Tulungan ang Iba na Maabot ang Kanilang Buong Potensiyal
“Magpapayo ako habang ang aking mata ay nakatingin sa iyo.”
1, 2. Ano ang pananaw ni Jehova sa mga lingkod niya sa lupa?
KAPAG pinapanood ng mga magulang ang maliliit nilang anak na naglalaro, kadalasan nang tuwang-tuwa silang makita ang likas na mga abilidad ng mga ito. Baka ang isang bata ay maliksi at may potensiyal sa isport, samantalang ang kapatid nito ay magaling sa board games o sa art. Pero anuman ang talento ng mga bata, natutuwa ang mga magulang nila na makitang may potensiyal sila.
2 Bilang isang maibiging magulang, interesadong-interesado si Jehova sa kaniyang mga lingkod sa lupa. Para sa kaniya, sila ay “mga kanais-nais na bagay ng lahat ng mga bansa,” partikular na dahil sa kanilang pananampalataya at debosyon. (Hag. 2:7) Pero napapansin mo siguro na maraming iba’t ibang talento ang mga kapananampalataya natin. May mga brother na mahusay magpahayag at ang iba naman ay magaling mag-organisa. Maraming sister ang mabilis matuto ng ibang wika at ginagamit nila iyon sa ministeryo. Ang ibang sister naman ay mabubuting halimbawa sa pagpapatibay sa iba o pag-aalaga sa maysakit. (Roma 16:1, 12) Hindi ba’t nagpapasalamat tayo na may gayong mga Kristiyano sa ating kongregasyon?
3. Ano-anong tanong ang tatalakayin sa artikulong ito?
3 Pero baka hindi pa alam ng ilang kapatid, lalo na ng mga
brother na kabataan o bagong bautismo, kung paano sila lubos na makakatulong sa kongregasyon. Paano natin sila tutulungang maabot ang kanilang buong potensiyal? Bakit dapat nating sikaping tularan si Jehova at hanapin ang mabubuting katangian nila?NAKIKITA NI JEHOVA ANG MABUBUTING KATANGIAN NATIN
4, 5. Paano pinatutunayan ng ulat sa Hukom 6:11-16 na nakikita ni Jehova ang potensiyal ng kaniyang mga lingkod?
4 Pinatutunayan ng ilang ulat sa Bibliya na nakikita ni Jehova, hindi lang ang mabubuting katangian ng mga lingkod niya, kundi pati ang potensiyal nila. Halimbawa, nang piliin si Gideon para palayain ang bayan ng Diyos mula sa paniniil ng mga Midianita, tiyak na nagulat siya nang sabihin sa kaniya ng anghel: “Si Jehova ay sumasaiyo, ikaw na magiting at makapangyarihan.” Lumilitaw na hindi iniisip noon ni Gideon na “makapangyarihan” siya. Sa tingin niya, wala siyang kakayahang iligtas ang Israel. Pero gaya ng makikita sa sumunod na pag-uusap, mas positibo ang pananaw ni Jehova kay Gideon kaysa sa pananaw nito sa kaniyang sarili.
5 May tiwala si Jehova kay Gideon na maililigtas nito ang Israel dahil naobserbahan Niya ang mga kakayahan nito. Napansin mismo ng anghel ni Jehova ang puspusang paggigiik ni Gideon ng trigo. May napansin pa ang anghel. Noong panahon ng Bibliya, kadalasan nang sa gitna ng bukid hinahampas ang mga butil para matangay ng hangin ang mga ipa. Pero si Gideon ay patagong naggigiik sa pisaan ng ubas para hindi makuha ng mga Midianita ang kaunting inani niya. Ang galing ng naisip niya! Kaya naman sa paningin ni Jehova, si Gideon ay hindi lang basta maingat na magsasaka
6, 7. (a) Paano naiiba ang pananaw ni Jehova kay propeta Amos sa pananaw ng ilang Israelita? (b) Bakit masasabing hindi ignorante si Amos?
6 Makikita rin sa kaso ni propeta Amos na napapansin ni Jehova ang potensiyal ng kaniyang mga lingkod na sa tingin ng marami ay parang ordinaryong tao lang. Inilarawan ni Amos ang sarili niya bilang isang pastol at tagatusok ng mga igos ng sikomoro
7 Nagmula si Amos sa isang liblib na nayon, pero marami siyang alam sa mga kaugalian at mga tagapamahala noong panahon niya kaya hindi masasabing ignorante siya. Malamang na alam na alam niya ang mga kalagayan sa Israel. At maaaring pamilyar din siya sa mga kalapit na bansa dahil sa mga nakakausap niyang naglalakbay na mangangalakal. (Amos 1:6, 9, 11, 13; 2:8; 6:4-6) Sinasabi ng ilang iskolar sa Bibliya na mahusay na manunulat si Amos. Gumamit siya ng simple pero mapuwersang mga pananalita. Walang-takot na kinondena ni Amos ang masamang saserdoteng si Amazias. Pinatutunayan nito na tama si Jehova sa pagpili kay Amos para maghatid ng kaniyang mensahe. Nakita niya ang mga kakayahan ni Amos na hindi nakikita ng iba.
8. (a) Ano ang tiniyak ni Jehova kay David? (b) Bakit nakapagpapatibay ang Awit 32:8 para sa mga kulang sa kakayahan o kumpiyansa sa sarili?
8 Oo, napapansin ni Jehova ang potensiyal ng bawat lingkod niya. Tiniyak niya kay Haring David na lagi niya itong gagabayan habang ‘ang Kaniyang mata ay nakatingin sa kaniya.’ (Basahin ang Awit 32:8.) Bakit ito nakapagpapatibay sa atin? Kahit kulang tayo ng kumpiyansa sa sarili, matutulungan tayo ni Jehova na magawa ang mga bagay na hindi natin iniisip na kaya nating gawin. Kung paanong pinagmamasdang mabuti ng instructor ang isang baguhang rock climber para ituro dito ang pinakamagandang makakapitan, handa tayong turuan at gabayan ni Jehova habang sumusulong tayo sa espirituwal. Maaari ding gamitin ni Jehova ang mga kapananampalataya natin para tulungan tayong maabot ang ating buong potensiyal. Paano?
HANAPIN ANG MABUBUTING KATANGIAN NG IBA
9. Paano natin maikakapit ang payo ni Pablo na ‘ituon ang mata’ sa kapakanan ng iba?
9 Pinayuhan ni Pablo ang lahat ng Kristiyano na ‘ituon ang mata’ sa kapakanan ng mga kapananampalataya. (Basahin ang Filipos 2:3, 4.) Ibig sabihin, dapat nating obserbahan ang kakayahan ng iba at komendahan sila. Ano ba ang nadarama natin kapag may nakakapansin na sumusulong tayo? Kadalasan, ginaganahan tayong patuloy na sumulong at gawin ang ating buong makakaya. Kaya kapag pinahahalagahan din natin ang mga pagsisikap ng ating mga kapananampalataya, tinutulungan natin silang sumulong sa espirituwal.
10. Sino ang partikular nang dapat nating bigyan ng atensiyon?
10 Sino ang partikular nang dapat nating bigyan ng atensiyon? Lahat tayo ay nangangailangan ng atensiyon paminsan-minsan. Pero mas kailangan ng mga brother na kabataan o bagong bautismo na madamang may bahagi sila sa mga gawain ng kongregasyon. Makakatulong ito para makita nilang kapaki-pakinabang sila sa bayan ng Diyos. Kung hindi natin bibigyan ng pansin ang gayong mga brother, baka mawalan sila ng ganang umabót ng higit na pananagutan, gaya ng ipinapayo sa kanila ng Bibliya.
11. (a) Paano tinulungan ng isang elder ang isang kabataan na madaig ang pagkamahiyain? (b) Ano ang matututuhan mo sa karanasan ni Julien?
11 Si Ludovic, isang elder na binigyan ng gayong atensiyon noong bata pa, ay nagsabi: “Kapag nagpapakita ako ng taimtim na interes sa isang brother, mas mabilis siyang sumusulong.” Sinabi niya tungkol kay Julien, isang kabataang mahiyain: “Kung minsan, nagkukusang tumulong si Julien, pero asiwa siya kaya alangan ang mga kilos niya. Pero nakikita kong napakabait niya at talagang gustong makatulong sa mga kapatid sa kongregasyon. Kaya imbes na kuwestiyunin ang motibo niya, nagpokus ako sa magagandang katangian niya at pinatibay ko siya.” Nang maglaon, naging ministeryal na lingkod si Julien, at regular pioneer na siya ngayon.
TULUNGAN SILANG MAABOT ANG KANILANG BUONG POTENSIYAL
12. Ano ang dapat nating gawin para matulungan ang iba na maabot ang kanilang buong potensiyal? Magbigay ng halimbawa.
12 Para matulungan ang iba na maabot ang kanilang buong potensiyal, dapat nating tingnan ang kanilang kakayahan. Gaya ng makikita sa karanasan ni Julien, huwag tayong magpokus sa mga kahinaan ng isang kapatid para makita natin ang kaniyang magagandang katangian at mga kakayahan na puwedeng pasulungin. Ganiyan ang ginawa ni Jesus kay apostol Pedro. Kahit kung minsan ay parang pabago-bago si Pedro, nakita ni Jesus na magiging matatag ito na gaya ng bato.
13, 14. (a) Paano inunawa ni Bernabe ang kabataang si Marcos? (b) Gaya ni Marcos, paano natulungan ang isang kabataang brother? (Tingnan ang larawan sa simula ng artikulo.)
13 Gayon din ang ginawa ni Bernabe kay Juan, na may huling pangalang Marcos. (Gawa 12:25) Noong unang paglalakbay ni Pablo bilang misyonero kasama si Bernabe, si Marcos ang nagsilbing “tagapaglingkod” nila; posibleng siya ang nag-aasikaso ng ilan sa kanilang mga pangangailangan. Pero pagdating nila sa Pamfilia, biglang iniwan ni Marcos ang mga kasama niya. Kaya ang mga ito na lang ang naglakbay pahilaga at dumaan sa isang lugar na pinamumugaran ng mga bandido. (Gawa 13:5, 13) Pero lumilitaw na hindi nagpokus si Bernabe sa di-magandang ginawa ni Marcos. Nang maglaon, sinamantala niya ang pagkakataon para sanayin pa ito. (Gawa 15:37-39) Nakatulong ito sa kabataang iyon para maging may-gulang na lingkod ni Jehova. Pagkaraan ng ilang taon, si Marcos ay nasa Roma at tumutulong kay Pablo, na nakabilanggo noon. Isa siya sa mga nagpadala ng pagbati sa mga Kristiyano sa kongregasyon sa Colosas, at positibo ang sinabi ng apostol tungkol sa kaniya. (Col. 4:10) Tiyak na natuwa si Bernabe nang hilingin pa nga ni Pablo ang tulong ni Marcos.
14 Naalala ni Alexandre, isang bagong elder, kung paano siya natulungan ng isang maunawaing brother. Sinabi niya: “Noong kabataan ako, ninenerbiyos akong manguna sa panalangin. Tinuruan ako ng isang elder kung paano maghahanda at magiging mas relaks. At madalas niya akong tinatawag para manguna sa panalangin sa pagtitipon bago lumabas sa larangan. Kaya naman mas nagkaroon ako ng kumpiyansa.”
15. Paano ipinakita ni Pablo na pinahahalagahan niya ang kaniyang mga kapatid?
15 Kapag may napapansin tayong magandang katangian ng isang kapatid, binibigyan ba natin siya ng komendasyon? Sa Roma kabanata 16, binanggit ni Pablo ang mahigit 20 kapananampalataya niya at ang mga katangian nila na pinahahalagahan niya. (Roma 16:3-7, 13) Halimbawa, kinilala niyang sina Andronico at Junias ay mas matatagal nang lingkod ni Kristo kaysa sa kaniya at matagal nang nagbabata bilang mga Kristiyano. Magiliw ring tinukoy ni Pablo ang ina ni Rufo, maaaring dahil sa pagmamalasakit nito sa kaniya noon.
16. Ano ang maaaring maging resulta ng pagbibigay ng komendasyon sa isang kabataan?
16 Puwedeng magkaroon ng magandang resulta ang pagbibigay natin ng taimtim na komendasyon. Tingnan natin ang karanasan ni Rico, isang batang taga-France na nasiraan ng loob dahil ayaw ng tatay niyang di-Saksi na magpabautismo siya. Akala ni Rico, kailangan muna niyang mag-18 anyos bago siya lubusang makapaglingkod kay Jehova. Nalulungkot din siya kasi pinagtatawanan siya sa paaralan dahil sa mga paniniwala niya. Ikinuwento ni Frédéric, isang elder na nag-Bible study sa kaniya: “Pinuri ko si Rico, kasi kaya siya sinasalansang, sinasabi niya talaga kung ano ang mga paniniwala niya.” Napatibay ng komendasyong ito si Rico na maging determinadong patuloy na sumulong at maging mas malapít sa tatay niya. Nabautismuhan si Rico sa edad na 12.
17. (a) Paano natin matutulungang sumulong ang mga kapatid? (b) Paano nagpakita ng personal na interes ang isang misyonero sa mga kabataang brother? Ano ang naging resulta?
17 Sa tuwing pinasasalamatan natin at pinupuri ang mga kapatid sa mahusay na pagganap ng atas, pinasisigla natin silang higit na paglingkuran si Jehova. Ayon kay * na maraming taon nang naglilingkod sa Bethel sa France, ang mga sister ay puwede ring magbigay ng komendasyon sa mga kapatid. Sinabi niya na may nakikitang ibang detalye ang mga babae. Kaya ang kanilang “nakapagpapatibay na mga salita ay makadaragdag sa ibinibigay na komendasyon ng makaranasang mga brother.” Sinabi pa niya: “Para sa akin, ang pagbibigay ng komendasyon ay isang obligasyon.” (Kaw. 3:27) Si Jérôme, isang misyonero sa French Guiana, ay nakatulong sa maraming kabataang brother na maging kuwalipikado sa pagmimisyonero. Sinabi niya: “Napansin kong kapag pinupuri ko ang mga kabataang brother sa espesipikong mga bagay na ginawa nila sa ministeryo o sa magaganda nilang komento, mas nagkakaroon sila ng kumpiyansa. Kaya naman lalong sumusulong ang kanilang mga kakayahan.”
Sylvie,18. Bakit makabubuting makasama sa mga gawain ang mga kabataang brother?
18 Mapasisigla rin nating sumulong ang mga kapatid kung sasanayin natin sila o gagawa tayong kasama nila. Puwedeng pakisuyuan ng isang elder ang isang kabataang brother na mag-print ng ilang impormasyon mula sa jw.org na makapagpapatibay sa mga may-edad na walang computer. O kung may kailangang gawin o kumpunihin sa Kingdom Hall, bakit hindi yayain ang isang kabataang brother na tulungan ka? Sa gayon, magkakaroon ka ng pagkakataong obserbahan ang mga kabataan, bigyan sila ng komendasyon, at makita ang epekto nito sa kanila.
TUMULONG PARA SA HINAHARAP
19, 20. Bakit dapat nating tulungan ang iba na sumulong?
19 Nang atasan ni Jehova si Josue na manguna sa mga Israelita, inutusan din Niya si Moises na “patibayin” at “palakasin” si Josue. (Basahin ang Deuteronomio 3:28.) Parami nang parami ang sumasama sa atin sa pagsamba kay Jehova. Lahat ng makaranasang Kristiyano
20 Nakaugnay man tayo sa isang malaking kongregasyon o sa isang maliit na grupo pa lang, makakatulong tayo para sa anumang kakailanganin ng organisasyon sa hinaharap. Para magawa ito, tularan natin si Jehova at hanapin ang mabubuting katangian ng iba.
^ par. 17 Binago ang pangalan.