Binibili ang Panahon sa Pagbabasa at Pag-aaral
Binibili ang Panahon sa Pagbabasa at Pag-aaral
“[Bilhin] ang naaangkop na panahon para sa inyong mga sarili, sapagkat ang mga araw ay balakyot.”—EFESO 5:16.
1. Bakit isang katalinuhan para sa atin na baha-bahaginin ang ating panahon, at ano ang isinisiwalat tungkol sa atin ng paraan ng paggamit natin ng ating panahon?
MAY kasabihan na “ang pagpili ng panahon ay pagtitipid ng panahon.” Ang isang tao na nagtatakda ng isang tiyak na panahon sa mga bagay na dapat gawin ay madalas na mas nakikinabang sa kaniyang panahon. Sumulat ang marunong na si Haring Solomon: “Lahat ng bagay ay may takdang oras, may panahon para sa lahat ng bagay sa silong ng langit.” (Eclesiastes 3:1, Moffatt) Tayong lahat ay may magkakatulad na dami ng panahon na magugugol; nasa sa atin na kung paano natin ito gagamitin. Ang paraan ng pagsasaayos natin ng ating mga priyoridad at pagbabaha-bahagi ng ating panahon ay nagsisiwalat kung ano ang pinakamahalaga sa ating puso.—Mateo 6:21.
2. (a) Sa kaniyang Sermon sa Bundok, ano ang sinabi ni Jesus tungkol sa ating espirituwal na pangangailangan? (b) Anong pagsusuri sa sarili ang karapat-dapat na gawin?
2 Obligado tayong gumamit ng panahon sa pagkain at pagtulog sapagkat ang mga ito’y pisikal na mga pangangailangan. Subalit kumusta naman ang ating espirituwal na mga pangangailangan? Alam natin na ang mga ito’y dapat din namang masapatan. Sa kaniyang Sermon sa Bundok, ipinahayag ni Jesus: “Maligaya yaong mga palaisip sa kanilang espirituwal na pangangailangan.” (Mateo 5:3) Iyan ang dahilan kung bakit “ang tapat at maingat na alipin” ay palaging nagpapaalaala sa atin na mahalaga ang pag-uukol ng panahon sa pagbabasa at pag-aaral ng Bibliya. (Mateo 24:45) Maaari ngang napag-iisip-isip mo na talagang mahalaga ito, subalit baka nadarama mong wala ka talagang panahong mag-aral o magbasa ng Bibliya. Kung gayon, suriin natin ang mga pamamaraan upang higit na mabigyang-daan sa ating buhay ang pagbabasa ng Salita ng Diyos, ang personal na pag-aaral, at ang pagbubulay-bulay.
Pagkakaroon ng Panahon Para sa Pagbabasa at Pag-aaral ng Bibliya
3, 4. (a) Anong payo ang ibinigay ni apostol Pablo tungkol sa paggamit ng ating panahon, at ano ang lakip dito? (b) Ano ang ibig sabihin ni Pablo nang payuhan niya tayo na ‘bilhin ang naaangkop na panahon para sa ating sarili’?
3 Dahil sa mga panahong kinabubuhayan natin, tayong lahat ay kailangang sumunod sa mga salita ni apostol Pablo: “Manatili kayong mahigpit na nagbabantay na ang inyong paglakad ay hindi gaya ng di-marurunong kundi gaya ng [mga taong] marurunong, na binibili ang naaangkop na panahon para sa inyong mga sarili, sapagkat ang mga araw ay balakyot. Dahil dito ay tumigil kayo sa pagiging di-makatuwiran, kundi patuloy ninyong unawain kung ano ang kalooban ni Jehova.” (Efeso 5:15-17) Mangyari pa, ang payong ito ay sumasaklaw sa lahat ng pitak ng ating buhay bilang mga nakaalay na Kristiyano, lakip na ang pagkakaroon ng panahon sa pananalangin, pag-aaral, mga pulong, at sa lubusang pakikibahagi hangga’t maaari sa pangangaral ng “mabuting balita ng kaharian.”—Mateo 24:14; 28:19, 20.
4 Marami sa mga lingkod ni Jehova sa ngayon ang waring nahihirapang maglaan ng panahon para sa pagbabasa at malalim na pag-aaral ng Bibliya sa kanilang buhay. Mangyari pa, hindi tayo makapagdaragdag ng isang ekstrang oras sa ating araw, kaya ang payo ni Pablo ay tiyak na may ibang kahulugan. Sa wikang Griego, ang pariralang “binibili ang naaangkop na panahon” ay nagpapahiwatig ng pagbili kapalit ng isang bagay. Sa kaniyang Expository Dictionary, binigyang-kahulugan ito ni W. E. Vine na “pagsasamantala sa bawat pagkakataon, anupat ginagamit nang husto ang bawat isa nito yamang hindi na ito maibabalik pa kapag napalampas na.” Mula sa ano at mula saan tayo makabibili ng naaangkop na panahon para sa pagbabasa at pag-aaral ng Bibliya?
Dapat Tayong Magtakda ng mga Priyoridad
5. Bakit at paano natin ‘matitiyak ang mga bagay na higit na mahalaga’?
5 Bukod sa ating sekular na mga obligasyon, marami pang bagay ukol sa espirituwal ang dapat nating asikasuhin. Bilang nakaalay na mga lingkod ni Jehova, tayo’y “maraming ginagawa sa gawain ng Panginoon.” (1 Corinto 15:58) Dahil dito, tinagubilinan ni Pablo ang mga Kristiyano sa Filipos na ‘tiyakin ang mga bagay na higit na mahalaga.’ (Filipos 1:10) Nangangahulugan ito na dapat magtakda ng mga priyoridad. Ang espirituwal na mga bagay ang dapat na laging mauna bago ang materyal na mga bagay. (Mateo 6:31-33) Gayunman, kailangan ding maging timbang sa pagtupad sa ating espirituwal na mga pananagutan. Paano ba natin binabaha-bahagi ang ating panahon sa iba’t ibang pitak ng ating buhay bilang Kristiyano? Iniuulat ng mga naglalakbay na tagapangasiwa na sa “mga bagay na higit na mahalaga” na dapat asikasuhin ng isang Kristiyano, ang personal na pag-aaral at pagbabasa ng Bibliya ang malimit na nakakaligtaan.
6. Ano ang kasangkot sa pagbili ng naaangkop na panahon kung tungkol sa hanapbuhay o gawaing bahay?
6 Gaya ng nakita natin, kasangkot sa pagbili ng naaangkop na panahon ang “pagsasamantala sa bawat pagkakataon” at ‘paggamit nang husto sa bawat isa nito.’ Kaya kung ang ating pagbabasa ng Bibliya at mga kaugalian sa pag-aaral ay hindi maganda, makabubuting suriin ang sarili upang makita kung paano natin ginugugol ang ating panahon. Kung masyadong mabigat ang ating hanapbuhay, anupat umuubos ng panahon at lakas, dapat natin itong ilapit kay Jehova sa panalangin. (Awit 55:22) Baka makagawa tayo ng mga pagbabago na magbibigay sa atin ng higit na panahon para sa mahahalagang bagay na may kinalaman sa pagsamba kay Jehova, lakip na ang pag-aaral at pagbabasa ng Bibliya. May katuwiran ang kasabihan na ang trabaho ng isang babae ay walang katapusan. Kaya naman ang mga Kristiyanong kapatid na babae ay dapat ding magtakda ng kanilang mga priyoridad at maglaan ng tiyak na mga panahon para sa pagbabasa ng Bibliya at dibdibang pag-aaral.
7, 8. (a) Mula sa anong mga gawain madalas na maaaring bilhin ang panahon para sa pagbabasa at pag-aaral? (b) Ano ang layunin ng paglilibang, at paanong ang pagsasaisip dito ay makatutulong sa atin na magtakda ng mga priyoridad?
7 Sa pangkalahatan, karamihan sa atin ay makabibili ng panahon para sa pag-aaral kapalit ng di-mahalagang mga gawain. Maaari nating tanungin ang ating mga sarili, ‘Gaano kalaking panahon ang aking ginugugol sa pagbabasa ng mga sekular na magasin o mga pahayagan, panonood ng mga programa sa telebisyon, pakikinig ng musika, o paglalaro ng mga video game? Gumugugol ba ako ng higit na panahon sa harap ng computer kaysa sa pagbabasa ng Bibliya? Sabi ni Pablo: “Tumigil kayo sa pagiging di-makatuwiran, kundi patuloy ninyong unawain kung ano ang kalooban ni Jehova.” (Efeso 5:17) Lumilitaw na ang di-makatuwirang paggamit ng telebisyon ang pangunahing dahilan kung bakit maraming Saksi ang hindi nag-uukol ng sapat na panahon sa personal na pag-aaral at pagbabasa ng Bibliya.—Awit 101:3; 119:37, 47, 48.
8 Baka sabihin ng ilan na hindi naman puwedeng puro aral na lamang, na kailangan naman nilang maglibang. Bagaman totoo ito, makabubuti marahil na isaalang-alang ang haba ng panahong ginugugol natin sa pagpapahingalay at ihambing iyon sa panahong ginugugol naman natin sa aktuwal na pag-aaral o pagbabasa ng Bibliya. Baka magulat ka sa resulta. Ang paglilibang at pagpapahingalay, bagaman kailangan, ay dapat na ilagay sa tamang lugar. Ang layunin ng mga ito ay upang mapasigla tayo para sa panibagong espirituwal na mga gawain. Maraming programa sa telebisyon at mga video game ang nakapapagod sa isang tao, samantalang ang pagbabasa at pag-aaral ng Salita ng Diyos ay nakapagpapaginhawa at nakapagpapasigla.—Kung Paano Nabibigyang-Daan ng Ilan ang Pag-aaral
9. Ano ang mga pakinabang ng pagsunod sa payo na ibinigay sa buklet na Pagsusuri sa Kasulatan Araw-Araw—1999?
9 Ang paunang-salita ng 1999 edisyon ng buklet na Pagsusuri sa Kasulatan Araw-Araw ay nagsasabi: “Napakalaki ng kapakinabangan kung isasaalang-alang sa umaga ang pang-araw-araw na teksto at mga komento sa buklet na ito. Madarama ninyo na para bang ginigising kayo ni Jehova, ang Dakilang Instruktor, sa pamamagitan ng kaniyang mga tagubilin. Sinasabi sa makahulang paraan na si Jesu-Kristo ay nakikinabang mula sa mga tagubilin ni Jehova tuwing umaga: ‘Gumigising siya [si Jehova] tuwing umaga; ginigising niya ang aking tainga upang makinig tulad ng mga naturuan.’ Ang gayong mga tagubilin ay nagbigay kay Jesus ng ‘dila ng mga naturuan’ upang kaniyang ‘malaman kung paano aalalayan ng salita ang isa na napapagod.’ (Isaias 30:20; 50:4; Mateo 11:28-30) Ang pagiging gising sa napapanahong payo mula sa Salita ng Diyos bawat umaga ay hindi lamang tutulong sa inyo na mapagtagumpayan ang inyong sariling mga problema kundi magsasangkap din sa inyo ng ‘dila ng mga naturuan’ upang tulungan ang iba.” *
10. Paano nabigyang-daan ng ilan ang pagbabasa at pag-aaral ng Bibliya, at ano ang mga pakinabang?
10 Maraming Kristiyano ang sumusunod sa payong ito sa pamamagitan ng pagbabasa ng pang-araw-araw na teksto at mga komento at sa pagbabasa at pag-aaral ng Bibliya maagang-maaga pa. Sa Pransiya, isang tapat na payunir ang maagang gumigising tuwing umaga at nag-uukol ng 30 minuto *
sa pagbabasa ng Bibliya. Paano kaya niya nagawa ito sa paglipas ng mga taon? Sabi niya: “Inspiradung-inspirado ako, at sinusunod ko ang aking iskedyul ng pagbabasa anuman ang mangyari!” Anumang oras sa isang araw ang mapili natin, ang mahalaga’y sinusunod natin ang ating iskedyul. Si René Mica, mahigit nang 40 taon sa paglilingkod bilang payunir sa Europa at sa Hilagang Aprika, ay nagsabi: “Sapol noong 1950, naging tunguhin ko nang basahin ang buong Bibliya taun-taon, isang bagay na 49 na beses ko nang nagagawa. Nadarama kong napakahalaga nito upang mapanatili ko ang isang malapit na ugnayan sa aking Maylalang. Ang pagbubulay-bulay sa Salita ng Diyos ay tumutulong sa akin upang maunawaan nang higit ang katarungan ni Jehova at ang kaniyang iba pang mga katangian at nagiging bukal ng di-kapani-paniwalang lakas.”“Pagkain sa Tamang Panahon”
11, 12. (a) Anong espirituwal na “pagkain” ang inilalaan ng “tapat na katiwala”? (b) Paano nailalaan ang “pagkain” sa tamang panahon?
11 Kung paanong ang regular na mga kaugalian sa pagkain ay nakapagpapalusog ng katawan, ang isang regular na iskedyul ng pag-aaral at pagbabasa ng Bibliya ay nakapagpapalusog sa espirituwal. Sa Ebanghelyo ni Lucas, mababasa natin ang mga salita ni Jesus: “Sino bang talaga ang tapat na katiwala, ang isa na maingat, na aatasan ng kaniyang panginoon sa kaniyang lupon ng mga tagapaglingkod upang patuloy na magbigay sa kanila ng kanilang sukat ng pagkain sa tamang panahon?” (Lucas 12:42) Sa loob ng mahigit na 120 taon na ngayon, ang espirituwal na “pagkain sa tamang panahon” ay inilalaan na sa Ang Bantayan, at sa iba pang salig-Bibliyang mga aklat at mga publikasyon.
12 Pansinin ang pananalitang “sa tamang panahon.” Sa tamang sandali, ginagabayan ng ating “Dakilang Tagapagturo,” si Jehova, sa pamamagitan ng kaniyang Anak at ng uring alipin, ang kaniyang bayan sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa doktrina at paggawi. Para bang sama-sama nating naririnig ang isang tinig na nagsasabi sa atin: “ ‘Ito ang daan. Lakaran ninyo ito,’ sakaling pumaroon kayo sa kanan o sakaling pumaroon kayo sa kaliwa.” (Isaias 30:20, 21) Bukod diyan, kapag ang mga indibiduwal ay matamang nagbabasa ng Bibliya at ng lahat ng publikasyon sa Bibliya, madalas na ang pakiramdam nila’y sa kanila talaga ipinatutungkol ang mga sinasabi roon. Oo, ang makadiyos na payo at patnubay ay darating sa atin sa tamang panahon, anupat tutulong sa atin upang malabanan ang tukso o makagawa ng matalinong pasiya.
Magkaroon ng Mabubuting Kaugalian sa Pagkain
13. Ano ang ilang di-magagandang espirituwal na kaugalian sa pagkain?
13 Upang makinabang nang husto sa gayong “pagkain” na inilalaan sa tamang panahon, kailangang magkaroon tayo ng mabubuting kaugalian sa pagkain. Mahalaga na magkaroon ng isang regular na iskedyul sa pagbabasa ng Bibliya at personal na pag-aaral at sundin iyon. Mayroon ka bang 1 Timoteo 1:19; 4:15, 16.
mabubuting espirituwal na kaugalian sa pagkain at regular na mga panahon ng dibdibang personal na pag-aaral? O pahapyaw lamang ang pagbabasa mo ng materyal na buong-ingat na inihanda para sa atin, minamadali ang pagkain, wika nga, o nililibanan pa nga ang ilang pagkain sa kabuuan? Ang di-magagandang espirituwal na kaugalian sa pagkain ay naging dahilan upang ang ilan ay humina sa pananampalataya—o humiwalay pa nga.—14. Bakit kapaki-pakinabang na maingat pa ring basahin ang materyal na waring pamilyar na?
14 Baka madama ng ilan na alam na nila ang mga saligang doktrina at na ang bawat artikulo ay hindi laging naghaharap ng isang bagay na talagang bago. Kaya, hindi na kailangan ang sistematikong pag-aaral at pagdalo sa pulong. Gayunman, ipinakikita ng Bibliya na kailangang ipaalaala sa atin ang mga bagay na napag-aralan na natin. (Awit 119:95, 99; 2 Pedro 3:1; Judas 5) Kung paanong ang isang mahusay na tagapagluto ay naghahanda ng gayunding pangunahing mga sangkap sa maraming paraan na pawang malilinamnam, ang uring alipin ay naglalaan din ng nakapagpapalusog na espirituwal na pagkain sa napakaraming iba’t ibang paraan. Maging sa mga artikulong sumasaklaw sa mga paksang madalas nang kinokomentuhan noon, mayroon pa ring mas maiinam na punto na hindi natin gustong makaligtaan. Ang katotohanan ay na anumang napapakinabang natin sa ating binabasa ay nakasalalay nang malaki sa kung gaano kalaking panahon at pagsisikap ang ating ginugugol sa pag-aaral nito.
Espirituwal na mga Pakinabang Mula sa Pagbabasa at Pag-aaral
15. Paano tayo natutulungan ng pagbabasa at pag-aaral ng Bibliya na maging mas magagaling na ministro ng Salita ng Diyos?
15 Napakarami nating pakinabang mula sa pagbabasa at pag-aaral ng Bibliya. Natutulungan tayong makaabot sa isa sa ating pangunahing mga pananagutan bilang Kristiyano, alalaong baga’y, tayo nawa bilang indibiduwal ay maging isang “manggagawa na walang anumang ikinahihiya, na ginagamit nang wasto ang salita ng katotohanan.” (2 Timoteo 2:15) Habang higit nating binabasa at pinag-aaralan ang Bibliya, lalong napupuno ang ating isip ng mga kaisipan ng Diyos. Kung magkagayon, gaya ni Pablo, magagawa natin na ‘makipagkatuwiranan sa mga tao mula sa Kasulatan, na ipinaliliwanag at pinatutunayan sa pamamagitan ng mga reperensiya’ ang kamangha-manghang katotohanan ng mga layunin ni Jehova. (Gawa 17:2, 3) Mapasusulong ang ating kakayahan sa pagtuturo, at magiging lalong nakapagpapatibay sa espirituwal ang ating pakikipag-usap, mga pahayag, at payo.—Kawikaan 1:5.
16. Sa anu-anong personal na paraan nakikinabang tayo sa pagbabasa at pag-aaral ng Salita ng Diyos?
16 Karagdagan pa, ang panahong iniuukol sa pagsusuri ng Salita ng Diyos ay tutulong sa atin na lubusang maiayon ang ating buhay sa mga daan ni Jehova. (Awit 25:4; 119:9, 10; Kawikaan 6:20-23) Patitibayin nito ang ating espirituwal na mga katangian, gaya ng kapakumbabaan, pagkamatapat, at kaligayahan. (Deuteronomio 17:19, 20; Apocalipsis 1:3) Kapag ikinapit natin ang kaalamang natamo sa pagbabasa at pag-aaral ng Bibliya, tatamasahin natin ang tuluy-tuloy na pagdaloy ng espiritu ng Diyos sa ating buhay, na magdudulot ng higit na masaganang bunga ng espiritu sa lahat ng ating ginagawa.—Galacia 5:22, 23.
17. Paano apektado ng kantidad at kalidad ng ating personal na pagbabasa at pag-aaral ng Bibliya ang ating kaugnayan kay Jehova?
17 Ang pinakamahalaga, ang panahong binili mula sa ibang gawain upang mabasa at mapag-aralan ang Salita ng Diyos ay magdudulot ng mayamang pakinabang kung tungkol sa ating kaugnayan sa Diyos. Nanalangin si Pablo na sana ang kaniyang kapuwa mga Kristiyano ay ‘mapuspos ng tumpak na kaalaman ng kalooban [ng Diyos] sa buong karunungan at espirituwal na pagkaunawa, Colosas 1:9, 10) Sa katulad na paraan, upang tayo’y ‘makalakad nang karapat-dapat kay Jehova,’ tayo ay dapat na “mapuspos ng tumpak na kaalaman ng kaniyang kalooban sa buong karunungan at espirituwal na pagkaunawa.” Maliwanag, ang pagtatamo natin ng pagpapala at pagsang-ayon ni Jehova ay nakasalalay nang malaki sa kantidad at kalidad ng ating personal na pagbabasa at pag-aaral ng Bibliya.
sa layunin na lumakad nang karapat-dapat kay Jehova upang paluguran siya nang lubos.’ (18. Anong mga pagpapala ang mapapasaatin kung susundin natin ang mga salita ni Jesus na nakaulat sa Juan 17:3?
18 “Ito ay nangangahulugan ng buhay na walang-hanggan, ang kanilang pagkuha ng kaalaman tungkol sa iyo, ang tanging Diyos na totoo, at sa isa na iyong isinugo, si Jesu-Kristo.” (Juan 17:3) Iyan ang isa sa mga kasulatan na pinakamadalas gamitin ng mga Saksi ni Jehova upang tulungan ang iba na maunawaan ang kahalagahan ng pag-aaral ng Salita ng Diyos. Tiyak na ganiyan ding kahalaga para sa bawat isa sa atin na personal na gawin ito. Ang atin mismong pag-asa na mabuhay magpakailanman ay depende sa ating pagsulong sa kaalaman kay Jehova at sa kaniyang Anak, si Jesu-Kristo. At isip-isipin na lamang ang kahulugan nito. Wala nang katapusan kailanman ang ating pagkatuto nang higit tungkol kay Jehova—at mayroon tayong walang hanggan upang matuto tungkol sa kaniya!—Eclesiastes 3:11; Roma 11:33.
[Mga talababa]
^ par. 9 Inilathala ng Watchtower Bible and Tract Society of New York, Inc.
^ par. 10 Tingnan ang artikulong “Kung Kailan Nila Binabasa Ito at Kung Papaano Sila Nakikinabang,” inilathala sa Mayo 1, 1995, isyu ng Ang Bantayan, pahina 20-1.
Mga Tanong sa Repaso
• Ano ang isinisiwalat ng paraan ng paggamit natin ng ating panahon?
• Mula sa anong mga gawain mabibili ang panahon para sa pagbabasa at pag-aaral ng Bibliya?
• Bakit dapat nating bantayan ang ating espirituwal na mga kaugalian sa pagkain?
• Anong mga pakinabang ang makukuha sa pagbabasa at pag-aaral ng Kasulatan?
[Mga Tanong sa Aralin]
[Mga larawan sa pahina 20, 21]
Ang regular na pagbabasa at pag-aaral ng Bibliya ay tutulong sa atin na ‘magamit nang wasto ang salita ng katotohanan’
[Mga larawan sa pahina 23]
Ang pagtitimbang-timbang sa ibang mga gawain sa ating abalang buhay at sa espirituwal na mga bagay ay nagdudulot ng mayamang pakinabang