Abraham at Sara—Matutularan Mo ang Kanilang Pananampalataya!
Abraham at Sara—Matutularan Mo ang Kanilang Pananampalataya!
TINATAWAG siya na “ama ng lahat niyaong may pananampalataya.” (Roma 4:11) May gayunding katangian ang kaniyang minamahal na asawa. (Hebreo 11:11) Sila ang makadiyos na patriyarkang si Abraham at ang kaniyang debotong asawa, si Sara. Bakit sila maiinam na halimbawa ng pananampalataya? Anu-ano ang ilan sa mga pagsubok na binatá nila? At ano ang kahalagahan sa atin ng talambuhay nila?
Nagpakita ng pananampalataya si Abraham nang iutos sa kaniya ng Diyos na lisanin ang kaniyang tahanan. Sinabi ni Jehova: “Yumaon ka sa iyong lakad mula sa iyong lupain at mula sa iyong mga kamag-anak at mula sa bahay ng iyong ama patungo sa lupain na ipakikita ko sa iyo.” (Genesis 12:1) Sumunod ang tapat na patriyarka, sapagkat sinasabi sa atin: “Sa pananampalataya si Abraham, nang tawagin siya, ay sumunod nang lumabas patungo sa isang dako na itinalagang tanggapin niya bilang mana; at umalis siya, bagaman hindi nalalaman kung saan siya paroroon.” (Hebreo 11:8) Isip-isipin ang sangkot sa paglipat na iyon.
Nakatira si Abraham sa Ur, sa lugar na ngayon ay timugang Iraq. Ang Ur ay maunlad na sentro ng Mesopotamia na nakipagkalakalan sa mga lupain ng Gulpo ng Persia at malamang sa Libis ng Indus. Binabanggit ni Sir Leonard Woolley, na nangasiwa sa sistematikong paghuhukay sa Ur, na noong panahon ni Abraham, ang karamihan sa mga bahay roon ay gawa sa laryo na may napalitadahan at pinaputing mga pader. Halimbawa, ang bahay ng isang mayamang mamamayan ay isang gusaling may dalawang palapag at sementadong sentrong looban. Nakatira ang mga lingkod ng sambahayan at ang mga panauhin sa unang palapag. Sa itaas, may balkonaheng gawa sa kahoy na nakapaikot sa mga dingding, na maaaring daanan papunta sa mga silid na nakareserba para sa pamilya. Yamang may 10 hanggang 20 silid, ang gayong mga tirahan ay “maituturing na malawak at nagbibigay ng espasyo para sa buhay na disente, maalwan at, ayon sa pamantayan sa Silangan, marangya,” ang sabi ni Woolley. Ang mga ito ay “karaniwan nang mga tahanan ng sibilisadong bayan at tumutugon sa mga pangangailangan ng lubhang maunlad na buhay sa lunsod.” Kung gayong tahanan ang iniwan nina Abraham at Sara na umaasang maninirahan sa mga tolda, napakalaki ng isinakripisyo nila upang sumunod kay Jehova.
Unang lumipat si Abraham at ang kaniyang pamilya sa Haran, na sa ngayon ay nasa hilagang Sirya, at pagkatapos ay sa Canaan. Mga 1,600 kilometro ang layo niyan—mahabang lakbayin para sa may-edad nang mag-asawa! Nang umalis sila sa Haran, si Abraham ay 75 taóng gulang at si Sara naman ay 65.—Genesis 12:4.
1 Pedro 3:5, 6) Ipinapalagay ng ilang iskolar na ito ay pagpapakita ni Sara ng “nakaugalian at magalang na saloobin at pakikitungo sa kaniya,” katibayan ng “tunay na mga nakagawiang pag-iisip at damdamin.” Ngunit higit sa lahat, nagtiwala si Sara kay Jehova. Ang kaniyang pagpapasakop at pananampalataya ay nagsisilbing mainam na halimbawa para sa mga Kristiyanong asawang babae.
Ano kaya ang nadama ni Sara nang sabihin ni Abraham na aalis sila ng Ur? Maaaring nabahala siya sa pag-iwan sa katiwasayan ng maalwang tahanan, paglipat sa lupaing naiiba at maaaring di-kaayaaya pa nga, at pagkakaroon ng mas mababang antas ng pamumuhay. Gayunpaman, mapagpasakop si Sara, anupat iniisip na “panginoon” niya si Abraham. (Totoo, hindi tayo hinihilingan na lisanin ang ating tahanan upang sumunod sa Diyos, bagaman may ilang buong-panahong mga ebanghelisador na lumisan sa kanilang sariling lupain upang ipangaral ang mabuting balita sa ibang bansa. Saanman tayo naglilingkod sa Diyos, hangga’t inuuna natin sa ating buhay ang espirituwal na mga kapakanan, ilalaan niya ang ating mga pangangailangan.—Mateo 6:25-33.
Hindi pinagsisihan ni Sara o ni Abraham ang ipinasiya nila. “Kung patuloy nga nilang inalaala ang dakong iyon na kanilang pinanggalingan, nagkaroon sana sila ng pagkakataong bumalik,” ang sabi ni apostol Pablo. Subalit hindi sila bumalik. Nagtitiwalang si Jehova ay “nagiging tagapagbigay-gantimpala doon sa mga may-pananabik na humahanap sa kaniya,” sila ay nanampalataya sa kaniyang mga pangako. Dapat ganoon din tayo upang makapanatili tayong nag-uukol ng buong-kaluluwang debosyon kay Jehova.—Hebreo 11:6, 15, 16.
Espirituwal at Materyal na mga Kayamanan
Nang makarating si Abraham sa Canaan, sinabi ng Diyos sa kaniya: “Sa iyong binhi ay ibibigay ko ang lupaing ito.” Tumugon si Abraham sa pamamagitan ng pagtatayo ng altar para kay Jehova at sa pamamagitan ng pagtawag “sa pangalan ni Jehova.” (Genesis 12:7, 8) Pinayaman ni Jehova si Abraham, at napakarami niyaong mga nasa kaniyang kampamento. Yamang minsan niyang pinisan ang 318 sinanay na mga lalaki, mga alipin na ipinanganak sa kaniyang sambahayan, iminumungkahi na “ang kabuuang bilang ng kaniyang pangkat ay malamang na mahigit sa isang libo.” Anuman ang dahilan, itinuring siya ng mga tao bilang “isang pinuno ng Diyos.”—Genesis 13:2; 14:14; 23:6.
Nanguna si Abraham sa pagsamba, anupat tinuruan ang mga kabilang sa kaniyang sambahayan na “ingatan . . . ang daan ni Jehova at isagawa ang katuwiran at kahatulan.” (Genesis 18:19) Mapatitibay ang makabagong-panahong mga Kristiyanong ulo ng pamilya sa halimbawa ni Abraham bilang taong nagtagumpay sa pagtuturo sa mga miyembro ng kaniyang sambahayan na manalig kay Jehova at kumilos nang matuwid. Kaya hindi nakapagtataka na nanalig sa Diyos na Jehova ang Ehipsiyong alilang babae ni Sara na si Hagar, gayundin ang pinakamatandang lingkod ng patriyarka, at ang anak ni Abraham na si Isaac.—Genesis 16:5, 13; 24:10-14; 25:21.
Nakipagpayapaan si Abraham
Isinisiwalat ng mga pangyayari sa buhay ni Abraham na may makadiyos na personalidad si Abraham. Sa halip na hayaang magpatuloy ang awayan sa pagitan ng kaniyang mga tagapagpastol at niyaong sa pamangkin niyang si Lot, iminungkahi ni Abraham na maghiwalay ang kanilang mga kampo at pinapili niya ang nakababatang si Lot kung alin ang lupaing nais nito. Si Abraham ay isang tagapamayapa.—Genesis 13:5-13.
Kung kailanganin man nating mamili sa pagitan ng paggiit sa ating mga karapatan o pagbibigay-daan sa iba upang mapanatili ang kapayapaan, maaari nating tandaan na hindi hinayaan ni Jehova na magdusa si Abraham dahil nagpakita siya ng konsiderasyon kay Lot. Sa kabaligtaran, pagkatapos nito ay ipinangako ng Diyos kay Abraham at sa kaniyang binhi ang buong lupain na nakikita ni Abraham sa lahat ng direksiyon. (Genesis 13:14-17) “Maligaya ang mga mapagpayapa [sa literal, “mga tagapamayapa”],” ang sabi ni Jesus, “yamang sila ay tatawaging ‘mga anak ng Diyos.’ ”—Mateo 5:9.
Sino ang Magiging Tagapagmana ni Abraham?
Sa kabila ng mga pangako na magkakaroon ng binhi, nanatiling baog si Sara. Iniharap ni Abraham ang bagay na ito sa Diyos. Ang lingkod ba niyang si Eliezer ang magmamana ng lahat ng kaniyang pag-aari? Hindi, sapagkat sinabi ni Jehova: “Ang taong ito ay hindi hahalili sa iyo bilang tagapagmana, kundi ang isa na lalabas mula sa iyong sariling mga panloob na bahagi ang hahalili sa iyo bilang tagapagmana.”—Genesis 15:1-4.
Wala pa rin silang anak, at nawawalan na ng pag-asang magkaanak ang 75-taóng-gulang na si Sara. Kaya sinabi niya kay Abraham: “Sinarhan ako ni Jehova mula sa pag-aanak. Pakisuyo, sumiping ka sa aking alilang babae. Marahil ay magkakaroon ako ng mga anak mula sa kaniya.” Kinuha ni Abraham si Hagar bilang pangalawang asawa, sumiping sa kaniya, at nagdalang-tao ito. Sa sandaling malaman ni Hagar na nagdadalang-tao siya, sinimulan niyang hamakin ang kaniyang among babae. Dumaing nang may kapaitan si Sara kay Abraham at sinimulang hiyain ni Sara si Hagar, na nagtulak ditong tumakas.—Genesis 16:1-6.
Kumilos sina Abraham at Sara sa paraang inaakala nilang tama, anupat tinahak ang landasing kasuwato ng tinatanggap na mga kaugalian noong kanilang panahon. Gayunman, hindi iyon ang paraan ni Jehova para iluwal ang binhi ni Abraham. Maaaring tama ang ilang gawain ayon sa ating kultura sa ilalim ng iba’t ibang mga kalagayan, ngunit hindi ito laging nangangahulugan na sinasang-ayunan ito ni Jehova. Baka ibang-iba pala ang pangmalas niya sa ating situwasyon. Kaya nga, kailangan nating hanapin ang patnubay ng Diyos, anupat ipinananalangin na ipabatid niya kung paano niya tayo gustong kumilos.—Awit 25:4, 5; 143:8, 10.
Walang “Lubhang Pambihira Para kay Jehova”
Nang maglaon, nagkaanak ng lalaki si Hagar kay Abraham na pinanganlang Ismael. Gayunman, hindi siya ang ipinangakong Binhi. Si Sara mismo ang magluluwal ng tagapagmanang iyan, sa kabila ng kaniyang katandaan.—Genesis 17:15, 16.
Nang tiyakin ng Diyos na magkakaanak ng lalaki si Sara sa kaniyang asawa, “isinubsob ni Genesis 17:17) Nang ulitin ng anghel ang mensaheng iyon na nauulinigan ni Sara, siya ay “tumawa sa loob niya.” Ngunit walang “lubhang pambihira para kay Jehova.” Makapagtitiwala tayo na magagawa niya ang anumang kaniyang loobin.—Genesis 18:12-14.
Abraham ang kaniyang mukha at nagsimulang tumawa at nagsabi sa kaniyang puso: ‘Ang isang lalaki ba na isang daang taóng gulang ay magkakaroon pa ng anak na isisilang, at si Sara ba, oo, ang isang babae ba na siyamnapung taóng gulang ay magsisilang pa?’ ” (Dahil “sa pananampalataya [kung kaya] si Sara mismo ay tumanggap ng kapangyarihan na maglihi ng binhi, kahit lampas na siya sa takdang gulang, yamang itinuring niyang tapat siya na nangako.” (Hebreo 11:11) Nang maglaon, ipinanganak ni Sara si Isaac, na ang pangalan ay nangangahulugang “Pagtawa.”
Lubos na Pagtitiwala sa mga Pangako ng Diyos
Tinukoy ni Jehova si Isaac bilang ang matagal nang hinihintay na tagapagmana. (Genesis 21:12) Kaya malamang na natigilan si Abraham nang hilingin sa kaniya ng Diyos na ihain ang kaniyang anak. Magkagayunman, may matitibay na dahilan si Abraham upang lubos na magtiwala sa Diyos. Hindi ba’t magagawa ni Jehova na ibangon si Isaac mula sa mga patay? (Hebreo 11:17-19) Hindi ba’t nauna pa nga rito ay napatunayan na ng Diyos ang kaniyang kapangyarihan sa pamamagitan ng makahimalang pagbabalik ng kakayahang mag-anak nina Abraham at Sara upang mailuwal si Isaac? Yamang kumbinsido siya sa kakayahan ng Diyos na tuparin ang Kaniyang mga pangako, handang sumunod si Abraham. Totoo, pinigilan siyang patayin ang kaniyang anak. (Genesis 22:1-14) Magkagayunman, ang papel na ginampanan ni Abraham sa bagay na ito ay tumutulong sa atin upang matanto kung gaano kahirap para sa Diyos na Jehova na ‘ibigay ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang bawat isa na nananampalataya sa kaniya ay hindi mapuksa kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.’—Juan 3:16; Mateo 20:28.
Dahil sa pananampalataya sa Diyos, naging malinaw kay Abraham na ang tagapagmana ng mga pangako ni Jehova ay hindi maaaring mag-asawa ng huwad na mananamba sa lupain ng Canaan. Paano maaatim na sang-ayunan ng makadiyos na magulang ang pag-aasawa ng kaniyang anak sa kaninumang hindi naglilingkod kay Jehova? Kaya naghanap si Abraham ng angkop na mapapangasawa para kay Isaac sa kaniyang mga kamag-anak sa Mesopotamia, na mahigit 800 kilometro ang layo. Pinagpala ng Diyos ang pagsisikap na iyon sa pamamagitan ng pagpapahiwatig na si Rebeka ang babaing pinili niyang maging kasintahan ni Isaac at ninuno ng Mesiyas. Oo, “pinagpala ni Jehova si Abraham sa lahat ng bagay.”—Genesis 24:1-67; Mateo 1:1, 2.
Pagpapala Para sa Lahat ng Bansa
Uliran sina Abraham at Sara sa pagbabata ng mga pagsubok at sa paglalagak ng pananampalataya sa mga pangako ng Diyos. May kinalaman ang katuparan ng mga pangakong iyon sa walang-hanggang pag-asa ng sangkatauhan, sapagkat tiniyak ni Jehova kay Abraham: “Sa pamamagitan Genesis 22:18.
ng iyong binhi ay tiyak na pagpapalain ng lahat ng bansa sa lupa ang kanilang sarili dahil pinakinggan mo ang aking tinig.”—Mangyari pa, hindi sakdal sina Abraham at Sara, kung paanong tayo rin ay di-sakdal. Gayunman, nang maging maliwanag sa kanila ang kalooban ng Diyos, agad silang sumunod dito—anuman ang kakailanganing sakripisyo. Kaya si Abraham ay naaalaala bilang “kaibigan ni Jehova” at si Sara bilang “babaing banal na umaasa sa Diyos.” (Santiago 2:23; 1 Pedro 3:5) Sa pamamagitan ng pagsisikap na tularan ang pananampalataya nina Abraham at Sara, matatamasa rin natin ang napakahalagang matalik na kaugnayan sa Diyos. Makikinabang din tayo sa napakahalagang mga pangako ni Jehova kay Abraham.—Genesis 17:7.
[Larawan sa pahina 26]
Dahil sa kanilang pananampalataya, pinagpala ni Jehova sina Abraham at Sara ng anak sa kanilang katandaan
[Larawan sa pahina 28]
Ang halimbawa ni Abraham ay tumutulong sa atin na matanto ang nadama ni Jehova sa pagpapahintulot na mamatay ang kaniyang bugtong na Anak