Talaga Bang Mapalulugdan Natin ang Diyos?
Nakabasa ka na ba ng tungkol sa mga tao na gayon na lang ang pagpuri sa kanila sa Bibliya at nasabi mo, ‘Hindi ako magiging gaya nila!’ Baka ikatuwiran mo, ‘May mga kapintasan ako at hindi ako matuwid, at hindi ko laging nagagawa ang tama.’
Ang patriyarkang si Job ay inilarawan bilang “walang kapintasan at matuwid.” (Job 1:1) Si Lot ay tinawag na “taong matuwid.” (2 Pedro 2:8) At si David ay sinasabing gumawa ng “tama” sa paningin ng Diyos. (1 Hari 14:8) Pero suriin natin ang buhay ng mga tauhang ito sa Bibliya. Makikita natin na (1) nakagawa sila ng mga pagkakamali, (2) matututo tayo sa kanilang halimbawa, at (3) talagang mapalulugdan ng di-sakdal na mga tao ang Diyos.
NAKAGAWA SILA NG MGA PAGKAKAMALI
Dumanas si Job nang sunod-sunod na paghihirap na waring di-makatarungan. Inakala niyang walang pakialam ang Diyos kung mananatili siyang tapat o hindi. (Job 9:20-22) Gayon na lang katiwala si Job na siya ay matuwid anupat sa tingin ng iba, para bang sinasabi niyang mas matuwid siya kaysa sa Diyos.—Job 32:1, 2; 35:1, 2.
Si Lot ay nagpatumpik-tumpik sa paggawa ng isang desisyon na napakadali lang sanang pagpasiyahan. Lumong-lumo siya dahil sa malubhang imoralidad 2 Pedro 2:8) Nagbabala ang Diyos na pupuksain niya ang masasamang lunsod na ito, at binigyan niya ng pagkakataon si Lot na maligtas kasama ang pamilya nito. Baka isipin mong dahil nababagabag si Lot, siya sana ang unang aalis. Pero sa kritikal na sandaling ito, nagpatumpik-tumpik siya. Kinailangan pang sunggaban ng mga anghel ang kamay niya at ng pamilya niya at ilabas ng lunsod para maligtas.—Genesis 19:15, 16.
ng mga nakatira sa Sodoma at Gomorra, anupat “napahihirapan ang kaniyang matuwid na kaluluwa” dahil sa kanilang paggawi. (Si David naman ay nawalan ng pagpipigil sa sarili nang mangalunya siya sa asawa ng iba. At para pagtakpan ang ginawa niya, ipinapatay pa ni David ang asawa nito! (2 Samuel, kabanata 11) Sinasabi ng Bibliya na ang ginawa ni David ay “masama sa paningin ni Jehova.”—2 Samuel 11:27.
Sina Job, Lot, at David ay pare-parehong nakagawa ng mga pagkakamali, at seryoso pa nga ang ilan dito. Pero gaya ng makikita natin, buong puso ang pagnanais nilang paglingkuran ang Diyos. Ipinakita nilang lungkot na lungkot sila sa kanilang nagawa at handa silang magbago. Kaya pinagpakitaan sila ng Diyos ng awa, at sa Bibliya, tinukoy sila bilang mga taong tapat.
ANO ANG MATUTUTUHAN NATIN?
Bilang mga taong di-sakdal, o hindi perpekto, lahat tayo ay nagkakamali. (Roma 3:23) Pero kapag nangyari iyon, dapat nating ipakita na nagsisisi tayo at pagkatapos ay gawin ang lahat ng magagawa natin para ituwid ang mga bagay-bagay.
Paano itinuwid nina Job, Lot, at David ang kanilang mga pagkakamali? Si Job ay talagang isang lalaking may integridad. Matapos siyang kausapin ng Job 42:6) Ang pangmalas ni Lot sa imoral na paggawi ng mga tao sa Sodoma at Gomorra ay lubusang kaayon ng mga pamantayan ng Diyos. Ang problema, hindi siya nakadama ng pagkaapurahan. Pero nang bandang huli, tumakas rin siya mula sa hinatulang mga lunsod na iyon at nakaligtas sa paghatol ng Diyos. Naging masunurin siya anupat hindi lumingon sa mga bagay na iniwan niya. Nakagawa si David ng malubhang pagkakamali nang labagin niya ang kautusan ng Diyos, pero nakita ang laman ng puso niya nang taimtim siyang magsisi at magmakaawa sa Diyos.—Awit 51.
Diyos, itinuwid ni Job ang kaniyang maling pag-iisip at pinagsisihan ang sinabi niya. (Ang positibong pangmalas ng Diyos sa mga lalaking ito ay kaayon ng kung ano ang makatuwiran niyang inaasahan sa mga taong hindi perpekto. “Nalalaman niyang lubos ang kaanyuan natin, na inaalaalang tayo ay alabok.” (Awit 103:14) Yamang alam ng Diyos na tayong lahat ay nagkakamali, ano ang inaasahan niya sa atin?
“Nalalaman niyang lubos ang kaanyuan natin, na inaalaalang tayo ay alabok.”—Awit 103:14
PAANO MAPALULUGDAN NG DI-SAKDAL NA MGA TAO ANG DIYOS?
Sa payo na ibinigay ni David sa kaniyang anak na si Solomon, may matututuhan tayo kung paano mapalulugdan ang Diyos: “Ikaw, Solomon na aking anak, kilalanin mo ang Diyos ng iyong ama at maglingkod ka sa kaniya nang may sakdal na puso.” (1 Cronica 28:9) Ano ang isang sakdal na puso? Ito ang puso na umiibig sa Diyos at gustong alamin at gawin ang kaniyang kalooban. Hindi ito isang puso na di-nagkakamali, kundi ang puso na nagnanais maglingkod sa Diyos at handang magpatuwid. Dahil inibig nila ang Diyos at ninais nilang maging masunurin, itinuring ng Diyos si Job na “walang-kapintasan,” si Lot na “matuwid,” at si David na ‘ginawa lamang ang tama’ sa paningin ng Diyos. Kahit nakagawa sila ng mga pagkakamali, napalugdan nila ang Diyos.
Ang isang sakdal na puso ay ang puso na gustong gawin ang kalooban ng Diyos at may matinding pagnanais na paglingkuran siya
Kaya kung may naiisip tayong hindi mabuti na pinagsisisihan natin o may nasasabi tayo na sa bandang huli ay ikinahihiya natin o may ginagawa tayong mga bagay na nakita nating mali pala, mapatibay nawa tayo ng mga halimbawang nabanggit. Alam ng Diyos na hindi tayo maaaring maging sakdal sa ngayon. Gayunman, inaasahan niya na iibigin natin siya at magsisikap tayo na maging masunurin. Kung mayroon tayong sakdal na puso, makapagtitiwala tayo na mapalulugdan din natin ang Diyos.