Mangaral Upang Gumawa ng mga Alagad
Mangaral Upang Gumawa ng mga Alagad
“Nang marinig . . . nina Priscila at Aquila [si Apolos], isinama nila siya at ipinaliwanag sa kaniya ang daan ng Diyos nang may higit na kawastuan.”—GAWA 18:26.
1. (a) Bagaman “maningas siya sa espiritu,” ano ang kulang kay Apolos? (b) Ano ang kailangan ni Apolos upang mapunan ang kaniyang espirituwal na kakulangan?
PINAGMASDAN nina Priscila at Aquila, mag-asawang Kristiyano noong unang siglo, si Apolos habang nagpapahayag sa sinagoga sa lunsod ng Efeso. Sa pamamagitan ng kaniyang mabibisang salita at kakayahang manghikayat, nakuha ni Apolos ang pansin ng mga tagapakinig niya. “Maningas siya sa espiritu,” at “nagturo nang may kawastuan ng mga bagay tungkol kay Jesus.” Gayunman, maliwanag na si Apolos ay “may kabatiran lamang sa bautismo ni Juan.” Ang ipinangangaral ni Apolos tungkol sa Kristo ay totoo ngunit limitado. Hindi iyon kumpleto. Kailangang dagdagan ni Apolos ang kaniyang kaalaman tungkol sa papel ni Jesu-Kristo sa pagsasakatuparan ng layunin ni Jehova.—Gawa 18:24-26.
2. Anong hamon ang tinanggap nina Priscila at Aquila?
Mateo 28:19, 20) Sinasabi ng ulat na “isinama nila [si Apolos] at ipinaliwanag sa kaniya ang daan ng Diyos nang may higit na kawastuan.” Gayunman, may mga bagay tungkol kay Apolos na maaaring naging dahilan para maging bantulot ang ilang Kristiyano na turuan siya. Anong mga bagay iyon? At ano ang matututuhan natin sa pagsisikap nina Priscila at Aquila na talakayin ang Kasulatan kay Apolos? Paano tutulong sa atin ang pagrerepaso sa makasaysayang ulat na ito upang magtuon ng pansin sa pagpapasimula ng pantahanang mga pag-aaral sa Bibliya?
2 Walang pag-aatubiling nagkusa sina Priscila at Aquila na tulungan si Apolos upang maging isa na nakatutupad sa “lahat ng mga bagay” na iniutos ni Kristo. (Magtuon ng Pansin sa mga Tao
3. Bakit hindi nakahadlang kina Priscila at Aquila ang pinagmulan ni Apolos upang turuan siya?
3 Si Apolos, na ipinanganak na Judio, ay malamang na lumaki sa lunsod ng Alejandria. Ang Alejandria noon ay kabisera ng Ehipto at sentro ng mataas na edukasyon, na bantog dahil sa malaki nitong aklatan. May malaking populasyon ng mga Judio sa lunsod, kabilang na ang mga iskolar. Kaya naman, doon ginawa ang Griegong salin ng Hebreong Kasulatan na kilala bilang Septuagint. Kaya hindi nakapagtataka na “bihasa sa Kasulatan” si Apolos! Sina Aquila at Priscila ay gumagawa ng mga tolda. Natakot ba sila sa kahusayang magsalita ni Apolos? Hindi. Dahil sa pag-ibig, isinaalang-alang nila ang tao, ang mga pangangailangan niya, at kung paano nila matutulungan siya.
4. Saan at paano tumanggap si Apolos ng tulong na kailangan niya?
4 Gaanuman kahusay magsalita si Apolos, kailangan siyang turuan. Hindi masusumpungan sa anumang unibersidad ang tulong na kailangan niya kundi sa gitna ng kapuwa niya mga miyembro ng kongregasyong Kristiyano. Makikinabang si Apolos mula sa mga punto na magdudulot ng mas tumpak na kaunawaan sa kaayusan ng Diyos para sa kaligtasan. “Isinama . . . siya [nina Priscila at Aquila] at ipinaliwanag sa kaniya ang daan ng Diyos nang may higit na kawastuan.”
5. Ano ang masasabi mo sa espirituwalidad nina Priscila at Aquila?
5 Sina Priscila at Aquila ay malakas sa espirituwal at matibay na nakatatag sa pananampalataya. Malamang na sila ay ‘laging handang gumawa ng pagtatanggol sa harap ng bawat isa na humihingi ng katuwiran para sa kanilang pag-asa,’ ang tao mang iyon ay mayaman, mahirap, iskolar, o alipin. (1 Pedro 3:15) ‘Ginamit nang wasto ni Aquila at ng kaniyang asawa ang salita ng katotohanan.’ (2 Timoteo 2:15) Maliwanag, seryoso silang mga estudyante ng Kasulatan. Lubhang naantig si Apolos sa pagtuturo na nakasalig sa ‘salita ng Diyos, na buháy at may lakas,’ anupat sumasaling ng puso.—Hebreo 4:12.
6. Paano natin nalalaman na pinahalagahan ni Apolos ang tulong na tinanggap niya?
6 Pinahalagahan ni Apolos ang halimbawa ng kaniyang mga guro at naging mas mahusay sa paggawa ng mga alagad. Mabisa niyang ginamit ang kaniyang kaalaman sa gawaing paghahayag ng mabuting balita, lalo na sa populasyon ng mga Judio. Nakatulong nang napakalaki si Apolos sa paghikayat sa mga Judio tungkol kay Kristo. ‘Yamang makapangyarihan sa Kasulatan,’ napatunayan niya sa kanila na hinintay ng lahat ng mga propeta noon ang pagdating ng Kristo. (Gawa 18:24, Kingdom Interlinear Translation) Idinagdag pa ng ulat na ang sumunod na pinuntahan ni Apolos ay ang Acaya, kung saan “malaki ang naitulong niya sa mga naniwala dahil sa di-sana-nararapat na kabaitan ng Diyos; sapagkat taglay ang kasidhian, lubusan niyang pinatunayan nang hayagan na mali ang mga Judio, habang ipinakikita niya sa pamamagitan ng Kasulatan na si Jesus ang Kristo.”—Gawa 18:27, 28.
Matuto sa Halimbawa ng Ibang mga Guro
7. Paano naging bihasang mga guro sina Aquila at Priscila?
7 Paano naging mahuhusay na guro ng Salita ng Diyos sina Aquila at Priscila? Bukod sa kanilang sikap sa personal na pag-aaral at pagdalo sa pulong, tiyak na malaki ang naitulong ng malapít nilang pakikipagsamahan kay apostol Pablo. Tumira si Pablo sa tahanan nina Priscila at Aquila sa Corinto sa loob ng 18 buwan. Magkakasama silang gumawa at nagkumpuni ng mga tolda. (Gawa 18:) Gunigunihin ang malalalim na maka-Kasulatang pag-uusap na malamang na naganap. At anong laking pagsulong sa kanilang espirituwalidad ang naidulot ng gayong pakikisama kay Pablo! “Siyang lumalakad na kasama ng marurunong ay magiging marunong,” ang sabi ng 2, 3Kawikaan 13:20. Ang mabuting kasama ay nagdulot ng mainam na epekto sa kanilang espirituwal na mga kaugalian.—1 Corinto 15:33.
8. Ano ang natutuhan nina Priscila at Aquila sa pagmamasid kay Pablo sa kaniyang ministeryo?
8 Nang pagmasdan nina Priscila at Aquila si Pablo bilang tagapaghayag ng Kaharian, nakita nila ang napakainam na halimbawa ng isang mahusay na guro. Sinasabi ng ulat sa Mga Gawa na “nagbibigay [si Pablo] ng pahayag sa sinagoga [sa Corinto] sa bawat sabbath at nanghihikayat sa mga Judio at mga Griego.” Nang maglaon, noong sumama sa kaniya sina Silas at Timoteo, si Pablo “ay nagsimulang maging lubhang abala sa salita, na nagpapatotoo sa mga Judio upang patunayan na si Jesus ang Kristo.” Nang kakaunting interes lamang ang nasumpungan sa mga miyembro ng sinagoga, napansin nina Priscila at Aquila na inilipat ni Pablo ang sentro ng kaniyang gawaing pangangaral sa mas kaayaayang lugar, sa isang bahay na katabi ng sinagoga. Natulungan doon ni Pablo na maging alagad si Crispo, “na punong opisyal ng sinagoga.” Malamang na napansin nina Priscila at Aquila na nagkaroon ng malaki at mabungang epekto sa teritoryo ang pagiging alagad ng isang iyon. Ganito ang sabi ng ulat: “Si Crispo . . . ay naging isang mananampalataya sa Panginoon, at gayundin ang kaniyang buong sambahayan. At marami sa mga taga-Corinto na nakarinig ang nagsimulang maniwala at mabautismuhan.”—Gawa 18:4-8.
9. Paano tumugon sina Priscila at Aquila sa halimbawa ni Pablo?
9 Ang halimbawa ni Pablo sa ministeryo sa larangan ay tinularan ng ibang mga tagapaghayag ng Kaharian, tulad nina Priscila at Aquila. Nagpayo ang apostol sa ibang mga Kristiyano: “Maging mga tagatulad kayo sa akin, gaya ko naman kay Kristo.” (1 Corinto 11:1) Kasuwato ng halimbawa ni Pablo, tumulong sina Priscila at Aquila kay Apolos upang maunawaan nito ang mga turong Kristiyano nang may higit na kawastuan. At siya naman ay tumulong sa iba pa. Walang alinlangan na tumulong sina Priscila at Aquila sa paggawa ng mga alagad sa Roma, Corinto, at Efeso.—Gawa 18:1, 2, 18, 19; Roma 16:3-5.
10. Ano ang natutuhan mo sa Gawa kabanata 18 na tutulong sa iyo sa paggawa ng alagad?
10 Ano ang matututuhan natin sa pagsasaalang-alang sa Gawa kabanata 18? Buweno, kung paanong maaaring natuto sina Aquila at Priscila mula kay Pablo, mapasusulong natin ang ating kakayahang gumawa ng mga alagad sa pamamagitan ng pagsunod sa halimbawa ng mahuhusay na guro ng Salita ng Diyos. Maaari tayong makisama sa mga “lubhang abala sa salita” at “lubusang nagpapatotoo” sa iba. (Gawa 18:5, Kingdom Interlinear Translation) Maaari nating pagmasdan kung paano nila inaabot ang puso ng mga tao sa pamamagitan ng mapanghikayat na kasanayan sa pagtuturo. Makatutulong sa atin sa paggawa ng mga alagad ang gayong mga kasanayan. Kapag kasama nating nag-aaral ng Bibliya ang isang tao, maaari nating imungkahi na anyayahan niya ang iba pang miyembro ng kaniyang pamilya o mga kapitbahay upang sumali sa pag-aaral. O kaya ay maaari nating hilingin sa kaniya na ipaalam sa atin ang ibang taong maaalukan natin ng pag-aaral sa Bibliya.—Gawa 18:6-8.
Magbukas ng mga Pagkakataong Gumawa ng mga Alagad
11. Saan makahahanap ng bagong mga alagad?
11 Nagsikap gumawa ng mga alagad si Pablo at ang kaniyang mga kapuwa Kristiyano sa pamamagitan ng pangangaral sa bahay-bahay, sa pamilihan, at sa kanilang paglalakbay—sa katunayan, kahit saan. Bilang masigasig na manggagawa sa Kaharian na nagsisikap gumawa ng mga alagad, mapalalawak mo ba ang iyong mga gawain sa paglilingkod sa larangan? Maaari mo bang samantalahin ang mga pagkakataon upang hanapin ang mga karapat-dapat at mangaral sa kanila? Anu-ano ang ilang paraan upang makahanap ng mga alagad ang ating mga kapuwa mamamahayag ng mabuting balita? Tingnan muna natin ang larangan ng pagpapatotoo sa telepono.
12-14. Upang ilarawan ang mga pakinabang ng pagpapatotoo sa telepono, ilahad ang sarili mong karanasan o ang isa sa mga nasa parapong ito.
12 Habang nagpapatotoo sa bahay-bahay sa Brazil, isang Kristiyano na tatawagin nating Maria ang nagbigay ng tract sa isang kabataang babae na papaalis sa gusaling apartment. Ginagamit ang pamagat ng tract bilang pambungad, itinanong ni Maria, “Gusto mo bang makaalam nang higit pa tungkol sa Bibliya?” Sumagot ang babae: “Oo, gusto ko. Kaya lang, ako ay guro, at nauubos ang lahat ng oras ko sa pagtuturo.” Ipinaliwanag ni Maria na maaari nilang pag-usapan sa telepono ang mga paksa sa Bibliya. Ibinigay ng babae kay Maria ang kaniyang numero sa telepono, at nang gabi mismong iyon, sinimulan niya ang pag-aaral sa telepono na ginagamit ang brosyur na Ano ang Hinihiling ng Diyos sa Atin? *
13 Samantalang nagpapatotoo sa telepono, nagulat ang isang buong-panahong ministro sa Etiopia nang may marinig siyang kaguluhan sa telepono habang kausap niya ang isang lalaki. Nakiusap ang lalaki na tumawag na lamang siyang muli mamaya. Nang tumawag siyang muli, humingi ng paumanhin ang lalaki at nagsabi na noong tumawag siya kanina, silang mag-asawa ay nasa kalagitnaan ng pag-aaway. Ginamit ng sister ang komentong ito bilang pagkakataong banggitin ang matalinong patnubay na ibinibigay ng Bibliya sa pagharap sa mga problema ng pamilya. Sinabi niyang maraming pamilya ang natulungan ng Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya, isang aklat na inilathala ng mga Saksi ni Jehova. Pagkaraan ng ilang araw matapos maibigay ang aklat, tumawag muli ang sister sa lalaki. Bumulalas ito: “Iniligtas ng aklat na ito ang pag-aasawa ko!” Sa katunayan, pinulong niya ang kaniyang pamilya upang ibahagi ang magagandang puntong nabasa niya sa aklat. Napasimulan ang pantahanang pag-aaral sa Bibliya, at di-nagtagal, nagsimulang dumalo nang regular sa mga pulong Kristiyano ang lalaki.
14 Ganito ang sabi ng isang tagapaghayag ng Kaharian sa Denmark na nakapagpasimula ng pag-aaral sa Bibliya sa pamamagitan ng pagpapatotoo sa telepono: “Pinasigla ako ng tagapangasiwa sa paglilingkod na makibahagi sa pagpapatotoo sa * Sinabi ko na mas maganda sana kung magkita kami nang personal at mag-usap tungkol sa paksa. Pumayag naman siya. Handa na si Sonja sa pag-aaral nang dumating ako, at nag-aaral na kami linggu-linggo simula noon.” Ganito nagtapos ang ating Kristiyanong sister: “Maraming taon akong nanalangin para magkaroon ng aaralan sa Bibliya, ngunit hindi ko inasahang magkakaroon nga ako ng isa sa pamamagitan ng pagpapatotoo sa telepono.”
telepono. Nag-atubili ako noong una, anupat nagsabing: ‘Hindi para sa akin iyon.’ Gayunpaman, isang araw ay nakapag-ipon ako ng lakas ng loob at nagsimulang tumawag sa telepono para sa unang may-bahay. Sumagot si Sonja at, pagkatapos ng maikling pag-uusap, pumayag siyang tumanggap ng literaturang salig sa Bibliya. Nag-usap kami isang gabi tungkol sa paglalang, at nais niyang basahin ang Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation.15, 16. Anu-anong karanasan ang mailalahad mo upang ipakita ang pakinabang ng pagiging alisto sa iba’t ibang paraan ng pagpapasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya?
15 Marami ang nagtatagumpay dahil sa pagkakapit sa mga mungkahing magpatotoo sa mga tao saanman sila naroroon. Ipinarada ng isang babaing Kristiyano sa Estados Unidos ang kaniyang kotse sa tabi ng pangnegosyong van sa paradahan. Nang makita siya ng babaing nakasakay sa van, sinimulan ng sister na ipaliwanag ang ating gawaing pagtuturo ng Bibliya. Nakinig ang babae, lumabas sa van, at lumapit sa kotse ng sister. Sabi niya: “Natutuwa ako dahil pumarada ka para kausapin ako. Matagal na akong walang literatura sa Bibliya na galing sa inyo. Isa pa, gusto kong mag-aral muli ng Bibliya. Puwede bang turuan mo ako?” Sa gayong paraan, nakapagsaayos ng magandang situwasyon ang ating sister upang maibahagi ang mabuting balita.
16 Ganito ang naging karanasan ng isang sister sa Estados Unidos nang dumalaw siya sa isang nursing home: Lumapit siya sa direktor ng ilang partikular na gawain sa pasilidad at kaniyang sinabi na nais niyang magboluntaryong tumulong na masapatan ang espirituwal na mga pangangailangan ng mga nakatira roon. Idinagdag pa ng sister na malulugod siyang magdaos ng walang-bayad na lingguhang pag-aaral sa Bibliya sa lahat ng nais dumalo. Pumayag ang direktor na dalawin ng sister ang mga silid ng mga nakatira roon. Di-nagtagal, nagdaraos na siya ng pag-aaral sa Bibliya nang tatlong beses sa isang linggo sa 26 na nakatira roon, at ang isa sa mga ito ay regular na nakadadalo sa mga pulong.
17. Anong pamamaraan ang kadalasang mabisa sa pagpapasimula ng pantahanang mga pag-aaral sa Bibliya?
17 Para sa ilang tagapaghayag ng Kaharian, may mabubuting resulta ang tuwirang pag-aalok ng pag-aaral sa Bibliya. Isang umaga, isang kongregasyon na may 105 mamamahayag ang gumawa ng pantanging pagsisikap na mag-alok ng pag-aaral sa Bibliya sa bawat nakausap nilang may-bahay. Walumpu’t anim na mamamahayag ang nakibahagi sa paglilingkod sa larangan, at pagkaraan ng dalawang oras sa gawaing pangangaral, nalaman nilang hindi kukulangin sa 15 bagong mga pag-aaral sa Bibliya ang napasimulan.
Patuloy na Hanapin ang mga Karapat-dapat
18, 19. Anong mahalagang tagubilin ni Jesus ang dapat nating isaisip, at sa layuning ito, ano dapat ang determinado nating gawin?
18 Bilang tagapaghayag ng Kaharian, baka nais mong subukan ang mga mungkahing nabanggit sa artikulong ito. Siyempre pa, matalinong isaalang-alang ang lokal na mga kaugalian sa pagpili ng mga pamamaraan sa pagpapatotoo. Higit sa lahat, isaisip natin ang tagubilin ni Jesus na hanapin ang mga karapat-dapat at tulungang maging Mateo 10:11; 28:19.
mga alagad ang gayong mga indibiduwal.—19 Sa layuning iyan, nawa’y ‘gamitin natin nang wasto ang salita ng katotohanan.’ Magagawa natin ito sa pamamagitan ng paggamit ng panghihikayat na matibay na nakasalig sa Kasulatan. Tutulong ito sa atin na antigin ang puso ng mga nakikinig at pakilusin sila. Habang mapanalanginin tayong umaasa kay Jehova, maaari tayong makibahagi sa pagtulong sa ilan upang maging alagad ni Jesu-Kristo. At tunay ngang kasiya-siyang gawain ito! Kung gayon, ‘gawin natin ang ating buong makakaya na iharap sa Diyos ang ating sarili bilang sinang-ayunan,’ anupat palaging pinararangalan si Jehova bilang masisigasig na tagapaghayag ng Kaharian, na nangangaral sa layuning makagawa ng mga alagad.—2 Timoteo 2:15.
[Mga talababa]
^ par. 12 Inilathala ng mga Saksi ni Jehova.
^ par. 14 Inilathala ng mga Saksi ni Jehova.
Naaalaala Mo Ba?
• Bakit kinailangang maipaliwanag nang mas lubusan ang daan ng Diyos kay Apolos?
• Sa anu-anong paraan natuto sina Priscila at Aquila kay apostol Pablo?
• Mula sa Gawa kabanata 18, ano ang natutuhan mo tungkol sa paggawa ng alagad?
• Paano ka makapagbubukas ng mga pagkakataong gumawa ng mga alagad?
[Mga Tanong sa Aralin]
[Larawan sa pahina 18]
‘Ipinaliwanag nina Priscila at Aquila ang daan ng Diyos nang may higit na kawastuan’ kay Apolos
[Larawan sa pahina 20]
Naging mas mahusay si Apolos sa paggawa ng mga alagad
[Larawan sa pahina 21]
Nangaral si Pablo kahit saan siya magpunta
[Mga larawan sa pahina 23]
Magbukas ng mga pagkakataong mangaral