Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

 TAMPOK NA PAKSA | ANO BA ANG TUNAY NA TAGUMPAY?

Paano Mo Sinusukat ang Tagumpay?

Paano Mo Sinusukat ang Tagumpay?

Para subukin ang sarili, pag-isipan ang sumusunod na mga senaryo.

Sino sa tingin mo ang talagang matagumpay?

  • ALEX

    May negosyo si Alex. Siya ay tapat, masipag, at may respeto sa iba. Umasenso ang negosyo niya, kaya naman guminhawa ang buhay niya at ng kaniyang pamilya.

  • CAL

    Ang negosyo ni Cal ay katulad din ng kay Alex, pero di-hamak na mas malaki ang kinikita ni Cal. Kaya lang, naging workaholic siya at nagkaroon ng maraming sakit.

  • JANET

    Nag-aaral sa middle-school si Janet. Masipag siya at gustong-gustong matuto. Kaya naman matataas ang grade niya.

  • ELLEN

    Mas matataas ang grade ni Ellen kaysa kay Janet at honor student pa siya—pero nandaraya siya sa mga test at hindi talaga interesado sa pag-aaral.

Kung sasabihin mong sina Cal at Ellen—o silang apatang matagumpay, baka sinusukat mo ang tagumpay batay lang sa mga resulta, anuman ang ginamit na paraan para maabot iyon.

Pero kung sina Alex at Janet lang ang pinili mo, malamang na sinusukat mo ang tagumpay batay sa mga katangian ng isang tao at sa dedikasyon niya sa trabaho. Dapat lang naman. Pag-isipan ang sumusunod na mga halimbawa:

  • Alin ang mas makapagbibigay kay Janet ng habambuhay na pakinabang—ang makakuha ng matataas na grade o ang ma-develop pa ang kagustuhang matuto?

  • Alin ang makabubuti sa mga anak ni Alex—ang magkaroon ng lahat ng bagay na mabibili ng pera o ng isang ama na natutuwang maglaan ng panahon sa kanila?

Tandaan: Ang huwad na tagumpay ay nakasalig sa nakikita ng tao; ang tunay na tagumpay ay nakasalig sa tamang pamantayan.