Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Awit 102

Makiawit ng Awit Tungkol sa Kaharian!

Makiawit ng Awit Tungkol sa Kaharian!

(Awit 98:1)

1. Ito’y awit ng masayang tagumpay;

Nagtatanghal sa Kata’s-taasan.

Sa matapat ang dulot ay pag-asa.

Makiawit paksa’y Kaharian:

(KORO)

‘Diyos sambahin sa trono niya.

Kanyang Anak ay Hari na!

Halina’t umawit sa Kaharian

At purihin banal niyang pangalan.’

2. Bagong awit, Kaharia’y ibalita.

Si Kristo ay sasakop sa lupa.

Inihulang may bansang bagong silang,

Kay Kristo ay nagpapahalaga:

(KORO)

‘Diyos sambahin sa trono niya.

Kanyang Anak ay Hari na!

Halina’t umawit sa Kaharian

At purihin banal niyang pangalan.’

3. Ang awit ’di mahirap pag-aralan.

Ubod-linaw mensahe’y kayganda.

Natuto na ang lubhang karamihan

At sila rin ay nag-aanyaya:

(KORO)

‘Diyos sambahin sa trono niya.

Kanyang Anak ay Hari na!

Halina’t umawit sa Kaharian

At purihin banal niyang pangalan.’