Pinapatnubayan ni Jehova ang Ating Pambuong-Daigdig na Pagtuturo
“Ako, si Jehova, ang iyong Diyos, ang Isa na nagtuturo sa iyo upang makinabang ka, ang Isa na pumapatnubay sa iyo sa daan na dapat mong lakaran.”—ISA. 48:17.
1. Ano ang mga hadlang sa pangangaral ng mga Kristiyano sa makabagong panahon?
NANG simulan ng mga Estudyante ng Bibliya * ang pangangaral ng mabuting balita mahigit 130 taon na ang nakararaan, napaharap sila sa maraming hadlang. Gaya ng mga Kristiyano noong unang siglo, hindi gusto ng marami ang mensaheng ipinangangaral nila. Kakaunti lang sila, at sa tingin ng karamihan, mababa lang ang pinag-aralan nila. Bukod diyan, pinag-usig sila nang ihagis si Satanas na Diyablo sa lupa. (Apoc. 12:12) At mula noon, nangangaral sila sa “mga huling araw” na ito, na ‘mapanganib at mahirap pakitunguhan.’—2 Tim. 3:1.
2. Paano tayo tinutulungan ni Jehova na ipangaral ang mabuting balita sa panahong ito?
2 Pero layunin ni Jehova na maipangaral ng kaniyang bayan ang mabuting balita sa buong daigdig, at walang anumang makahahadlang sa kaniya. Kung paanong iniligtas niya noon ang bansang Apoc. 18:1-4) Tinuturuan niya tayo para sa kapakinabangan natin, binibigyan tayo ng kapayapaan, at sinasanay tayong magturo sa iba tungkol sa kaniya. (Basahin ang Isaias 48:16-18.) Bagaman ginagabayan ni Jehova ang ating gawain, hindi iyon nangangahulugan na lagi niyang binabago ang mga kalagayan ng daigdig para mapadali ang pangangaral natin. Totoo, may ilang kalagayang pabor sa ating pagpapatotoo. Pero pinag-uusig pa rin tayo at napapaharap sa mga problemang dulot ng sanlibutan ni Satanas. Dahil lang sa tulong ni Jehova kung kaya nababata natin ang gayong mga sitwasyon at nagagampanan ang ating atas.—Isa. 41:13; 1 Juan 5:19.
Israel mula sa Babilonya, iniligtas din ni Jehova ang kaniyang makabagong-panahong mga lingkod mula sa “Babilonyang Dakila,” ang pandaigdig na imperyo ng huwad na relihiyon. (3. Paano sumasagana sa ngayon ang “tunay na kaalaman”?
3 Kinasihan ni Jehova si propeta Daniel na ihulang ang “tunay na kaalaman” ay sasagana sa panahon ng kawakasan. (Basahin ang Daniel 12:4.) Tinulungan ni Jehova ang mga Estudyante ng Bibliya na maunawaan ang pangunahing mga turo ng Bibliya na lumabo dahil sa huwad na mga doktrina ng Sangkakristiyanuhan. Sa ngayon, ginagamit niya ang kaniyang bayan para ihayag sa buong daigdig ang tunay na kaalaman. Nakikita nating natutupad na ang hula ni Daniel. Halos 8,000,000 katao na ang tumanggap ng katotohanan ng Bibliya at nangangaral tungkol dito. Ano ang ilang bagay na nakatulong para maging posible ang pambuong-daigdig na pagtuturong ito?
PAGSASALIN NG BIBLIYA
4. Noong ika-19 na siglo, sa ilang wika na naisalin ang Bibliya?
4 Ang isang nakatulong sa atin sa pangangaral ng mabuting balita ay ang pagsasalin ng Bibliya sa maraming wika. Sa loob ng daan-daang taon, ipinagbawal ng mga klero ng Sangkakristiyanuhan ang pagbabasa ng Bibliya. Pinag-usig pa nga nila at pinatay ang ilan sa mga nagsalin nito. Pero noong ika-19 na siglo, sa pagsisikap ng mga Bible society, naging available ang buong Bibliya o ang bahagi nito sa mga 400 wika. Sa pagtatapos ng siglong iyon, marami na ang may sariling Bibliya pero hindi tumpak ang kaalaman nila sa mga turo ng Kasulatan.
5. Ano na ang nagawa ng mga Saksi ni Jehova pagdating sa pagsasalin ng Bibliya?
5 Alam ng mga Estudyante ng Bibliya na kailangan nilang mangaral, kaya masigasig nilang ipinaliwanag ang itinuturo ng Bibliya. Bukod diyan, ang bayan ni Jehova ay gumamit at namahagi ng iba’t ibang bersiyon ng Bibliya. Mula noong 1950, inilathala nila ang Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan, ang kabuuan o bahagi nito, sa mahigit 120 wika. Noong 2013, inilabas nila ang nirebisang Ingles na edisyon ng Bagong Sanlibutang Salin. Mas madali itong maintindihan at isalin sa ibang mga wika. At kapag naiintindihan agad ng mga tao ang gamit nating Bibliya, mas madaling ituro ang katotohanan.
MAPAYAPANG KALAGAYAN
6, 7. (a) Anong mga digmaan ang naganap sa nakaraang 100 taon? (b) Paano nakatutulong sa gawaing pangangaral natin ang kapayapaan sa maraming bansa?
6 Baka maitanong mo, ‘Mapayapa ba talaga ang daigdig?’ Noong ika-20 siglo, milyon-milyon ang namatay dahil sa mga digmaan, lalo na sa dalawang digmaang pandaigdig. Pero sa kasagsagan ng Digmaang Pandaigdig II noong 1942, si Nathan Knorr, na nangangasiwa noon sa gawain ng mga Saksi ni Jehova, ay nagpahayag ng paksang “Kapayapaan—Mananatili Ba Ito?” Sa pahayag na ito sa kombensiyon, ipinakita Apocalipsis kabanata 17 na ang digmaang nagaganap noon ay hahantong hindi sa Armagedon kundi sa isang panahon ng kapayapaan.—Apoc. 17:3, 11.
ang katibayan mula sa7 Hindi nagkaroon ng lubos na kapayapaan pagkatapos ng Digmaang Pandaigdig II. Ayon sa isang ulat, nagkaroon ng 331 armadong labanan sa pagitan ng 1946 at 2013. Milyon-milyon ang namatay. Pero nang mga taóng iyon, mapayapa ang kalagayan sa maraming bansa, at sinamantala ng bayan ni Jehova ang sitwasyong iyon para maipangaral ang mabuting balita. Ano ang resulta? Noong 1944, wala pang 110,000 ang mamamahayag ng Kaharian sa buong daigdig, pero ngayon ay halos 8,000,000 na! (Basahin ang Isaias 60:22.) Oo, nakapangangaral tayo sa mas maraming tao kapag mapayapa ang kalagayan.
PAGSULONG SA TRANSPORTASYON
8, 9. Ano ang mga naging pagsulong sa transportasyon? Paano nakatutulong ang mga ito sa gawain natin?
8 Nakatulong sa gawaing pangangaral ang pagsulong sa transportasyon. Noong 1900—mga 21 taon matapos imprentahin ang unang isyu ng Watch Tower—mga 8,000 lang ang rehistradong sasakyan sa buong Estados Unidos at kakaunti ang maayos na kalsada. Pero ngayon, sa buong daigdig, mayroon nang mahigit sa isa at kalahating bilyong rehistradong sasakyan at milyon-milyong kilometro ng kalsada. Malaking tulong sa atin ang mga sasakyan at kalsada para makapangaral sa mga tao sa malalayong lugar. Pero kahit walang kumbinyenteng transportasyon sa lugar na tinitirhan natin at kailangan tayong maglakad nang malayo, ginagawa natin ang lahat para makapangaral sa mga tao.—Mat. 28:19, 20.
9 May iba pang mga uri ng transportasyon na nakatutulong sa gawain natin. Sa pamamagitan ng mga trak, barko, at tren, naihahatid ang mga salig-Bibliyang literatura sa malalayong lugar sa loob lang ng ilang linggo. Ang mga tagapangasiwa ng sirkito, mga miyembro ng Komite ng Sangay, mga misyonero, at iba pa ay sumasakay sa eroplano para makarating agad sa mga kombensiyon o magampanan ang mga teokratikong atas nila. Nag-eeroplano rin ang mga miyembro ng Lupong Tagapamahala at iba pang mga kapatid mula sa pandaigdig na punong-tanggapan papunta sa maraming bansa para magpatibay at magturo sa mga kapananampalataya. Kaya malaking tulong ang mga pagsulong sa transportasyon Awit 133:1-3.
para magkaisa ang bayan ni Jehova.—WIKA AT PAGSASALIN
10. Bakit masasabing internasyonal na wika ang Ingles?
10 Noong unang siglo, ang karaniwang Griego, o Koine, ay ginagamit ng maraming tao sa buong Imperyo ng Roma. May wika ba na ganiyan din kalaganap sa ngayon? Maiisip ng marami ang wikang Ingles. Ayon sa aklat na English as a Global Language, mga 25 porsiyento ng populasyon ng daigdig ang nakapagsasalita o kaya’y nakaiintindi ng Ingles. Sa ngayon, napakaraming nag-aaral ng Ingles dahil ginagamit ito sa buong daigdig sa larangan ng komersiyo, politika, siyensiya, at teknolohiya.
11. Paano nakatutulong sa pagsulong ng dalisay na pagsamba ang wikang Ingles?
11 Ang malawakang paggamit ng Ingles ay nakatulong sa pagsulong ng dalisay na pagsamba. Noon, ang Bantayan at iba pang mga literatura sa Bibliya ay iniimprenta muna sa Ingles. Ito ang opisyal na wika sa pandaigdig na punong-tanggapan ng mga Saksi ni Jehova. At ito ang karaniwang ginagamit sa pagtuturo sa mga estudyante ng Watchtower Educational Center sa Patterson, New York, E.U.A.
12. Sa ilang wika na isinasalin ang ating mga literatura? Paano nakatutulong sa gawaing ito ang teknolohiya?
12 Pribilehiyo nating ipangaral ang mabuting balita ng Kaharian sa mga tao ng lahat ng bansa, kaya isinasalin natin ang ating mga literatura sa mga 700 wika. Ang pagsulong sa computer technology, kasama na ang pagka-develop sa MEPS (Multilanguage Electronic Publishing System), ay nakatulong sa malaking gawaing ito. Ang mga pagsisikap na ito ay nakatutulong sa atin para mapalaganap ang mensahe ng Kaharian at magkaisa tayo sa buong daigdig. Pero ang pangunahing dahilan kung bakit nagkakaisa tayo ay ang pagsasalita natin ng “dalisay na wika” ng katotohanan na nasa Bibliya.—Basahin ang Zefanias 3:9.
MGA BATAS AT DESISYON NG KORTE
13, 14. Paano nakikinabang ang mga Kristiyano sa ngayon sa mga batas at mga desisyon ng korte?
13 Gaya ng binanggit sa naunang artikulo, nakatulong sa mga Kristiyano noong unang siglo ang batas Romano, na ipinatupad sa buong imperyo. Sa ngayon, nakikinabang din sa mga probisyon ng batas ang mga Kristiyano. Halimbawa, sa Estados Unidos—kung saan naroon ang pandaigdig na punong-tanggapan natin—ginagarantiyahan ng Fil. 1:7) Kapag sinasampahan ng kaso ang bayan ni Jehova sa Estados Unidos, umaapela sila sa mas mataas na hukuman at madalas na napagtitibay ang karapatan nilang mangaral tungkol sa Kaharian.
Konstitusyon ang kalayaan sa relihiyon, pagsasalita, at pagtitipon. Kaya ang mga kapatid doon ay malayang nakapangangaral at nakapagtitipon para pag-usapan ang Bibliya. Pero kung minsan, kailangang dumulog sa korte para ipagtanggol ang ilang karapatan. (14 Pinagtitibay rin ng mga hukuman sa ibang bansa ang kalayaan natin sa pagsamba at ang karapatan nating mangaral sa publiko. Kapag natalo tayo, umaapela tayo sa mga internasyonal na hukuman, gaya ng European Court of Human Rights. Pagsapit ng Hunyo 2014, naipanalo na natin sa Korte na iyon ang 57 kaso, at ang mga desisyong ito ay dapat sundin sa lahat ng bansang kabilang sa Council of Europe. Kahit ‘kinapopootan tayo ng lahat ng mga bansa,’ pinagtitibay ng mga hukuman sa maraming bansa ang karapatan nating sumamba kay Jehova.—Mat. 24:9.
MGA IMBENSIYON
15. Ano ang mga pagsulong sa larangan ng pag-iimprenta? Paano nakatulong sa atin ang mga ito?
15 Nakatulong din sa atin ang bagong mga paraan ng pag-iimprenta para maipangaral ang mabuting balita sa mas maraming tao. Sa loob ng daan-daang taon, ginagamit ng mga tao sa pag-iimprenta ang printing press na naimbento ni Johannes Gutenberg noong mga 1450. Pero sa nakaraang 200 taon, maraming naging pagbabago sa paraan ng pag-iimprenta. Ang mga makinang pang-imprenta ay naging mas malalaki, mas mabibilis, at mas makabago. Bumaba rin ang gastos sa paggawa ng papel at pagba-bind ng mga aklat. Ang letterpress ay napalitan ng offset printing, kaya lalong bumilis ang produksiyon at mas gumanda ang kalidad ng mga larawan. Paano nakaapekto sa mga publikasyon natin ang mga pagbabagong ito? Ang unang isyu ng Watch Tower (Hulyo 1879) ay inimprenta lang sa wikang Ingles. Wala itong mga larawan, at 6,000 kopya ang inimprenta. Sa ngayon, makalipas ang 136 na taon, ang Watchtower ay iniimprenta na sa mahigit 200 wika. Mayroon itong magaganda at makukulay na larawan, at mahigit 50,000,000 kopya ang iniimprenta bawat isyu.
16. Anong mga imbensiyon ang nakatutulong sa atin sa pangangaral sa buong daigdig? (Tingnan ang larawan sa simula ng artikulo.)
16 Maraming imbensiyon sa nakaraang 200 taon ang nakatulong sa bayan ng Diyos sa pangangaral ng mabuting balita. Bukod sa tren, sasakyan, at eroplano, nariyan din ang bisikleta, typewriter, Braille device, telegraph, telepono, camera, audio at video recorder, radyo, telebisyon, pelikula, computer, at Internet. Hindi ang mga Saksi ni Jehova ang umimbento ng mga ito, pero ginagamit natin ang mga ito para makapag-imprenta ng mga Bibliya at iba pang literatura sa maraming wika at makapangaral sa buong daigdig. Sa gayon, natutupad ang hula na nagsasabing iinumin ng bayan ni Jehova ang “gatas ng mga bansa.”—Basahin ang Isaias 60:16.
17. (a) Ano ang pinatutunayan ng mga tinalakay natin sa artikulong ito? (b) Bakit gusto ni Jehova na maging “mga kamanggagawa” niya tayo?
17 Maliwanag, pinagpapala ng Diyos ang ating gawaing pangangaral. Siyempre pa, hindi nakadepende si Jehova sa tulong natin para matupad ang mga layunin niya. Pero gusto ng ating maibiging Ama sa langit na maging “mga kamanggagawa” niya tayo, sa gayon ay maipakikita natin ang pag-ibig sa kaniya at sa ating kapuwa. (1 Cor. 3:9; Mar. 12:28-31) Samantalahin nawa natin ang bawat pagkakataong maipangaral ang mensahe ng Kaharian, ang pinakamahalagang gawain sa lupa. Ipakita nating nagpapasalamat tayo sa patnubay at pagpapala ni Jehova sa ating pambuong-daigdig na pagtuturo!
^ par. 1 Noong 1931, sinimulang gamitin ng mga Estudyante ng Bibliya ang pangalang mga Saksi ni Jehova.—Isa. 43:10.