
(Tingnan din ang Awit 97:10; 121:3, 5; Isa. 52:12.)