Awit 122
Laksa-laksang Kapatiran
1. Laksa-laksang kapatiran
Ang naninindigan,
Bawat isa ay saksi
Na may katapatan.
Milyun-milyon ang bilang,
At dumarami pa.
Sa lahat ng bansa at wika,
Pumupuri kay Jah.
2. Laksa-laksang kapatiran,
Tayo’y nangangaral
Ng mabuting balita,
Sa nais mag-aral.
Sa pangangaral minsan
Ay nahihirapan,
Kay Jesus ang kaginhawahan;
May kapahingahan.
3. Laksa-laksang kapatiran,
Diyos ay nakatanaw,
Tayo’y iniingatan
Sa gabi at araw.
Milyun-milyon ang bilang,
Kaharia’y ’balita.
Kamanggagawa tayo ni Jah;
Lingkod niya sa lupa.
(Tingnan din ang Isa. 52:7; Mat. 11:29; Apoc. 7:15.)