Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

MGA BANSA AT MGA TAO

Pagbisita sa Liechtenstein

Pagbisita sa Liechtenstein

ITO ay isa sa pinakamaliliit na bansa sa mundo na nasa Alps sa pagitan ng Switzerland at Austria. Sa nakalipas na mga siglo, nanirahan sa rehiyong ito ang mga Celt, Rhaetian, Romano, at Alemanni. Sa ngayon, mga dalawang-katlo sa populasyon ng Liechtenstein ang nagmula sa tribo ng Alemanni, na nanirahan sa rehiyong ito mga 1,500 taon na ang nakararaan.

German ang opisyal na wika sa Liechtenstein, pero nagkakaiba-iba ito sa bawat nayon. Ang dalawa sa karaniwang pagkain sa Liechtenstein ay ang Tüarka-Rebel, isang espesyal na putaheng gawa sa mais, at ang Käsknöpfle, pasta na maraming keso.

Makikita ng mga turista sa bansang ito ang mga bundok na nababalutan ng niyebe, mga luntiang libis, ubasan, at iba’t ibang pananim. Halimbawa, makikita sa maliit na bansang ito ang halos 50 uri ng ligáw na orchid. Mayroon ding mga museo, teatro, at gawaan ng alak sa Liechtenstein. Kaya tag-init man o taglamig, dinarayo ito ng mga turista.

Noon pa mang dekada ng 1920, mayroon nang mga Saksi ni Jehova sa Liechtenstein. Mga 90 na sila ngayon na nagtuturo ng Bibliya sa mga tagaroon at sa mga turista.