Ang 2013 Nirebisang Edisyon ng New World Translation
SA NAKALIPAS na mga taon, ang New World Translation of the Holy Scriptures ay ilang ulit nang nirebisa. Pero ang 2013 rebisyon ang may pinakamaraming pagbabago. Halimbawa, nabawasan nang mga 10 porsiyento ang mga salita sa saling ito. Nirebisa ang ilang mahahalagang termino. May mga kabanata na ginawang gaya ng tula ang format, at naglagay ng mga talababa sa regular na edisyon. Hindi matatalakay sa artikulong ito ang lahat ng pagbabago, pero pag-usapan natin ang ilang pangunahing pagbabago.
Anong mahahalagang termino ang binago? Gaya ng binanggit sa sinundang artikulo, ang salin para sa “Sheol,” “Hades,” at “soul” ay nirebisa. Pero may iba pang mga termino na binago.
Halimbawa, ang “impaled” ay ginawang “executed on a stake” o “nailed to the stake” para maiwasan ang maling unawa sa paraan ng pagpatay kay Jesus. (Mat. 20:19; 27:31) Ang “loose conduct” ay ginawang “brazen conduct” para maitawid ang pangahas na saloobing nakapaloob sa terminong Griego. Ang “long-suffering” na ginagamit noon ay posibleng unawaing pagdurusa nang mahabang panahon; mas naitatawid ng terminong “patience” ang tamang kahulugan. Ang “revelries” ay pinalitan ng “wild parties,” na mas maiintindihan ngayon. (Gal. 5:19-22) Ang “loving-kindness” ay isinalin namang “loyal love,” na nagtatawid ng mas tamang kahulugan. Naitatawid nito ang ibig sabihin ng isang termino sa Bibliya na madalas gamiting katambal ng “faithfulness.”—Awit 36:5; 89:1.
Ang ilang termino na laging ginagamitan ng iisang salin sa bawat paglitaw ay isinalin na ngayon ayon sa konteksto. Halimbawa, ang Hebreong ʽoh·lamʹ na dating isinasaling “time indefinite” ay puwede ring mangahulugang “forever.” Tingnan kung paano ito nakaapekto sa salin ng mga tekstong gaya ng Awit 90:2 at Mikas 5:2.
Ang terminong Hebreo at Griego na isinaling “seed” ay madalas lumitaw sa Kasulatan at tumutukoy kapuwa sa binhing pananim at sa supling ng tao (offspring). Sa naunang mga edisyon ng New World Translation, laging “seed” ang ginagamit pati na sa Genesis 3:15. Pero hindi na karaniwan ngayon sa Ingles ang paggamit ng terminong “seed” para tumukoy sa “offspring.” Kaya sa rebisyong ito, “offspring” ang ginamit sa Genesis 3:15 at sa iba pang kaugnay na mga teksto. (Gen. 22:17, 18; ) Ang iba pang paglitaw ng termino ay isinalin ayon sa konteksto.— Apoc. 12:17Gen. 1:11; Awit 22:30; Isa. 57:3.
Bakit maraming literal na salin ang binago? Sa Appendix A1 ng 2013 nirebisang edisyon, sinasabi na ang isang mahusay na salin ng Bibliya ay “nagtatawid ng tamang kahulugan ng salita o parirala kapag ang literal na salin ay magbibigay ng mali o malabong kahulugan.” Kung ang idyoma sa orihinal na wika ay mauunawaan nang tama kapag isinalin nang literal, literal na salin ang ginagamit. Ganiyan ang ginawa sa idyomang “searches the . . . hearts” sa Apocalipsis 2:23. Pero sa talata ring iyan, ang “searches the kidneys” ay maaaring hindi maintindihan kung isasalin nang literal, kaya ang “kidneys” ay ginawang “innermost thoughts,” sa gayon ay naitatawid ang orihinal na ideya. Sa katulad na paraan, sa Deuteronomio 32:14, ang literal na idyomang “the kidney fat of wheat” ay isinaling “the finest wheat” para maging mas malinaw. Gayundin, mas malinaw ang saling “I speak with difficulty” kaysa sa “I am uncircumcised in lips.”—Ex. 6:12.
Bakit ang pananalitang “sons of Israel” at “fatherless boys” ay isinalin ngayon bilang “Israelites” at “fatherless children”? Sa Hebreo, may mga terminong panlalaki at pambabae. Pero may mga terminong panlalaki na puwedeng tumukoy kapuwa sa lalaki at babae. Halimbawa, ipinahihiwatig ng konteksto ng ilang talata na ang “the sons of Israel” ay binubuo kapuwa ng mga lalaki at mga babae, kaya madalas na itong isalin ngayon bilang “the Israelites.”—Ex. 1:7; 35:29; 2 Hari 8:12.
Kaayon nito, ang panlalaking termino sa Hebreo na nangangahulugang “sons” sa Genesis 3:16 ay isinaling “children” sa naunang mga edisyon ng New World Translation. Pero sa Exodo 22:24, ang salitang iyon ay ginawa ngayong: “Your children [sa Hebreo, “sons”] will be fatherless.” Ikinapit din sa iba pang kaso ang simulaing ito, kaya ang “fatherless boy” ay ginawang “fatherless child” o “orphan.” (Deut. 10:18; Job 6:27) Katulad iyan ng pagkakasalin sa Griegong Septuagint. Dahil din diyan, ang pananalitang “the days of your young manhood” sa Eclesiastes 12:1 ay “the days of your youth” na ngayon.
Bakit pinasimple ang salin sa maraming pandiwang Hebreo? Ang pandiwang Hebreo ay may imperfect state, na nagpapahiwatig ng patuloy na kilos, at perfect state, na nagpapahiwatig na tapós na ang kilos. Sa naunang mga edisyon ng New World Translation, ang mga pandiwang Hebreo na nasa imperfect state ay laging isinasalin gamit ang isang pandiwa at pantulong na mga salita, gaya ng “proceeded to” o “went on to” para ipakita na patuloy o paulit-ulit ang kilos. * Ang pananalitang gaya ng “certainly,” “must,” at “indeed” ay ginamit para ipakitang tapós na ang kilos ng pandiwang nasa perfect state.
Sa 2013 rebisyon, ang gayong pantulong na mga salita ay hindi na ginamit malibang kailangan. Halimbawa, hindi na kailangang idiin na paulit-ulit na sinabi ng Diyos ang “Let there be light.” Kaya sa rebisyon, “said” ang ginamit sa halip na “say,” na nasa imperfect state. (Gen. 1:3) Pero sa Genesis 3:9, maliwanag na paulit-ulit na tinawag ni Jehova si Adan, kaya pinanatili ang “kept calling.” Sa kabuoan, ang mga pandiwa ay isinalin sa mas simpleng paraan, at mas binigyang-pansin ang mismong kilos sa halip na ang pagiging tapós o di-tapós nito sa Hebreo. Nakatulong din iyan para matularan ang pagiging tuwiran at maikli ng wikang Hebreo.
Bakit mas maraming kabanata ang nakaformat ngayon na gaya ng tula? Maraming bahagi ng Bibliya ang orihinal na isinulat nang patula. Sa makabagong mga wika, ang tula ay kadalasang makikilala dahil sa magkakatunog na salita. Pero sa tulang Hebreo, ang pinakamahalagang elemento ay paralelismo at pagkakasalungatan. Lohikal na pinagsusunod-sunod nito ang mga ideya sa halip na gumamit ng magkakatunog na salita.
Sa naunang mga edisyon ng New World Translation, ang Job at Mga Awit ay nakaformat na gaya ng tula para ipakitang nilayon itong awitin o bigkasin. Nakatulong ang format na ito para maidiin at madaling matandaan ang elementong patula. Sa 2013 rebisyon, ang Mga Kawikaan, Awit ni Solomon, at maraming kabanata ng makahulang mga aklat ay nakaformat na rin ngayon na gaya ng tula para ipakitang ang mga talata ay orihinal na isinulat nang patula at para itampok ang paralelismo at pagkakasalungatan. Ang isang halimbawa nito ay ang Isaias 24:2. Ang bawat linya ay naglalaman ng pagkakasalungatan at sumusuporta sa isa’t isa para idiin na lahat ng uri ng tao ay hahatulan ng Diyos. Kapag nakita ng mga mambabasa na patula ang gayong mga talata, mauunawaan nilang hindi lang basta inuulit ng manunulat ng Bibliya ang sinasabi niya kundi paraan niya iyon para idiin ang mensahe ng Diyos.
Hindi laging madaling makita sa Hebreo kung alin ang prosa at alin ang tula, kaya nagkakaiba-iba ang mga salin ng Bibliya pagdating sa mga talatang patula. May mahalagang papel ang mga tagapagsalin sa pagpapasiya kung aling mga talata ang gagawing patula. Ang ilan ay naglalaman ng mga prosang patula ang mga salita, anupat gumagamit ng paglalarawan, wordplay, at paralelismo para idiin ang punto.
Ang isang bagong feature sa 2013 rebisyon ay ang Outline of Contents. Malaking tulong ito para makilala kung sino ang nagsasalita sa mga pag-uusap sa Awit ni Solomon.
Paano nakaapekto sa rebisyon ang pag-aaral sa mga manuskrito sa orihinal na wika? Ang orihinal na New World Translation ay batay sa Hebreong tekstong Masoretiko at sa kinikilalang tekstong Griego nina Westcott at Hort. Ang pag-aaral sa sinaunang mga manuskrito ng Bibliya ay patuloy na sumusulong, at nagbigay-liwanag sa orihinal na teksto ng ilang talata sa Bibliya. May makukuha na ngayong mga kopya ng Dead Sea Scrolls. Mas marami nang manuskritong Griego ang napag-aaralan. May mga computer format na rin ng pinakabagong mga manuskrito, kaya mas madali nang masuri ang pagkakaiba ng mga manuskrito para makita kung aling bersiyon ng tekstong Hebreo o Griego ang mas suportado ng mga manuskrito. Sinamantala ng New World Bible Translation Committee ang lahat ng pagsulong na ito para pag-aralan ang ilang partikular na talata, na nagbunga ng ilang pagbabago.
Halimbawa, sa 2 Samuel 13:21 ng Griegong Septuagint, mababasa ang katumbas ng pananalitang ito: “But he would not hurt the feelings of Amnon his son, because he loved him, for he was his firstborn.” Hindi ito isinama sa naunang mga bersiyon ng New World Translation dahil wala ito sa tekstong Masoretiko. Pero makikita ito sa Dead Sea Scrolls, at ngayon ay isinama na sa 2013 nirebisang edisyon. Iyan din ang dahilan kung bakit limang beses na isinauli ang pangalan ng Diyos sa aklat ng Unang Samuel. Batay sa pag-aaral sa tekstong Griego, binago rin ang pagkakasunod-sunod ng ideya sa Mateo 21:29-31. Kaya ang ilang pagbabagong ginawa ay batay sa bigat ng katibayang makikita sa mga manuskrito sa halip na sa mahigpit na panghahawakan sa iisang Griegong master text.
Ilan lang ito sa mga pagbabagong ginawa. Kaya para sa marami na nagpapahalaga sa New World Translation bilang isang kaloob mula sa Diyos na nakikipagtalastasan, mas madali na itong basahin at unawain.
^ par. 10 Tingnan ang New World Translation of the Holy Scriptures—With References, Appendix 3C “Hebrew Verbs Indicating Continuous or Progressive Action.”