Taunang Pulong Oktubre 6, 2001
Taunang Pulong Oktubre 6, 2001
ANG TAUNANG PULONG ng mga miyembro ng Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania ay gaganapin sa Oktubre 6, 2001, sa Assembly Hall of Jehovah’s Witnesses, 2932 Kennedy Boulevard, Jersey City, New Jersey. Isang paunang pulong ng mga miyembro lamang ang pasisimulan sa ganap na 9:15 n.u., na susundan ng pangkalahatang taunang pulong sa ganap na 10:00 n.u.
Dapat ipabatid ngayon ng mga miyembro ng korporasyon sa Tanggapan ng Kalihim ang anumang pagbabago sa direksiyon ng kanilang mga sulat sa nakalipas na taon upang makarating sa kanila sa Hulyo ang regular na mga liham ng patalastas at mga proxy.
Ang mga proxy, na ipadadala sa mga miyembro lakip ang patalastas hinggil sa taunang pulong, ay dapat na ibalik upang makarating sa Tanggapan ng Kalihim ng Samahan nang hindi lalampas sa Agosto 1. Dapat punan at ibalik agad ng bawat miyembro ang kaniyang proxy, na isinasaad kung siya ay dadalo sa pulong nang personal o hindi. Ang impormasyon na isusulat sa bawat proxy ay dapat na tiyakan sa puntong ito, yamang ito ang pagbabatayan sa pag-alam kung sino ang dadalo.
Inaasahan na ang buong sesyon, kasali na ang pormal na business meeting at mga report, ay matatapos sa ganap na 1:00 n.h. o lalampas nang kaunti. Hindi magkakaroon ng panghapong sesyon. Dahil limitado ang mauupuan, ang mga may tiket lamang ang tatanggapin. Walang gagawing mga kaayusan na ikonekta ang taunang pulong sa ibang awditoryum sa pamamagitan ng mga linya ng telepono.