Sa Tulong ni Jehova, Nakayanan Namin ang Pahirap ng mga Totalitaryong Rehimen
Sa Tulong ni Jehova, Nakayanan Namin ang Pahirap ng mga Totalitaryong Rehimen
Ayon sa salaysay ni Henryk Dornik
IPINANGANAK ako noong 1926. Debotong Katoliko ang aking mga magulang. Nakatira sila sa Ruda Slaska, isang minahang bayan malapit sa Katowice, sa timugang Poland. Tinuruan nila ang kanilang mga anak—ako, ang aking kuya na si Bernard; at ang dalawa kong nakababatang kapatid na sina Róża at Edyta—na manalangin, magsimba, at mangumpisal.
Nakarating sa Aming Pamilya ang Katotohanan sa Bibliya
Isang araw noong Enero 1937, nang sampung taóng gulang ako, masayang-masaya si Itay nang umuwi ng bahay. May dala siyang malaki at makapal na librong nakuha niya mula sa mga Saksi ni Jehova. Ang sabi niya, “Mga anak, tingnan ninyo ang dala ko—Banal na Kasulatan!” Noon lamang ako nakakita ng Bibliya.
Matagal nang malakas ang impluwensiya ng Simbahang Katoliko sa mga mamamayan ng Ruda Slaska at sa mga kalapit nitong bayan. Napakabait ng klero sa mga may-ari ng minahan pero napakaistrikto naman sa mga minero at sa pamilya ng mga ito. Kapag ang isang minero ay hindi pumunta sa Misa o ayaw mangumpisal, itinuturing siyang isang di-mananampalataya at posibleng masesante sa minahan. Muntik na ring masesante sa minahan si Itay sapagkat nakikisama siya sa mga Saksi ni Jehova. Pero nang dumalaw ang pari sa bahay namin, ibinunyag ni Itay ang kaniyang pagpapaimbabaw sa harap ng lahat. Ayaw na ng napahiyang pari ng gulo, kaya hindi na nasesante si Itay.
Lalo akong naging determinadong pag-aralan ang Bibliya nang masaksihan ko ang komprontasyon ni Itay at ng pari. Unti-unti akong nakadama ng pag-ibig kay Jehova, at naging malapít ako sa kaniya. Ilang buwan matapos ang pakikipag-usap *—2 Hari 10:15-17.
na iyon ni Itay sa pari, dumalo kami sa Memoryal ng kamatayan ni Kristo at doon ay ipinakilala si Itay sa isang grupong binubuo ng 30 katao sa ganitong pananalita, “Siya ay isang Jonadab.” Di-nagtagal, nalaman kong ang “mga Jonadab” ay mga Kristiyanong may makalupang pag-asa at darami pa nga sila.“Totoy, Alam Mo ba ang Ibig Sabihin ng Bautismo?”
Matapos tanggapin ni Itay ang katotohanan, huminto na siya sa pag-inom at naging mabuting asawa at ama. Sa kabila nito, hindi matanggap ni Inay ang mga relihiyosong paniniwala ni Itay, at sinasabing mas gusto pa niya ang dating buhay ni Itay bilang Katoliko. Pero nang sumiklab ang Digmaang Pandaigdig II, napansin ni Inay na ang mga klerigong nananalangin noon na magtagumpay sana ang Poland laban sa sumasalakay na mga Aleman ang siya ring nananalangin ngayon bilang pasasalamat sa tagumpay ni Hitler! Nang maglaon noong 1941, sumama na si Inay sa aming paglilingkod kay Jehova.
Bago pa nito, gusto ko na sanang sagisagan ang aking pag-aalay sa Diyos sa pamamagitan ng bautismo, pero sa tingin ng mga elder ay napakabata ko pa. Sinabihan nila ako na maghintay. Pero nang maglaon noong Disyembre 10, 1940, palihim akong kinausap ni Konrad Grabowy (isang brother na nang maglaon ay namatay nang tapat sa kampong piitan) sa isang maliit na apartment. Nagharap siya sa akin ng limang tanong, at nang masiyahan siya sa mga sagot ko, binautismuhan niya ako. Ang isa sa kaniyang mga tanong ay, “Totoy, alam mo ba ang ibig sabihin ng bautismo?” Ang isa naman ay, “Alam mo bang dahil may digmaan ngayon, kakailanganin mong magpasiya kung magiging tapat ka kay Hitler o kay Jehova, at maaaring mangahulugan ng iyong buhay kapag pinili mong maging tapat kay Jehova?” Hindi ako nagdalawang-isip sa pagsagot ng “Opo.”
Nagsimula ang Pag-uusig
Bakit kaya iniharap sa akin ni Konrad Grabowy ang tuwirang mga tanong na iyon? Sinalakay ng hukbong Aleman ang Poland noong 1939, at pagkatapos nito ay nasubok nang husto ang aming pananampalataya at katapatan. Araw-araw, lalong tumitindi ang tensiyon kapag nababalitaan naming inaaresto, ipinatatapon, at dinadala sa bilangguan o kampong piitan ang aming mga Kristiyanong kapatid. Malapit na rin naming maranasan ang gayong mga pagsubok.
Gusto ng mga Nazi na gawing masisigasig na tagasuporta ng Third Reich ang mga kabataan—kasali na kaming apat na magkakapatid. Yamang maraming beses nang tumanggi sina Itay at Inay na pumirma sa Volkslist (listahan ng mga taong mayroon nang pagkamamamayang Aleman o mga taong gustong magkaroon nito), inalis ang kanilang karapatang magpalaki sa aming magkakapatid. Dinala si Itay sa kampong piitan sa Auschwitz. Noong Pebrero 1944, kami ng kuya ko ay ipinasok sa isang repormatoryo sa Grodków (Grottkau), malapit sa Nysa, at ang mga kapatid naman naming babae ay dinala sa isang kumbento ng mga Katoliko sa Czarnowąsy (Klosterbrück), malapit sa Opole. Gusto nilang itakwil namin ang tinatawag ng mga awtoridad na “baluktot na mga pananaw ng aming mga magulang.” Naiwang mag-isa si Inay sa bahay.
Tuwing umaga, itinataas ang bandilang swastika sa looban ng repormatoryo at inuutusan kaming itaas ang aming kanang kamay at sumaludo sa bandila habang sinasabing “Heil Hitler.” Matinding pagsubok ito sa pananampalataya, pero nanindigan kami ni Kuya Bernard na huwag makipagkompromiso. Kaya ginulpi kami dahil sa “kawalang-galang.” Sinikap nilang sirain ang aming loob, pero nabigo sila kaya binigyan kami ng ultimatum ng mga guwardiyang SS, “Pirmahan ninyo ang deklarasyong ito ng katapatan sa Estado ng Alemanya at sumapi kayo sa Wehrmacht [hukbong Aleman], kung hindi, sa kampong piitan ang bagsak ninyo.”
Noong Agosto 1944, nang opisyal na irekomenda ng mga awtoridad na dalhin kami Gawa 5:41) Hinding-hindi ko makakayanan ang pagdurusang daranasin ko kung aasa lamang ako sa sarili kong lakas. Pero lalo akong napalapít kay Jehova dahil sa marubdob na pananalangin, at napatunayan kong maaasahan siya bilang Katulong.—Hebreo 13:6.
sa kampong piitan, sinabi nila: “Napakahirap nilang kumbinsihin. Mamatamisin pa nilang magpakamartir. Banta sa buong repormatoryo ang kanilang rebelyosong paninindigan.” Hindi ko naman gustong magpakamartir, pero masaya ako dahil nagdurusa ako nang may lakas ng loob at dangal alang-alang sa aking katapatan kay Jehova. (Sa Kampong Piitan
Di-nagtagal, dinala ako sa kampong piitan ng Gross-Rosen sa Silesia. Binigyan ako ng numero ko sa bilangguan at ng lilang tatsulok, na nagpapakilalang isa akong Saksi ni Jehova. Binigyan ako ng mga guwardiyang SS ng mapagpipilian. Palalayain ako sa kampo at gagawin pa ngang opisyal ng hukbong Nazi sa isang kondisyon. “Itakwil mo ang mga paniniwala ng mga Estudyante ng Bibliya, na salungat sa Third Reich.” Ako lamang ang bilanggong inalok ng ganito. Mga Saksi ni Jehova lamang ang binigyan ng pagkakataong makalaya sa kampo. Gayunman, matatag kong tinanggihan—gaya ng libu-libong iba pa—ang “pribilehiyong” iyon. Sinabi ng mga guwardiya: “Tingnan mong mabuti ang tsiminea ng krematoryong iyon. Pag-isipan mo nang husto ang alok namin, kung hindi ay abo ka na paglabas mo sa tsimineang iyon.” Muli, matatag akong tumanggi, at nang pagkakataong iyon, napuspos ako ng “kapayapaan ng Diyos na nakahihigit sa lahat ng kaisipan.”—Filipos 4:6, 7.
Nanalangin ako na may makilala sana akong kapananampalataya sa kampo, at dininig ni Jehova ang aking panalangin. Kabilang sa mga kapuwa Kristiyanong iyon ay ang tapat na kapatid na si Gustaw Baumert, na magiliw at maibiging nangalaga sa akin. Kaya masasabi kong talagang si Jehova “ang Ama ng magiliw na kaawaan at ang Diyos ng buong kaaliwan.”—2 Corinto 1:3.
Makalipas ang ilang buwan, napilitan ang mga Nazi na agad lisanin ang kampo dahil sa lumulusob na mga hukbong Ruso. Habang naghahanda kami sa pag-alis, isinapanganib naming mga kapatid na lalaki ang aming buhay anupat ipinasiya naming puntahan ang baraks ng mga kababaihan para alamin ang kalagayan ng mga 20 sa aming mga kapatid na babae—kabilang na sina Elsa Abt at Gertrud Ott. * Nang makita nila kami, agad silang sumalubong, at pagkatapos naming magpatibayan sa isa’t isa, sabay-sabay nilang inawit ang awiting pang-Kaharian na may ganitong liriko: “Siyang totoo at may katapatan ay hindi nasisindak.” * Napaiyak kaming lahat!
Patungo sa Isa Pang Kampo
Pilit na pinagkasya ng mga Nazi ang 100 hanggang 150 bilanggo sa walang lamang mga bagon ng uling at hindi kami binigyan ng pagkain
o tubig. Napakatindi ng lamig at umuulan pa nang magbiyahe kami. Uhaw na uhaw kami at nilalagnat. Ang may-sakit at nanghihinang mga bilanggo ay bumabagsak na lamang sa sahig at namamatay, kaya unti-unting nababawasan ang laman ng mga bagon. Hindi ako makatayo dahil magang-maga ang aking mga binti at mga kasu-kasuan. Matapos maglakbay nang sampung araw, mabibilang na lamang sa daliri ang mga bilanggong nakarating nang buháy sa kampong piitan ng Mittelbau-Dora sa Nordhausen, malapit sa Weimar, sa Thuringia. Kapansin-pansin na walang isa mang kapatid na namatay sa malagim na paglalakbay na iyon.Bago pa lamang ako nakababawi mula sa paglalakbay na iyon, bigla namang nagkaroon ng epidemya ng disintirya sa kampo, at ang ilan sa mga kapatid, pati na ako, ay nagkasakit. Sinabihan kami na huwag munang kumuha ng sopas na inihahain sa kampo kundi sunog na tinapay na lamang ang kainin namin. Gayon nga ang ginawa ko at mabilis akong gumaling. Noong Marso 1945, nabalitaan namin na ang taunang teksto para sa taóng iyon ay ang Mateo 28:19: “Kaya humayo kayo at gumawa ng mga alagad sa mga tao ng lahat ng mga bansa.” Lumilitaw na malapit na kaming makalaya at patuloy na ipangangaral ang mabuting balita! Masayang-masaya kami at punung-puno ng pag-asa dahil iniisip naming ang Digmaang Pandaigdig II ay hahantong sa Armagedon. Talagang pinalakas kami ni Jehova sa mahihirap na panahong iyon!
Napalaya sa Kampo
Noong Abril 1, 1945, binomba ng mga puwersang Alyado ang baraks ng mga guwardiyang SS at ang kalapit na kampo na kinaroroonan namin. Marami ang namatay at nasugatan. Kinabukasan, sunud-sunod ang pinabagsak na bomba, at dahil sa isang malakas na pagsabog ay napatilapon ako.
Tinulungan ako ng isa sa mga kapatid, si Fritz Ulrich. Inalis niya ang mga guhong tumabon sa akin, na umaasang buhay pa ako. Sa wakas, nakita niya ako at iniahon sa mga guho. Nang magkamalay ako, napansin kong grabe pala ang naging pinsala sa mukha at katawan ko at hindi ako makarinig. Nasira ang aking pandinig sa lakas ng pagsabog. Inabot ng maraming taon bago bumalik sa normal ang aking pandinig.
Kakaunti lamang sa libu-libong bilanggo ang nakaligtas sa pambobombang iyon. Namatay ang ilan sa aming mga kapatid, pati na si Gustaw Baumert na nápalapít na sa akin. Naimpeksiyon ang aking mga sugat at inaapoy ako ng lagnat. Gayunman, di-nagtagal ay nasumpungan kami at pinalaya ng mga puwersang Alyado. Samantala, dahil sa naaagnas na bangkay ng mga namatay o pinatay na mga bilanggo, nagkaroon ng epidemya ng tipus, at nahawa rin ako. Itinakbo ako sa ospital kasama ng iba pang mga maysakit. Ginawa ng mga doktor ang lahat ng kanilang magagawa, pero tatlo lamang kaming nakaligtas. Lubos akong nagpapasalamat kay Jehova na pinalakas niya ako upang manatiling tapat sa mahihirap na panahong iyon! Nagpapasalamat din ako na sinagip ako ni Jehova sa “matinding karimlan” ng kamatayan.—Awit 23:4.
Nakauwi Rin sa Wakas!
Matapos sumuko ang mga Aleman, gusto ko sanang makauwi agad, pero hindi pala iyon ganoon kadali. Namataan ako ng ilang dating bilanggo na kaanib sa Catholic Action. Sumigaw sila, “Patayin siya!” saka nila ako itinulak at pinagtatapakan. Isang lalaking nagdaraan ang sumaklolo sa akin, pero natagalan bago ako gumaling, sapagkat sariwa pa ang aking mga sugat at nanghihina pa ako dahil sa tipus. Gayunman, nakauwi rin ako sa wakas. Masayang-masaya ako na muling makasama ang aking pamilya! Tuwang-tuwa sila nang makita ako dahil akala nila’y patay na ako.
Kaagad naming ipinagpatuloy ang pangangaral, at positibo ang naging tugon ng maraming taimtim na naghahanap ng katotohanan. Inatasan akong magsuplay sa mga kongregasyon ng mga literatura sa Bibliya. Kasama ng iba pang mga kapatid, nagkapribilehiyo ako na makipagkita sa mga kinatawan ng tanggapang
pansangay ng Alemanya sa Weimar, at mula roon ay dinala namin sa Poland ang kauna-unahang mga isyu ng Ang Bantayan pagkatapos ng digmaan. Kaagad isinalin ang mga ito, inihanda ang mga istensil, at inilimbag ang mga kopya. Nang iatas sa aming opisina sa Lodz ang ganap na pangangasiwa sa gawain sa Poland, regular nang nakatatanggap ng suplay ng mga literaturang salig sa Bibliya ang mga kongregasyon. Nagsimula akong maglingkod bilang special pioneer, o buong-panahong ebanghelisador, anupat nangaral sa malaking teritoryo ng Silesia, na ang kalakhang bahagi ay sakop noon ng Poland.Pero di-nagtagal, muling pinag-usig ang mga Saksi ni Jehova at ang umuusig naman ngayon ay ang bagong-tatag na rehimeng Komunista sa Poland. Dahil sa aking neutralidad bilang Kristiyano, sinentensiyahan akong mabilanggo nang dalawang taon noong 1948. Samantalang naroroon, natulungan kong mapalapít sa Diyos ang maraming bilanggo. Isa sa kanila ang nanindigan sa katotohanan at nang maglaon ay nag-alay ng kaniyang sarili kay Jehova at nagpabautismo.
Noong 1952, muli akong nabilanggo dahil pinagbintangan akong espiya ng Estados Unidos! Samantalang hinihintay ang araw ng paglilitis, ikinulong akong mag-isa at isinalang sa interogasyon araw at gabi. Pero muli akong iniligtas ni Jehova sa kamay ng mga nang-uusig sa akin, at nang sumunod na mga taon, hindi ko na naranasan ang gayong mga pang-aabuso.
Kung Ano ang Nakatulong sa Akin na Makapagbata
Kapag ginugunita ko ang mga taóng iyon ng pagsubok at paghihirap, natutukoy ko kung saan nagmula ang ilang mahahalagang pampatibay-loob. Una sa lahat, ang lakas upang makapagbata ay nagmula kay Jehova at sa kaniyang Salita, ang Bibliya. Ang regular at marubdob na pagsusumamo sa “Diyos ng buong kaaliwan” at araw-araw na pag-aaral ng kaniyang Salita ay tumulong sa akin at sa iba na mapanatiling matibay ang aming pananampalataya. Nakapagpalakas din ng aming pananampalataya ang sulat-kamay na mga kopya ng Ang Bantayan. Sa mga kampong piitan, lubos akong napatibay ng mapagmalasakit na mga kapananampalatayang handa at nananabik na tumulong.
Isa pang pagpapala mula kay Jehova ang aking asawang si Maria. Nagpakasal kami noong Oktubre 1950 at nang maglaon ay nagkaroon kami ng anak, si Halina, na lumaking umiibig at naglilingkod kay Jehova. Makalipas ang 35 taon, namatay si Maria matapos ang matagal na pagkakasakit. Napakasakit sa akin ng pagkamatay niya. Bagaman para akong ‘ibinagsak’ pansamantala, hindi naman ako ‘napuksa.’ (2 Corinto 4:9) Sa mahihirap na panahong iyon, inalalayan ako ng aking mahal na anak, ng kaniyang asawa, at ng kaniyang mga anak—ang aking mga apo—na pawang tapat na naglilingkod kay Jehova.
Mula 1990, naglilingkod na ako sa tanggapang pansangay sa Poland. Malaking pagpapala ang araw-araw na pakikisama sa napakahusay na pamilyang Bethel. Kung minsan, dahil sa paghina ng aking kalusugan, para akong isang lumilipad na mahinang agila na hindi na maikampay ang mga pakpak. Gayunman, punung-puno ako ng pag-asa, at ‘umaawit ako kay Jehova, sapagkat ginagawan niya ako ng mabuti’ hanggang sa panahong ito. (Awit 13:6) Inaasam-asam ko ang panahong aalisin na ni Jehova, na aking Katulong, ang lahat ng pinsalang dulot ng mapaniil na pamamahala ni Satanas.
[Mga talababa]
^ par. 8 Tingnan ang Enero 1, 1998, isyu ng Ang Bantayan, pahina 13, parapo 6.
^ par. 20 Basahin ang talambuhay ni Elsa Abt sa Ang Bantayan, Oktubre 15, 1980, pahina 12-15.
^ par. 20 Awit bilang 101 sa aklat-awitan noong 1928 na pinamagatang Songs of Praise to Jehovah, na inilathala ng mga Saksi ni Jehova. Bilang 56 ito sa kasalukuyang aklat-awitan.
[Larawan sa pahina 10]
Ibinigay sa akin ang numerong ito at isang lilang tatsulok sa kampong piitan
[Larawan sa pahina 12]
Kasama ang aking asawa, si Maria, noong 1980