“Nasumpungan Na Namin ang Mesiyas”
“Nasumpungan Na Namin ang Mesiyas”
“NASUMPUNGAN na namin ang Mesiyas.” “Nasumpungan na namin ang isa na isinulat ni Moises, sa Kautusan, at ng mga Propeta.” Dalawang tapat na mga Judio noong unang siglo ang nagsabi ng nakagugulat na mga balitang iyan. Sa wakas, dumating na ang pinakahihintay na Mesiyas. Kumbinsidung-kumbinsido sila!—Juan 1:35-45.
Kung isasaalang-alang mo ang sekular at relihiyosong kalagayan ng panahong iyon, lalo kang makukumbinsi sa kanilang pananalig. Nagsulputan ang maraming nagnanais na maging tagapagpalaya at gumawa sila ng maraming pangako, subalit kabiguan lamang ang naging bunga dahil hindi nila nailigtas ang mga Judio mula sa pamatok ng mga Romano.—Gawa 5:34-37.
Gayunman, hindi kailanman nag-alinlangan ang dalawang Judiong iyon—sina Andres at Felipe—na natagpuan na nila ang tunay na Mesiyas. Sa halip, sa sumunod na mga taon, lalo pang tumibay ang kanilang pagtitiwala sapagkat personal nilang nasaksihan ang makapangyarihang mga gawa ng taong ito bilang katuparan ng mga hula tungkol sa Mesiyas.
Bakit nanampalataya sa kaniya ang dalawang ito pati na ang maraming iba pa, anupat kumbinsido na hindi siya isang huwad na Mesiyas o isang impostor? Anu-ano ang nakakakumbinsing pagkakakilanlan ng tunay na Mesiyas?
Ayon sa ulat ng kasaysayan, tinukoy nina Andres at Felipe si Jesus ng Nasaret, ang dating Juan 1:45) Isang napakaingat na istoryador nang panahong iyon, si Lucas, ang nagsabi na dumating ang Mesiyas “nang ikalabinlimang taon ng paghahari ni Tiberio Cesar.” (Lucas 3:1-3) Ang ika-15 taon ng paghahari ni Tiberio ay nagsimula noong Setyembre ng 28 C.E. at natapos noong Setyembre ng 29 C.E. Idinagdag pa ni Lucas na ang mga Judio nang panahong iyon “ay naghihintay” sa pagdating ng Mesiyas. (Lucas 3:15) Bakit siya hinihintay nang panahong iyon? Makikita natin.
karpintero, bilang ang ipinangako at matagal-nang-hinihintay na Mesiyas. (Palatandaan ng Mesiyas
Yamang napakahalaga ng papel ng Mesiyas, makatuwirang asahan na maglalaan ng malinaw na mga palatandaan ang Maylalang, si Jehova, para makilala ng mga mapagbantay at tapat ang ipinangakong Mesiyas. Bakit? Upang ang mapagbantay na mga indibiduwal ay hindi matulad sa marami na nalinlang ng mga impostor.
Kapag ipinakikilala ng isang embahador ang kaniyang sarili sa ibang gobyerno, kailangan niyang magpakita ng mga dokumentong magpapatunay ng kaniyang pagiging embahador. Sa gayunding paraan, matagal nang ipinasulat ni Jehova ang mga kahilingang matutugunan ng Mesiyas. Kaya naman nang lumitaw ang “Punong Ahente,” para bang dumating siya na may dalang mga dokumento na magpapatunay ng kaniyang pagkakakilanlan.—Hebreo 12:2.
Ang mga kahilingang dapat matugunan ng Mesiyas ay makikita sa maraming hula sa Bibliya na isinulat maraming siglo bago ito natupad. Inihula nang detalyadung-detalyado kung paano darating ang Mesiyas, ang tungkol sa kaniyang ministeryo, ang pagdurusang daranasin niya sa kamay ng ibang tao, at kung paano siya mamamatay. Marahil ay interesado kang malaman na kasama sa maaasahang mga hulang iyon ang kaniyang pagkabuhay-muli, ang pagtataas sa kaniya sa kanang kamay ng Diyos, at bilang panghuli, ang idudulot na pagpapala ng kaniyang pamamahala sa Kaharian sa hinaharap. Sa ganitong paraan, naglalaan ang mga hula sa Bibliya ng natatanging parisan na maihahalintulad sa isang fingerprint, na maaaring tumukoy sa iisang tao lamang.
Sabihin pa, nang lumitaw si Jesus noong 29 C.E., hindi pa natutupad noon ang lahat ng hula tungkol sa Mesiyas. Halimbawa, hindi pa siya ipinapatay at binuhay-muli. Gayunpaman, nanampalataya pa rin kay Jesus sina Andres, Felipe, at ang marami pang iba dahil sa kaniyang mga itinuro at ginawa. Nakita nila ang napakaraming patotoo na siya nga ang Mesiyas. Kung nabuhay ka noon at napag-aralan mo mismo ang mga patotoo taglay ang bukás na isip, malamang na makukumbinsi ka rin na si Jesus ang Mesiyas.
Iba’t Ibang Patotoo Hinggil sa Mesiyas
Ano kaya ang makatutulong sa iyo para sumapit sa gayong konklusyon? Sa paglipas ng mga siglo, isinulat ng mga propeta ng Bibliya ang espesipikong mga kahilingang dapat matugunan ng Mesiyas upang tiyak na makilala siya. Yamang inilaan ng mga propeta ang mga detalyeng ito sa paglipas ng panahon, unti-unting lumitaw ang pagkakakilanlan ng Mesiyas. Ganito ang sinabi ni Henry H. Halley: “Ipagpalagay nang maraming lalaki mula sa iba’t ibang bansa, na hindi pa kailanman nagkita-kita, ni nagkausap man, ang papasok sa isang kuwarto, at ipakikita ng bawat isa ang kani-kaniyang piraso ng inukit na marmol, at ang mga pirasong ito, kapag pinaglapat-lapat, ay makabubuo ng isang estatuwa—paano ito maipaliliwanag ng isa malibang sabihin niya na may gumawa ng estatuwa at naghati-hati nito, at pinadalhan ng tig-iisang kapiraso ng estatuwa ang bawat lalaki?” Pagkatapos ay nagtanong siya: “Paano maipaliliwanag ang pagkakatugma-tugma ng kagila-gilalas na mga patotoo hinggil sa buhay at gawain ni Jesus, na pinagsama-sama ng iba’t ibang manunulat na nabuhay sa iba’t ibang panahon, matagal bago pa dumating si Jesus sa lupa, malibang sabihin na ito ay kinasihang isulat ng Isa na nakahihigit sa kaisipan ng tao?” Sinabi ni Halley na ito “Ang Pambihirang Himala!”
Nagsimula ang “himala” na ito sa unang aklat ng Bibliya. Bukod sa pagbanggit sa unang hula sa Bibliya hinggil sa magiging papel ng Mesiyas, iniulat din ng manunulat ng Genesis na darating ang Mesiyas sa pamamagitan ng linya ng Genesis 3:15; 22:15-18) Isa pang palatandaan ang nagsisiwalat na magmumula ang Mesiyas sa tribo ni Juda. (Genesis 49:10) Sinabi ng Diyos sa mga Israelita sa pamamagitan ni Moises na ang Mesiyas ay magiging lalong dakilang tagapagsalita at tagapagligtas kaysa kay Moises.—Deuteronomio 18:18.
angkan ni Abraham. (Noong panahon ni Haring David, isiniwalat ng hula na ang Mesiyas ay magiging tagapagmana ng trono ni David at na ang Kaniyang kaharian ay ‘matibay na matatatag hanggang sa panahong walang takda.’ (2 Samuel 7:13-16) Isiniwalat ng aklat ng Mikas na ipanganganak ang Mesiyas sa bayan ni David, ang Betlehem. (Mikas 5:2) Inihula ni Isaias na isang birhen ang magsisilang sa Kaniya. (Isaias 7:14) Inihula ni propeta Malakias na ang Kaniyang pagdating ay ihahayag ng isa na katulad ni Elias.—Malakias 4:5, 6.
Ang karagdagan pang detalye hinggil sa Mesiyas ay mababasa sa aklat ng Daniel. Sa pagtukoy sa eksaktong taon ng paglitaw ng Mesiyas, sinabi ng hula: “Alamin mo at magkaroon ka ng kaunawaan na mula sa paglabas ng salita na isauli at muling itayo ang Jerusalem hanggang sa Mesiyas na Lider, magkakaroon ng pitong sanlinggo, gayundin ng animnapu’t dalawang sanlinggo. Siya ay babalik at muli ngang itatayo, na may liwasan at bambang, ngunit sa mga kaligaligan ng mga panahon.”—Daniel 9:25.
Si Haring Artajerjes ng Persia ang naglabas ng “salita” na isauli at muling itayo ang Jerusalem noong ika-20 taon ng kaniyang paghahari. Nagsimula siyang maghari noong 474 B.C.E., kaya ang kaniyang ika-20 taon ay papatak sa 455 B.C.E. (Nehemias 2:1-8) Kaya 69 (7 dagdagan ng 62) na makahulang sanlinggo ang lilipas mula sa paglabas ng utos na isauli at muling itayo ang Jerusalem hanggang sa paglitaw ng Mesiyas. Sabihin pa, ang literal na 69 na sanlinggo ay katumbas lamang ng 483 araw, o mahigit lamang sa isang taon. Subalit kung gagamitin ang makahulang tuntunin na “isang araw para sa isang taon,” isisiwalat nito na lilitaw ang Mesiyas pagkaraan ng 483 taon, sa taóng 29 C.E.—Ezekiel 4:6. *
Bagaman maraming nag-aangking Mesiyas ang lumitaw sa iba’t ibang panahon, si Jesus ng Nazaret ang lumitaw noong 29 C.E. (Lucas 3:1, 2) Nang mismong taóng iyon, lumapit si Jesus kay Juan na Tagapagbautismo at nagpabautismo sa tubig. Nang pagkakataong iyon, si Jesus ay pinahiran ng banal na espiritu bilang Mesiyas. Pagkatapos nito, si Jesus ay ipinakilala ni Juan, ang inihulang tulad-Elias na tagapagpauna, kay Andres at sa isa pang alagad, anupat tinawag Siyang “ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan.”—Juan 1:29; Lucas 1:13-17; 3:21-23.
Talaangkanan at Pagkakakilanlan ng Mesiyas
Ang Mesiyas ay iniugnay ng kinasihang mga hula sa partikular na mga pamilyang Judio. Kaya makatuwiran lamang na tiyakin ng omnisyenteng Maylalang na darating ang Mesiyas sa panahong may mga rekord pa ng talaangkanan upang mapatunayan ang kaniyang pinagmulang angkan.
Sinasabi ng McClintock and Strong’s Cyclopedia: “Tiyak na ang mga rekord ng talaangkanan ng mga tribo at pami-pamilya ng mga Judio ay nasira nang mawasak ang Jerusalem [noong 70 C.E.], at hindi bago nito.” May malinaw na mga indikasyon na isinulat nina Mateo at Lucas ang kanilang Ebanghelyo bago ang 70 C.E. Kaya malamang na tiningnan nila ang mga rekord na Mateo 1:1-16; Lucas 3:23-38) At pagdating sa napakahalagang mga bagay na tulad nito, malamang na gusto ring tiyakin ng marami sa mga kapanahon nila ang talagang pinagmulang angkan ni Jesus.
ito nang tipunin nila ang mga ulat tungkol sa pinagmulang angkan ni Jesus. (Nagkataon Lamang Bang Natupad kay Jesus?
Gayunman, posible kayang nagkataon lamang na natupad kay Jesus ang mga hula tungkol sa Mesiyas? Nang kapanayamin ang isang iskolar, sinabi niya: “Imposible ito. Napakalaki ng posibilidad na si Jesus ang Mesiyas, kaya hindi maaaring nagkataon lamang ito. Isang tao ang gumawa ng kalkulasyon at sinabi niya na ang tsansang matupad ang kahit walong hula lamang ay isa sa sandaang milyung bilyon.” Upang ilarawan ito, sinabi niya: “Kung ang bilang na ito ay gagawing baryang pilak [na mga 38 milimetro ang diyametro], mailalatag ito sa buong estado ng Texas [may lawak na 690,000 kilometro kuwadrado] hanggang sa taas na 0.6 metro. Kung mamarkahan mo ang isa sa mga baryang pilak at ipahahanap mo ito sa isa na may piring ang mata, gaano kalaki ang posibilidad na makita niya ang minarkahang barya?” Pagkatapos ay sinabi niya na “ganoon din ang posibilidad na matupad sa isang tao ang kahit walo man lamang sa mga hula [tungkol sa Mesiyas].”
Gayunman, sa loob ng tatlo-at-kalahating-taóng ministeryo ni Jesus, hindi lamang walo kundi marami pang mga hula ng Bibliya ang tinupad niya. Dahil sa gayong napakaraming ebidensiya, ito ang naging konklusiyon ng iskolar na iyon: “Si Jesus—at tanging si Jesus lamang sa buong kasaysayan—ang nakagawa nito.”
‘Pagdating’ ng Mesiyas
Maliwanag, dumating ang Mesiyas noong 29 C.E. sa katauhan ni Jesus ng Nazaret. Dumating siya bilang isang mapagpakumbabang Manunubos na daranas ng pagdurusa. Hindi siya dumating bilang isang Hari na magwawakas sa paniniil ng mga Romano, gaya ng inaasahan ng karamihan sa mga Judio at maging ng kaniyang mga tagasunod. (Isaias, kabanata 53; Zacarias 9:9; Gawa 1:6-8) Gayunman, sa kaniyang pagdating sa hinaharap, inihula na magkakaroon siya ng kapangyarihan at dakilang awtoridad.—Daniel 2:44; 7:13, 14.
Dahil sa maingat na pagsusuri sa mga hula sa Bibliya, kumbinsido ang palaisip na mga tao mula sa buong lupa na talagang dumating ang Mesiyas noong unang siglo at na siya ay babalik. Pinatutunayan ng mga ebidensiya na ang inihulang pagbalik niya, ang pasimula ng kaniyang “pagkanaririto,” ay naganap noong 1914. * (Mateo 24:3-14) Nang taóng iyon, si Jesus ay iniluklok sa kaniyang trono sa langit bilang Hari ng Kaharian ng Diyos. Sa malapit na hinaharap, aalisin niya sa lupa ang mga epekto ng paghihimagsik sa Eden. Pagpapalain sa kaniyang Sanlibong Taóng Paghahari ang lahat ng nananampalataya sa kaniya bilang ang ipinangakong Binhi, ang Mesiyas, na “nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan.”—Juan 1:29; Apocalipsis 21:3, 4.
Malulugod ang mga Saksi ni Jehova na ipakipag-usap sa iyo ang mga ebidensiyang ito at ituro mula sa Bibliya kung ano ang mga kapakinabangang maidudulot ng pamamahala ng Mesiyas para sa iyo at sa mga mahal mo sa buhay.
[Mga talababa]
^ par. 17 Para sa higit pang detalye hinggil sa Daniel 9:25, tingnan ang Insight on the Scriptures, Tomo 2, pahina 899-904, inilathala ng mga Saksi ni Jehova.
^ par. 27 Para sa higit pang detaye, tingnan ang mga kabanata 10 at 11 ng aklat na Ang Kaalaman na Umaakay sa Buhay na Walang-Hanggan, na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.
[Dayagram/Mga larawan sa pahina 6]
455 B.C.E., “salita na isauli . . . ang Jerusalem”
29 C.E., dumating ang Mesiyas
483 taon (69 na makahulang sanlinggo)—Daniel 9:25
1914, iniluklok ang Mesiyas sa kaniyang trono sa langit
Malapit nang wakasan ng Mesiyas ang kasamaan at gawing paraiso ang lupa