Darating ang Hatol ni Jehova Laban sa mga Balakyot
Darating ang Hatol ni Jehova Laban sa mga Balakyot
“Humanda kang harapin ang iyong Diyos.”—AMOS 4:12.
1, 2. Bakit tayo makapagtitiwala na wawakasan ng Diyos ang kabalakyutan?
WAWAKASAN pa kaya ni Jehova ang kabalakyutan at pagdurusa rito sa lupa? Sa simula ng ika-21 siglo, angkop na angkop ang tanong na iyan. Para bang saanman tayo tumingin, nakikita natin ang ebidensiya ng kalupitan ng tao sa kaniyang kapuwa. Talaga ngang inaasam-asam natin ang isang daigdig na walang karahasan, terorismo, at katiwalian!
2 Lubusan tayong makapagtitiwala na wawakasan ni Jehova ang kabalakyutan. Dahil sa mga katangian ng Diyos, makatitiyak tayo na kikilos siya laban sa mga balakyot. Si Jehova ay matuwid at makatarungan. Sa Awit 33:5, sinasabi sa atin ng kaniyang Salita: “Siya ay maibigin sa katuwiran at katarungan.” Ganito ang sinasabi ng isa pang awit: “Sinumang umiibig sa karahasan ay kinapopootan nga ng . . . kaluluwa [ni Jehova].” (Awit 11:5) Tiyak na hindi pahihintulutan ni Jehova, ang pinakamakapangyarihang Diyos na umiibig sa katuwiran at katarungan, na magpatuloy magpakailanman ang kinapopootan niya.
3. Ano ang idiriin sa higit pang pagsasaalang-alang sa hula ni Amos?
3 Isaalang-alang ang isa pang dahilan kung bakit tayo makatitiyak na aalisin ni Jehova ang kabalakyutan. Ginagarantiyahan ito ng rekord ng kaniyang nakalipas na mga pakikitungo. Ang kahanga-hangang mga halimbawa ng magkakatulad na paraan ng pakikitungo ni Jehova sa mga balakyot ay masusumpungan sa aklat ng Bibliya na Amos. Ang higit pang pagsasaalang-alang sa hula ni Amos ay magdiriin ng tatlong bagay hinggil sa hatol ng Diyos. Una, ito ay laging nararapat. Ikalawa, hindi ito matatakasan. At ikatlo, ito ay mapamili, yamang isinasakatuparan ni Jehova ang hatol sa mga manggagawa ng kasamaan ngunit nagpapakita siya ng awa sa mga indibiduwal na nagsisisi at wastong nakaayon.—Roma 9:17-26.
Laging Nararapat ang Hatol ng Diyos
4. Saan isinugo ni Jehova si Amos, at sa anong layunin?
4 Noong panahon ni Amos, nahahati na sa dalawang kaharian ang mga Israelita. Ang isa ay ang dalawang-tribong kaharian ng Juda sa timog. Ang kabila naman ay ang sampung-tribong kaharian ng Israel sa hilaga. Inatasan ni Jehova si Amos na maglingkod bilang propeta, anupat isinugo siya mula sa kaniyang sariling bayan sa Juda patungo sa Israel. Gagamitin doon ng Diyos si Amos upang ihayag ang Kaniyang hatol.
5. Laban sa anu-anong bansa muna nanghula si Amos, at ano ang isang dahilan kung bakit sila karapat-dapat sa masamang hatol ng Diyos?
5 Hindi sinimulan ni Amos ang kaniyang gawain sa pagpapahayag ng hatol ni Jehova laban sa masuwaying kaharian ng Israel sa hilaga. Sa halip, nagsimula muna siya sa pagpapahayag ng masamang hatol ng Diyos laban sa anim na kalapit na
bansa. Ang mga bansang ito ay ang Sirya, Filistia, Tiro, Edom, Ammon, at Moab. Ngunit talaga nga bang karapat-dapat silang dumanas ng masamang hatol ng Diyos? Karapat-dapat talaga! Ang isang dahilan ay sapagkat hindi na sila magbabago bilang mga kaaway ng bayan ni Jehova.6. Bakit magpapasapit ng kapahamakan ang Diyos sa Sirya, Filistia, at Tiro?
6 Halimbawa, hinatulan ni Jehova ang mga Siryano “dahil sa paggiik nila sa Gilead.” (Amos 1:3) Inagaw ng mga Siryano ang ibang teritoryo ng Gilead—isang rehiyon ng Israel sa gawing silangan ng Ilog Jordan—at malubhang sinaktan ang bayan ng Diyos doon. Kumusta naman ang Filistia at Tiro? Kumuha ang mga Filisteo ng mga tapon, o mga bihag na Israelita, at ipinagbili ang mga ito sa mga Edomita, at ang ilang Israelita ay napasakamay ng mga taga-Tiro na nagbebenta at bumibili ng mga alipin. (Amos 1:6, 9) Akalain mo—ipinagbili ang bayan ng Diyos sa pagkaalipin! Kaya hindi nakapagtataka kung magpasapit ng kapahamakan si Jehova sa Sirya, Filistia, at Tiro.
7. Ano ang kaugnayan ng Edom, Ammon, at Moab sa bansang Israel, subalit paano nila pinakitunguhan ang mga Israelita?
7 May kaugnayan ang Edom, Ammon, at Moab sa bansang Israel at sa isa’t isa. Ang tatlong bansang ito ay kamag-anak ng mga Israelita. Ang mga Edomita ay inapo ni Abraham sa kakambal ni Jacob na si Esau. Kaya sa diwa, sila ay mga kapatid ng Israel. Ang mga Ammonita at mga Moabita ay mga inapo ng pamangkin ni Abraham na si Lot. Gayunman, pinakitunguhan ba ng Edom, Ammon, at Moab ang kanilang mga kamag-anak na Israelita na parang isang kapatid? Hindi! Walang-awang gumamit ng tabak ang Edom laban sa “kaniyang sariling kapatid,” at pinagmalupitan ng mga Ammonita ang mga bihag na Israelita. (Amos 1:11, 13) Bagaman hindi tuwirang binabanggit ni Amos ang pagmamaltrato ng Moab sa bayan ng Diyos, ang mga Moabita ay may mahabang rekord ng pagsalansang sa Israel. Matindi ang magiging parusa sa tatlong magkakamag-anak na bansang ito. Magpapadala si Jehova ng maapoy na pagpuksa sa kanila.
Hindi Matatakasan ang Hatol ng Diyos
8. Bakit hindi matatakasan ang mga hatol ng Diyos laban sa anim na bansang malapit sa Israel?
8 Maliwanag na karapat-dapat sa masamang hatol ng Diyos ang anim na bansang binanggit sa simula ng hula ni Amos. Bukod dito, walang paraan upang matakasan nila ito. Mula sa Amos kabanata 1, talata 3, hanggang kabanata 2, talata 1, anim na ulit na sinabi ni Jehova: “Hindi ko iyon iuurong.” Kasuwato nga ng kaniyang salita, hindi niya iniurong ang kaniyang kamay laban sa mga bansang iyon. Pinatutunayan ng nakasulat na kasaysayan na bawat isa sa kanila ay dumanas ng kapahamakan nang dakong huli. Aba, di-kukulangin sa apat sa mga bansang ito—ang Filistia, Moab, Ammon, at Edom—ang hindi na umiral nang dakong huli!
9. Sa ano karapatdapat ang mga tumatahan sa Juda, at bakit?
Amos 2:4. Hindi binale-wala ni Jehova ang gayong sinadyang pagwawalang-bahala sa kaniyang Kautusan. Ayon sa Amos 2:5, inihula niya: “Magsusugo ako ng apoy sa Juda, at lalamunin nito ang mga tirahang tore ng Jerusalem.”
9 Pagkatapos ay nagtuon naman ng pansin ang hula ni Amos sa ikapitong bansa—ang sarili niyang teritoryo na Juda. Malamang na nagulat ang mga tagapakinig ni Amos sa hilagang kaharian ng Israel nang marinig siyang magpahayag ng hatol laban sa kaharian ng Juda. Bakit karapat-dapat sa masamang hatol ang mga tumatahan sa Juda? “Dahil sa pagtatakwil nila sa kautusan ni Jehova,” ang sabi ng10. Bakit hindi matatakasan ng Juda ang kaabahan?
10 Hindi matatakasan ng di-tapat na Juda ang paparating na kaabahan. Sa ikapitong pagkakataon, sinabi ni Jehova: “Hindi ko iyon iuurong.” (Amos 2:4) Tinanggap ng Juda ang inihulang kaparusahan nang gawin itong tiwangwang ng mga taga-Babilonya noong 607 B.C.E. Muli nating nakita na para sa mga balakyot, hindi matatakasan ang hatol ng Diyos.
11-13. Laban sa anong bansa pangunahin nang nanghula si Amos, at anu-anong anyo ng paniniil ang nagaganap doon?
11 Katatapos lamang ihayag ni propeta Amos ang hatol ni Jehova laban sa pitong bansa. Gayunman, nagkakamali ang sinumang nag-aakalang tapos na ang kaniyang panghuhula. Marami pang ihahayag si Amos! Inatasan siya pangunahin na upang maghayag ng matitinding mensahe ng paghatol laban sa hilagang kaharian ng Israel. At karapat-dapat sa masamang hatol ng Diyos ang Israel sapagkat kalunus-lunos na ang pagguho ng moral at espirituwalidad ng bansa.
12 Inilantad ng panghuhula ni Amos ang paniniil na naging pangkaraniwan na lamang sa kaharian ng Israel. Hinggil dito, ganito ang mababasa sa Amos 2:6, 7: “Ito ang sinabi ni Jehova, ‘Dahil sa tatlong pagsalansang ng Israel, at dahil sa apat, ay hindi ko iyon iuurong, dahil ipinagbili nila ang matuwid kapalit lamang ng pilak, at ang dukha kapalit ng halaga ng isang pares ng sandalyas. Masidhi nilang ninanasa ang alabok ng lupa na nasa ulo ng mga taong maralita; at ang lakad ng mga taong maaamo ay inililihis nila.’ ”
13 Ang mga matuwid ay ipinagbibili “kapalit lamang ng pilak,” na nangangahulugan marahil na sinesentensiyahan ng mga hukom ang mga inosente kapalit ng pagtanggap ng pilak bilang suhol. Ipinagbibili ng mga nagpapautang ang mga dukha sa pagkaalipin kapalit ng halaga ng “isang pares ng sandalyas,” marahil katumbas ng maliit na pagkakautang. Ang walang-pusong mga lalaki ay ‘masidhing nagnanasa,’ o sabik na sabik, na ibaba ang “mga taong maralita” sa napakaabang kalagayan anupat ang mga dukhang ito ay naglalagay ng alabok sa kanilang mga ulo bilang tanda ng pighati, dalamhati, o kahihiyan. Napakapalasak ng katiwalian anupat hindi na umaasa ang “mga taong maaamo” na makasumpong pa ng anumang katarungan.
14. Sinu-sino ang minamaltrato sa sampung-tribong kaharian ng Israel?
14 Pansinin kung sinu-sino ang minamaltrato. Sila ang mga matuwid, dukha, maralita, at maaamo na tumatahan sa lupain. Kahilingan sa tipang Kautusan ni Jehova sa mga Israelita ang magpakita ng habag sa mahihina at mga nagdarahop. Gayunman, kalunus-lunos ang kalagayan ng mga taong ito sa sampung-tribong kaharian ng Israel.
“Humanda Kang Harapin ang Iyong Diyos”
15, 16. (a) Bakit binabalaan ang mga Israelita: ‘Humanda kayong harapin ang inyong Diyos’? (b) Paano ipinakikita ng Amos 9:1, 2 na hindi matatakasan ng mga balakyot ang pagsasakatuparan ng hatol ng Diyos? (c) Ano ang nangyari sa sampung-tribong kaharian ng Israel noong 740 B.C.E.?
15 Yamang palasak ang imoralidad at iba pang kasalanan sa Israel, may makatuwirang dahilan upang babalaan ni propeta Amos ang mapaghimagsik na bansa: “Humanda kang harapin ang iyong Diyos.” (Amos 4:12) Hindi matatakasan ng di-tapat na Israel ang dumarating na pagsasakatuparan ng hatol ng Diyos sapagkat inihayag ni Jehova sa ikawalong pagkakataon: “Hindi ko iyon iuurong.” (Amos 2:6) Tungkol sa mga balakyot na magtatangkang magtago, sinabi ng Diyos: “Walang sinumang tumatanan ang magtatagumpay sa kaniyang pagtanan, at walang sinumang tumatakas ang makapagsasagawa ng kaniyang pagtakas. Kung huhukay sila hanggang sa Sheol, mula roon ay kukunin sila ng aking kamay; at kung aakyat sila sa langit, mula roon ay ibababa ko sila.”—Amos 9:1, 2.
16 Hindi matatakasan ng mga balakyot ang pagsasakatuparan ng hatol sa kanila ni Jehova sa pamamagitan ng paghuhukay “hanggang sa Sheol,” na makasagisag na tumutukoy sa mga pagtatangkang magtago sa pinakamalalalim na bahagi ng lupa. Ni matatakasan man nila ang hatol ng Diyos sa pamamagitan ng pag-akyat “sa langit,” samakatuwid nga, ang pagsisikap na manganlong sa matataas na bundok. Maliwanag ang babala ni Jehova: Walang taguang dako ang hindi niya mararating. Ang pamantayan ng Diyos sa katarungan ay humihiling na pagsulitin ang kaharian ng Israel dahil sa balakyot na mga gawain nito. At dumating nga ang panahong iyon. Noong 740 B.C.E.—mga 60 taon matapos isulat ni Amos ang kaniyang hula—bumagsak ang kaharian ng Israel sa manlulupig na mga Asiryano.
Mapamili ang Hatol ng Diyos
17, 18. Ano ang isinisiwalat ng Amos kabanata 9 hinggil sa awa ng Diyos?
17 Tinutulungan tayo ng hula ni Amos upang makita na ang hatol ng Diyos ay laging nararapat at hindi matatakasan. Pero ipinahihiwatig din ng aklat ng Amos na ang hatol ni Jehova ay mapamili. Kayang hanapin ng Diyos ang mga balakyot at isakatuparan sa kanila ang kaniyang hatol saanman sila magtago. Kaya rin niyang hanapin ang mga nagsisisi at matuwid—yaong mga pinipili niyang pagpakitaan ng awa. Buong-kagandahan itong itinatampok sa huling kabanata ng aklat ng Amos.
18 Ayon sa Amos kabanata 9, talata 8, sinabi ni Jehova: “Hindi ko lubusang lilipulin ang sambahayan ni Jacob.” Gaya ng mababasa sa talata 13 hanggang 15, ipinangako ni Jehova na “titipunin [niyang] muli ang mga nabihag” sa kaniyang bayan. Ang mga ito ay pagpapakitaan ng awa at magtatamasa ng katiwasayan at kasaganaan. “Aabutan pa nga ng mang-aararo ang mang-aani,” ang pangako ni Jehova. Gunigunihin iyan—isang napakasaganang ani anupat ang ilan dito ay hindi pa matitipon hanggang sa dumating ang susunod na panahon ng pag-aararo at paghahasik ng binhi!
19. Ano ang nangyari sa mga nalabi mula sa Israel at Juda?
Amos kabanata 9, may nagsisising nalabi mula sa Israel at Juda na bumalik mula sa pagkakabihag sa Babilonya noong 537 B.C.E. Nang makarating na sa kanilang minamahal na tinubuang-bayan, isinauli nila ang dalisay na pagsamba. Tiwasay rin silang nagtayong muli ng kanilang mga bahay at nagtanim ng mga ubasan at mga hardin.
19 Masasabing mapamili ang hatol ni Jehova laban sa mga balakyot sa Juda at Israel sapagkat ang mga nagsisisi at wastong nakaayon ay pinagpakitaan ng awa. Bilang katuparan ng hula ng pagsasauli na nakaulat saDarating ang Masamang Hatol ni Jehova!
20. Ang pagsasaalang-alang sa mga mensahe ng paghatol na ipinahayag ni Amos ay dapat magbigay sa atin ng anong katiyakan?
20 Ang ating pagsasaalang-alang sa mga mensahe ng paghatol ng Diyos na ipinahayag ni Amos ay dapat magbigay ng katiyakan sa atin na wawakasan ni Jehova ang kabalakyutan sa ating panahon. Bakit natin mapaniniwalaan iyan? Una, ipinakikita ng nakalipas na mga halimbawang ito ng pakikitungo ng Diyos sa mga balakyot kung paano siya kikilos sa ating panahon. Ikalawa, tinitiyak ng pagsasakatuparan ng hatol ng Diyos sa apostatang kaharian ng Israel na pupuksain ng Diyos ang Sangkakristiyanuhan, ang pinakakasuklam-suklam na bahagi ng “Babilonyang Dakila,” ang pandaigdig na imperyo ng huwad na relihiyon.—Apocalipsis 18:2.
21. Bakit karapat-dapat ang Sangkakristiyanuhan sa masamang hatol ng Diyos?
21 Walang alinlangan na karapat-dapat ang Sangkakristiyanuhan sa masamang hatol ng Diyos. Kitang-kita ang kaniyang napakasamang kalagayan sa relihiyon at moral. Nararapat lamang ang hatol ni Jehova laban sa Sangkakristiyanuhan—at sa iba pang bahagi ng sanlibutan ni Satanas. Hindi rin ito matatakasan, sapagkat kapag dumating na ang panahon upang isakatuparan ang hatol, magkakatotoo ang mga salita sa Amos kabanata 9, talata 1: “Walang sinumang tumatanan ang magtatagumpay sa kaniyang pagtanan, at walang sinumang tumatakas ang makapagsasagawa ng kaniyang pagtakas.” Oo, saanman magtago ang mga balakyot, matatagpuan sila ni Jehova.
22. Anu-anong punto hinggil sa hatol ng Diyos ang nililiwanag sa 2 Tesalonica 1:6-8?
22 Ang hatol ng Diyos ay laging nararapat, hindi matatakasan, at mapamili. Makikita ito sa mga salita ni apostol Pablo: “Matuwid para sa Diyos na gantihan ng kapighatian yaong mga pumipighati sa inyo, ngunit, sa inyo na dumaranas ng kapighatian ay ginhawa na kasama namin sa pagkakasiwalat sa Panginoong Jesus mula sa langit kasama ang kaniyang makapangyarihang mga anghel sa isang nagliliyab na apoy, samantalang nagpapasapit siya ng paghihiganti doon sa mga hindi nakakakilala sa Diyos at doon sa mga hindi sumusunod sa mabuting balita tungkol sa ating Panginoong Jesus.” (2 Tesalonica 1:6-8) “Matuwid para sa Diyos” na gantihan ang mga taong karapat-dapat sa masamang hatol dahil sa pagdudulot ng kapighatian sa kaniyang mga pinahiran. Hindi matatakasan ang hatol na iyan, sapagkat hindi makaliligtas ang mga balakyot sa ‘pagsisiwalat kay Jesus kasama ng kaniyang makapangyarihang mga anghel sa isang nagliliyab na apoy.’ Mapamili rin ang hatol ng Diyos sa diwa na magpapasapit si Jesus ng paghihiganti “doon sa mga hindi nakakakilala sa Diyos at doon sa mga hindi sumusunod sa mabuting balita.” At ang pagsasakatuparan ng hatol ng Diyos ay magdudulot ng kaaliwan sa mga makadiyos na dumaranas ng kapighatian.
Pag-asa Para sa mga Matuwid
23. Anong pag-asa at kaaliwan ang makukuha sa aklat ng Amos?
23 Ang hula ni Amos ay naglalaman ng kamangha-manghang mensahe ng pag-asa at kaaliwan para sa mga indibiduwal na wastong nakaayon. Gaya ng inihula sa aklat ng Amos, hindi lubusang nilipol ni Jehova ang kaniyang sinaunang bayan. Tinipon niyang muli nang dakong huli ang mga binihag sa Israel at Juda, anupat isinauli sila sa kanilang sariling bayan at pinagpala sila ng saganang katiwasayan at kaunlaran. Ano ang kahulugan nito para sa ating panahon? Makatitiyak tayo dahil dito na kapag dumating na ang pagsasakatuparan ng hatol ng Diyos, mahahanap ni Jehova ang mga balakyot saanman sila magtago at masusumpungan niya ang mga indibiduwal na itinuturing niyang karapat-dapat sa kaniyang awa, saanman sila tumatahan sa lupang ito.
24. Sa anu-anong paraan pinagpapala ang makabagong-panahong mga lingkod ni Jehova?
Gawa 13:48) Oo, nais nating tulungan ang pinakamaraming taong matutulungan natin na makinabang sa espirituwal na kasaganaang tinatamasa natin ngayon. At nais nating makaligtas sila sa dumarating na pagsasakatuparan ng hatol ng Diyos laban sa mga balakyot. Sabihin pa, upang matamasa ang mga pagpapalang ito, dapat tayong magkaroon ng tamang kalagayan ng puso. Gaya ng makikita natin sa susunod na artikulo, itinatampok din ito sa hula ni Amos.
24 Habang hinihintay natin ang pagdating ng hatol ni Jehova laban sa mga balakyot, ano ang nararanasan natin bilang kaniyang tapat na mga lingkod? Aba, pinagpapala tayo ni Jehova ng nag-uumapaw na espirituwal na kasaganaan! Tinatamasa natin ang paraan ng pagsamba na walang kasinungalingan at pilipit na katotohanan na bunsod ng maling mga turo ng Sangkakristiyanuhan. Pinagpapala rin tayo ni Jehova ng saganang espirituwal na pagkain. Gayunman, tandaan na may kaakibat na malaking pananagutan ang mayayamang pagpapalang ito mula kay Jehova. Inaasahan ng Diyos na bababalaan natin ang iba hinggil sa dumarating na paghatol. Nais nating gawin ang ating buong makakaya upang hanapin yaong “mga wastong nakaayon ukol sa buhay na walang hanggan.” (Paano Mo Sasagutin?
• Paano ipinakikita ng hula ni Amos na laging nararapat ang masasamang hatol ni Jehova?
• Anong patotoo ang ibinigay ni Amos upang ipakita na hindi matatakasan ang paghatol ng Diyos?
• Paano ipinakikita ng aklat ng Amos na mapamili ang pagsasakatuparan ng hatol ng Diyos?
[Mga Tanong sa Aralin]
[Larawan sa pahina 16, 17]
Hindi nakatakas sa hatol ng Diyos ang kaharian ng Israel
[Larawan sa pahina 18]
Noong 537 B.C.E., bumalik mula sa pagkakabihag sa Babilonya ang mga nalabi mula sa Israel at Juda