‘Magkaroon Kayo ng Pag-ibig sa Isa’t Isa’
‘Magkaroon Kayo ng Pag-ibig sa Isa’t Isa’
“Sa ganito malalaman ng lahat na kayo ay aking mga alagad, kung kayo ay may pag-ibig sa isa’t isa.”—JUAN 13:35.
1. Anong katangian ang idiniin ni Jesus nang malapit na siyang mamatay?
“MUMUNTING mga anak.” (Juan 13:33) Sa pamamagitan ng magiliw na pananalitang iyan, kinausap ni Jesus ang kaniyang mga apostol noong gabi bago siya mamatay. Wala tayong ulat sa mga Ebanghelyo na ginamit na noon ni Jesus ang pananalitang iyon, na nagpapamalas ng pagkamahabagin, sa kaniyang pakikipag-usap sa kanila. Subalit sa pantanging gabing iyon, napakilos siyang gamitin ang magiliw na pananalitang ito upang ipakita ang masidhing pag-ibig na kaniyang nadarama para sa kaniyang mga tagasunod. Sa katunayan, binanggit ni Jesus ang hinggil sa pag-ibig mga 30 beses noong gabing iyon. Bakit gayon na lamang ang kaniyang pagdiriin sa katangiang ito?
2. Bakit napakahalaga para sa mga Kristiyano na magpakita ng pag-ibig?
2 Ipinaliwanag ni Jesus kung bakit napakahalaga ng pag-ibig. Sinabi niya: “Sa ganito malalaman ng lahat na kayo ay aking mga alagad, kung kayo ay may pag-ibig sa isa’t isa.” (Juan 13:35; 15:12, 17) Ang pagiging tagasunod ni Kristo ay lubhang nauugnay sa pagpapakita ng pag-ibig na pangkapatid. Nakikilala ang mga tunay na Kristiyano, hindi sa pamamagitan ng kakaibang pananamit o kaugalian, kundi sa pamamagitan ng mainit at magiliw na pag-ibig na ipinakikita nila sa isa’t isa. Ang pagkakaroon ng ganitong namumukod-tanging pag-ibig ang ikalawa sa tatlong pangunahing kahilingan ng pagiging alagad ni Kristo na binanggit sa pasimula ng naunang artikulo. Ano ang tutulong sa atin upang patuloy na maabot ang kahilingang ito?
“Gawin Iyon Nang Lalo Pang Higit”
3. Anong payo hinggil sa pag-ibig ang ibinigay ni apostol Pablo?
3 Katulad sa mga tagasunod ni Kristo noong unang siglo, ang namumukod-tanging pag-ibig na ito ay kapansin-pansin ngayon sa tunay na mga alagad ni Kristo. Sumulat si apostol Pablo sa unang-siglong mga Kristiyano: “May kinalaman 1 Tesalonica 3:12; 4:9, 10) Kailangan din nating sundin ang payo ni Pablo at pagsikapang ipakita “nang lalo pang higit” ang pag-ibig sa isa’t isa.
sa pag-ibig na pangkapatid, hindi ninyo kailangang sulatan pa namin kayo, sapagkat kayo mismo ay tinuruan ng Diyos na ibigin ang isa’t isa; at, sa katunayan, ginagawa ninyo iyon sa lahat ng mga kapatid.” Magkagayunman, idinagdag ni Pablo: “Patuloy na gawin iyon nang lalo pang higit.” (4. Ayon kina Pablo at Jesus, kanino tayo dapat magbigay ng pantanging konsiderasyon?
4 Sa kinasihang liham ding iyon, pinasigla ni Pablo ang kaniyang mga kapananampalataya na “magsalita nang may pang-aliw sa mga kaluluwang nanlulumo” at “alalayan ang mahihina.” (1 Tesalonica 5:14) Sa isa pang okasyon, ipinaalaala niya sa mga Kristiyano na yaong “malalakas ay dapat na magdala ng mga kahinaan niyaong hindi malalakas.” (Roma 15:1) Nagbigay rin si Jesus ng mga tagubilin hinggil sa pagtulong sa mahihina. Pagkatapos ihula na sa gabi ng pag-aresto sa kaniya ay iiwan siya ni Pedro, sinabi ni Jesus kay Pedro: “Kapag nakabalik ka na, palakasin mo ang iyong mga kapatid.” Bakit? Sapagkat iiwan din nila si Jesus kung kaya’t kakailanganin din nila ang tulong. (Lucas 22:32; Juan 21:15-17) Kaya tinatagubilinan tayo ng Salita ng Diyos na ipamalas din ang ating pag-ibig sa mahihina sa espirituwal at sa mga hindi na umuugnay sa Kristiyanong kongregasyon. (Hebreo 12:12) Bakit natin dapat gawin ito? Naglalaan ng sagot ang dalawang matitingkad na ilustrasyong ibinigay ni Jesus.
Isang Nawalang Tupa at Isang Nawalang Barya
5, 6. (a) Anong dalawang maiikling ilustrasyon ang inilahad ni Jesus? (b) Ano ang isinisiwalat ng mga ilustrasyong ito tungkol kay Jehova?
5 Upang ituro sa kaniyang mga tagapakinig ang pangmalas ni Jehova sa mga napalayo, nagbigay si Jesus ng dalawang maiikling ilustrasyon. Ang isa ay hinggil sa isang pastol. Sinabi ni Jesus: “Sinong tao sa inyo na may isang daang tupa, kapag nawala ang isa sa kanila, ang hindi iiwan ang siyamnapu’t siyam sa ilang at hahayo dahil sa isa na nawala hanggang sa masumpungan niya ito? At kapag nasumpungan na niya ito ay ipapasan niya ito sa kaniyang mga balikat at magsasaya. At kapag nakarating na siya sa tahanan ay tatawagin niya ang kaniyang mga kaibigan at ang kaniyang mga kapitbahay, na sinasabi sa kanila, ‘Makipagsaya kayo sa akin, sapagkat nasumpungan ko na ang aking tupa na nawala.’ Sinasabi ko sa inyo na gayon magkakaroon ng higit na kagalakan sa langit dahil sa isang makasalanan na nagsisisi kaysa sa siyamnapu’t siyam na matuwid na walang pangangailangang magsisi.”—Lucas 15:4-7.
6 Ang ikalawang ilustrasyon ay hinggil sa isang babae. Sinabi ni Jesus: “Sinong babae na may sampung baryang drakma, kung maiwala niya ang isang baryang drakma, ang hindi magsisindi ng lampara at magwawalis sa kaniyang bahay at maingat na maghahanap hanggang sa masumpungan niya ito? At kapag nasumpungan na niya ito ay tatawagin niya ang mga babae na kaniyang mga kaibigan at mga kapitbahay, na sinasabi, ‘Makipagsaya kayo sa akin, sapagkat nasumpungan ko na ang baryang drakma na naiwala ko.’ Sa gayon, sinasabi ko sa inyo, nagkakaroon ng kagalakan sa gitna ng mga anghel ng Diyos dahil sa isang makasalanan na nagsisisi.”—Lucas 15:8-10.
7. Anong dalawang aral ang nilalaman ng mga ilustrasyon ng nawalang tupa at nawalang barya para sa atin?
7 Ano ang matututuhan natin sa maiikling ilustrasyong ito? Ipinakikita ng mga ito (1) kung ano ang dapat nating madama sa mga nanghina at (2) kung ano ang dapat nating gawin upang tulungan sila. Isaalang-alang natin ang mga puntong ito.
Nawala Ngunit Pinahahalagahan
8. (a) Ano ang reaksiyon ng pastol at ng babae nang may mawala sa kanila? (b) Ano ang sinasabi sa atin ng kanilang reaksiyon hinggil sa kung paano nila minalas ang nawalang pag-aari?
8 Sa dalawang ilustrasyon, may isang bagay na nawala, ngunit pansinin ang reaksiyon ng mga may-ari. Hindi sinabi ng pastol: ‘Aanhin ko ang isang tupa samantalang mayroon pa naman akong 99? Mabubuhay naman ako kung wala iyon.’ Hindi sinabi ng babae: ‘Bakit pa ako mag-aalala sa isang baryang iyon? Kontento na ako sa siyam na taglay ko.’ Sa halip, hinanap ng pastol ang kaniyang nawalang tupa na para bang iyon lamang ang tupa niya. At nadama ng babae na waring ang nawalang barya ang tanging baryang taglay niya. Sa dalawang pangyayari, ang nawalang bagay ay nanatiling mahalaga sa isipan ng may-ari. Ano ang inilalarawan nito?
9. Ano ang inilalarawan ng pagmamalasakit na ipinakita ng pastol at ng babae?
9 Pansinin ang konklusyon ni Jesus sa dalawang Jeremias 31:3) Ang gayong mga indibiduwal ay maaaring mahina sa espirituwal, subalit hindi naman talaga rebelyoso. Sa kabila ng kanilang mahinang kalagayan, maaaring sa isang antas ay sinusunod pa rin nila ang mga kahilingan ni Jehova. (Awit 119:176; Gawa 15:29) Samakatuwid, katulad ng mga nakalipas na panahon, mabagal si Jehova sa ‘pagtaboy sa kanila mula sa harap ng kaniyang mukha.’—2 Hari 13:23.
pangyayari: “Gayon magkakaroon ng higit na kagalakan sa langit dahil sa isang makasalanan na nagsisisi” at “sa gayon, sinasabi ko sa inyo, nagkakaroon ng kagalakan sa gitna ng mga anghel ng Diyos dahil sa isang makasalanan na nagsisisi.” Samakatuwid, sa maliit na antas, ipinakikita ng pagkabahala ng pastol at ng babae ang damdamin ni Jehova at ng kaniyang makalangit na mga nilalang. Kung paanong nanatiling mahalaga sa paningin ng pastol at ng babae ang bagay na nawala, nananatili ring mahalaga sa paningin ni Jehova ang mga napalayo at nawalan ng kaugnayan sa bayan ng Diyos. (10, 11. (a) Paano natin nais malasin yaong mga napalayo sa kongregasyon? (b) Ayon sa dalawang ilustrasyon ni Jesus, paano natin maipakikita ang ating pagmamalasakit sa kanila?
10 Kagaya ni Jehova at ni Jesus, tayo rin ay lubhang nababahala sa mahihina at sa mga hindi na nakikita sa Kristiyanong kongregasyon. (Ezekiel 34:16; Lucas 19:10) Minamalas natin ang indibiduwal na mahina sa espirituwal bilang isang nawalang tupa—hindi isa na wala nang pag-asa. Hindi tayo nangangatuwiran: ‘Bakit pa mag-aalala sa mahina? Maayos naman ang takbo ng kongregasyon kahit wala siya.’ Sa halip, gaya ni Jehova, minamalas natin ang mga napalayo na nagnanais bumalik bilang mga bagay na mahalaga.
11 Gayunman, paano natin maipakikita ang ating pagmamalasakit? Ipinahihiwatig ng dalawang ilustrasyon ni Jesus na magagawa natin ito sa pamamagitan ng (1) pagkukusa, (2) pagiging magiliw at mabait, at (3) pagiging masikap. Isa-isa nating suriin ang mga aspektong ito.
Magkusa
12. Ano ang ipinahihiwatig sa atin ng mga salitang ‘humayo dahil sa isa na nawala’ hinggil sa saloobin ng pastol?
12 Sa unang ilustrasyon, sinabi ni Jesus na ang pastol ay ‘humayo dahil sa isa na nawala.’ Nagkusa at nagsikap ang pastol upang masumpungan ang nawawalang tupa. Hindi siya napigilan ng hirap, panganib, at layo. Sa kabaligtaran pa nga, nagmatiyaga ang pastol sa paghahanap “hanggang sa masumpungan niya ito.”—Lucas 15:4.
13. Paano tumugon ang mga tapat na lalaki noong sinaunang panahon sa mga pangangailangan ng mahihina, at paano natin matutularan ang gayong mga halimbawa sa Bibliya?
13 Sa katulad na paraan, ang pagtulong sa taong nangangailangan ng pampatibay-loob ay madalas na nangangailangan ng pagkukusa sa bahagi ng isa na mas malakas. Nauunawaan ito ng mga tapat na lalaki noong sinaunang panahon. Halimbawa, nang mapansin ni Jonatan, anak ni Haring Saul, na ang kaniyang matalik na kaibigang si David ay nangangailangan ng pampatibay-loob, si Jonatan ay “tumindig at pumaroon kay David sa Hores, upang mapalakas niya ang kamay nito may kinalaman sa Diyos.” (1 Samuel 23:15, 16) Pagkalipas ng maraming siglo, nang makita ni Gobernador Nehemias na ang ilan sa kaniyang mga kapatid na Judio ay nanghina, siya rin ay “kaagad [na] tumindig” at pinatibay sila na ‘ingatan si Jehova sa isipan.’ (Nehemias 4:14) Nais din natin ngayon na “tumindig”—magkusa—upang palakasin ang mahihina. Ngunit sino sa kongregasyon ang dapat gumawa ng gayon?
14. Sino sa Kristiyanong kongregasyon ang dapat tumulong sa mahihina?
14 Ang mga Kristiyanong matatanda ay lalo nang may pananagutan na “palakasin . . . ang Isaias 35:3, 4; 1 Pedro 5:1, 2) Gayunman, pansinin na ang payo ni Pablo na “magsalita nang may pang-aliw sa mga kaluluwang nanlulumo” at “alalayan ang mahihina” ay hindi lamang ibinigay para sa matatanda. Sa halip, ang mga salita ni Pablo ay ipinatungkol sa buong “kongregasyon ng mga taga-Tesalonica.” (1 Tesalonica 1:1; 5:14) Kung gayon, ang aktibong pagtulong sa mahihina ay isang atas para sa lahat ng Kristiyano. Kagaya ng pastol sa ilustrasyon, ang bawat Kristiyano ay dapat mapakilos na ‘humayo dahil sa isa na nawala.’ Siyempre pa, pinakamabisa itong magagawa sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa matatanda. Maaari ka bang gumawa ng mga hakbang upang tulungan ang isa na mahina sa inyong kongregasyon?
mahihinang kamay, at patatagin . . . ang mga tuhod na nangangatog” at “sabihin . . . sa mga may pusong nababalisa: ‘Magpakalakas kayo. Huwag kayong matakot.’” (Maging Magiliw at Mabait
15. Bakit kaya kumilos ang pastol na gaya ng sinabi sa ulat?
15 Ano ang ginawa ng pastol nang sa wakas ay masumpungan niya ang nawalang tupa? ‘Ipinasan niya ito sa kaniyang mga balikat.’ (Lucas 15:5) Tunay na isang nakaaantig at napakahalagang detalye ito! Maaaring nagpalabuy-laboy ang tupa sa loob ng maraming araw at gabi sa di-pamilyar na lugar, marahil ay nahantad pa nga sa banta ng tumutugis na mga leon. (Job 38:39, 40) Walang alinlangan na ang tupa ay nanghihina na dahil sa kawalan ng pagkain. Tiyak na napakahina nito upang madaig ang mga balakid na mapapaharap dito sa pagbalik sa kawan. Kaya, yumuko ang pastol, may paggiliw at kabaitang binuhat ang tupa, at dinala ito pabalik sa kawan, anupat dinaanan ang lahat ng balakid. Paano natin maipamamalas ang pagmamalasakit na ipinakita ng pastol na ito?
16. Bakit natin dapat ipakita ang pagkamagiliw na ipinakita ng pastol sa napalayong tupa?
16 Ang isa na nawalan ng kaugnayan sa kongregasyon ay maaaring nahahapo sa espirituwal na diwa. Katulad ng tupa na napawalay sa pastol, ang gayong indibiduwal ay maaaring nagpalabuy-laboy sa di-kaayaayang lugar ng sanlibutang ito. Yamang wala ang proteksiyong inilalaan ng kulungan, ang Kristiyanong kongregasyon, nakahantad siya nang higit kailanman sa mga pagsalakay ng Diyablo, na “gumagala-gala tulad ng isang leong umuungal, na naghahanap ng masisila.” (1 Pedro 5:8) Karagdagan pa, siya ay nanghina dahil sa kawalan ng espirituwal na pagkain. Kaya malamang na siya ay napakahina upang madaig sa ganang sarili ang mga balakid na mapapaharap sa kaniya sa pagbalik niya sa kongregasyon. Kaya kailangan tayong yumuko, wika nga, upang may paggiliw at kabaitang buhatin ang mahina, at dalhin siya pabalik. (Galacia 6:2) Paano natin ito magagawa?
17. Paano natin matutularan si apostol Pablo kapag dumadalaw tayo sa isang mahina?
17 Sinabi ni apostol Pablo: “Kung ang sinuman ay mahina, hindi ba ako nakikibahagi sa kaniyang kahinaan?” (2 Corinto 11:29, The New English Bible; 1 Corinto 9:22) May empatiya si Pablo sa mga tao, pati na sa mahihina. Nais nating ipakita ang gayunding empatiya sa mahihina. Kapag dumadalaw sa isang Kristiyanong mahina sa espirituwal, tiyakin sa kaniya na mahalaga siya sa paningin ni Jehova at na talagang hinahanap-hanap siya ng kaniyang kapuwa mga Saksi. (1 Tesalonica 2:17) Ipaalam sa kaniya na handa silang alalayan siya at maging “isang kapatid na ipinanganganak kapag may kabagabagan.” (Kawikaan 17:17; Awit 34:18) Ang ating taos-pusong mga pananalita ay maaaring unti-unting magpatibay sa kaniya sa magiliw at mabait na paraan hanggang sa punto na siya ay makabalik na sa kawan. Ano naman ang dapat nating gawin pagkatapos nito? Ang ilustrasyon hinggil sa babae at sa nawalang barya ay nagbibigay sa atin ng patnubay.
Maging Masikap
18. (a) Bakit hindi nawalan ng pag-asa ang babae sa ilustrasyon? (b) Anong puspusang pagsisikap ang ginawa ng babae, at ano ang resulta?
18 Alam ng babaing nawalan ng barya na mahirap ang situwasyon ngunit may pag-asa. Kung ang barya ay nahulog sa malawak at madamong parang o sa malalim at maputik na lawa, malamang na iisipin niyang hindi na ito makikita pa. Ngunit palibhasa’y natitiyak na ang barya ay nasa bahay lamang niya at posibleng makita ito, sinimulan niya ang isang puspusan at masikap na paghahanap. (Lucas 15:8) Una, sinindihan niya ang isang lampara upang mailawan ang kaniyang madilim na bahay. Pagkatapos ay winalis niya ang sahig, na umaasang may maririnig na kalansing. Kahuli-hulihan, maingat niyang sinuri ang bawat sulok hanggang sa kumislap ang baryang pilak dahil sa liwanag ng lampara. Ginantimpalaan ang puspusang pagsisikap ng babae!
19. Anong mga aral sa pagtulong sa mahihina ang makukuha natin sa ginawa ng babae sa ilustrasyon ng nawalang barya?
19 Tulad ng ipinaaalaala sa atin ng detalyeng ito ng ilustrasyon, ang maka-Kasulatang obligasyon na tulungan ang isang mahinang Kristiyano ay kaya nating gawin. Kasabay nito, natatanto natin na nangangailangan ito ng pagsisikap. Sa katunayan, sinabi ni apostol Pablo sa matatanda sa Efeso: “Sa pagpapagal nang gayon ay dapat ninyong tulungan yaong mahihina.” (Gawa 20:35a) Tandaan na hindi nakita ng babae ang barya sa pamamagitan ng basta pagtingin-tingin lamang sa kaniyang bahay, o paghahanap kapag nagkataong may panahon siya. Hindi, nagtagumpay siya dahil may ginamit siyang paraan sa paghahanap “hanggang sa masumpungan niya ito.” Gayundin naman, kapag sinisikap nating mapanumbalik ang indibiduwal na mahina sa espirituwal, ang ating paraan ay dapat na maging masikap at makabuluhan. Ano ang maaari nating gawin?
20. Ano ang maaaring gawin upang tulungan ang mahihina?
20 Paano natin matutulungan ang isang mahina upang malinang ang pananampalataya at pagpapahalaga? Marahil, ang personal na pag-aaral ng Bibliya sa isang naaangkop na Kristiyanong publikasyon ang tanging kailangan. Sa katunayan, ang pagdaraos ng pag-aaral sa Bibliya sa isang mahinang indibiduwal ay magpapahintulot sa atin na tulungan siya sa isang patuluyan at puspusang paraan. Malamang na ang tagapangasiwa sa paglilingkod ang pinakamainam na makapagpapasiya kung sino ang makapagbibigay ng kinakailangang tulong. Maaari siyang magmungkahi kung anong mga paksa ang maaaring pag-aralan at kung aling publikasyon ang higit na makatutulong. Kung paanong gumamit ng nakatutulong na mga kagamitan ang babae sa ilustrasyon upang *
maisakatuparan ang kaniyang gawain, mayroon din tayong mga kagamitan sa ngayon na tutulong sa atin na isakatuparan ang ating bigay-Diyos na pananagutang tulungan ang mahihina. Dalawa sa ating bagong mga kagamitan, o publikasyon, ang lalo nang makatutulong sa pagsisikap na ito. Ang mga ito ay ang aklat na Sambahin ang Tanging Tunay na Diyos at Maging Malapít kay Jehova.21. Paano nagdudulot ng mga pagpapala sa lahat ang pagtulong sa mahihina?
21 Ang pagtulong sa mahihina ay nagdudulot ng pagpapala sa lahat. Natatamasa ng tinutulungan ang kaligayahan ng muling pakikisama sa mga tunay na kaibigan. Nararanasan natin ang taos-pusong kagalakan na matatamo lamang sa pagbibigay. (Lucas 15:6, 9; Gawa 20:35b) Sa kabuuan, sumisidhi ang mainit na pag-ibig ng kongregasyon habang ang bawat miyembro ay nagpapakita ng maibiging interes sa iba. At higit sa lahat, pinararangalan nito ang ating mapagmalasakit na mga Pastol, sina Jehova at Jesus, habang ang kanilang hangarin na alalayan ang mahihina ay nakikita sa kanilang makalupang mga lingkod. (Awit 72:12-14; Mateo 11:28-30; 1 Corinto 11:1; Efeso 5:1) Kung gayon, kay-inam ngang mga dahilan ang taglay natin upang patuloy na ‘magkaroon ng pag-ibig sa isa’t isa’!
[Talababa]
^ par. 20 Inilathala ng mga Saksi ni Jehova.
Maipaliliwanag Mo Ba?
• Bakit mahalaga sa bawat isa sa atin ang pagpapakita ng pag-ibig?
• Bakit natin dapat ipamalas ang ating pag-ibig sa mahihina?
• Anong mga aral ang itinuturo sa atin ng mga ilustrasyon hinggil sa nawalang tupa at nawalang barya?
• Anong praktikal na mga hakbang ang maaari nating gawin upang tulungan ang isang mahina?
[Mga Tanong sa Aralin]
[Mga larawan sa pahina 16, 17]
Sa pagtulong sa mahihina, tayo ay nagkukusa, magiliw at mabait, at saka masikap
[Larawan sa pahina 16, 17]
Ang pagtulong sa mahihina ay nagdudulot ng mga pagpapala sa lahat