TIP SA PAG-AARAL
Gawing Salamin ang Bibliya
Sinabi ng alagad na si Santiago na ang Bibliya ay parang salamin. Magagamit kasi natin ito para makita kung ano ang pagkatao natin. (Sant. 1:22-25) Paano kaya natin ito magagamit nang tama?
Huwag magmadali sa pagbabasa. Baka hindi natin mapansin ang dumi sa mukha natin kung sandali lang tayong titingin sa salamin. Ganiyan din sa pagbabasa ng Bibliya. Para makita kung ano pa ang kailangan nating baguhin sa sarili, dapat nating basahing mabuti ang Salita ng Diyos.
Tingnan ang sarili, hindi ang iba. Puwede rin nating makita ang ibang tao kapag tumitingin tayo sa salamin. Sa pagbabasa ng Bibliya, baka mapansin din natin ang mga pagkakamali ng iba. Pero kung diyan tayo magpopokus, posibleng hindi na natin makita kung ano ang kailangan nating baguhin sa sarili natin.
Maging makatuwiran. Baka sobra tayong malungkot kung sa dumi lang sa mukha natin tayo nakapokus. Maging balanse. Baka mas higit pa ang inaasahan mo sa sarili mo kaysa sa inaasahan ni Jehova.—Sant. 3:17.