Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
Ano ang gagawin ni Jesus sa hinaharap?
Noong taóng 33 C.E., si Jesus ay namatay, binuhay-muli, at umakyat sa langit. Nang maglaon, binigyan siya ng awtoridad na mamahala bilang Hari. (Daniel 7:
Bilang Hari, lilinisin ni Jesus ang kasamaan sa lupa
Gagawa si Jesus ng kamangha-manghang mga bagay bilang Tagapamahala ng sangkatauhan. Gagamitin niya ang kapangyarihang ibinigay sa kaniya ng Ama para ibalik ang tao sa kasakdalan. Mabubuhay sila nang maligaya sa lupa at hindi na kailanman tatanda at mamamatay.
Ano ang ginagawa ni Jesus ngayon?
Pinangangasiwaan ngayon ni Jesus ang pambuong-daigdig na pangangaral ng kaniyang tunay na mga tagasunod. Pinupuntahan nila ang mga tao para sabihin ang mensahe ng Bibliya tungkol sa Kaharian ng Diyos. Sinabi ni Jesus na patuloy niyang susuportahan ang gawain ng kaniyang mga alagad hanggang sa wakasan ng Kaharian ng Diyos ang mga pamahalaan ng tao.
Sa pamamagitan ng tunay na kongregasyong Kristiyano, inaakay ni Jesus ang mga tao sa mas mabuting buhay. Patuloy niya silang aakayin para iligtas sila mula sa pagkapuksa ng kasalukuyang sistema ng mga bagay tungo sa bagong sanlibutang ipinangako ng Diyos.