May Nagdisenyo ba Nito?
Ang Ngipin ng Sea Urchin na Hindi Pumupurol
● Gamit ang limang ngipin nito, inuuka ng sea urchin ang bato kung saan ito magtatago. Pero nananatiling matalas ang mga ngipin nito kahit gamít na gamít sa pagbutas sa bato. “Di-hamak na mas mahusay iyan kaysa sa lahat ng ginagamit nating pamputol o panghasa,” ang sabi ni Pupa Gilbert, propesor ng pisika sa University of Wisconsin–Madison sa Estados Unidos. Ano kaya ang sekreto ng sea urchin?
Pag-isipan ito: Ang ngipin ng sea urchin ay binubuo ng dikit-dikit na kristal na parang sinemento sa tibay. Gayunman, “may partikular na mga bahagi ng ngipin kung saan ito napuputol,” ang sabi ni Gilbert. Dahil mahina ang mga bahaging ito—parang linya ng maliliit na butas sa selyo—madali itong maputol kapag mapurol na at lilitaw naman ang panibagong matalas na bahagi. Yamang ang ngipin ay patuloy na tumutubo sa isang dulo, at kusa namang natatanggal ang mapurol na bahagi sa kabilang dulo, nananatili itong matalas. Sinabi ni Gilbert na ang ngipin ng sea urchin ay “isa sa iilang bagay sa kalikasan na napananatiling matalas ang sarili nito.”
Ang pagkaalam kung paano nananatiling matalas ang ngipin ng sea urchin ay makatutulong nang malaki sa mga nagdidisenyo ng mga kasangkapang pamputol. Kung magagaya nila ito, makagagawa sila ng mga kagamitan na may paraan para kusang mapatalas ang sarili. “Nasa mekanismong ginagamit ng sea urchin ang susi,” ang sabi ni Gilbert.
Ano sa palagay mo? Nagkataon lang ba ang ngipin ng sea urchin na hindi pumupurol? O may nagdisenyo nito?
[Dayagram sa pahina 16]
(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)
Tumutubong ngipin
Calcareous plate
Matalas na ngipin
[Larawan sa pahina 16]
Sea urchin
[Larawan sa pahina 16]
Limang ngipin
[Picture Credit Line sa pahina 16]
Both photos: Courtesy of Pupa Gilbert/University of Wisconsin-Madison