Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Repaso Para sa Pamilya

Repaso Para sa Pamilya

Repaso Para sa Pamilya

Ano ang Pagkakaiba ng mga Larawan?

Alam mo ba kung ano ang tatlong pagkakaiba ng larawan A at B? Isulat sa ibaba ang iyong mga sagot. Kulayan ang mga larawan.

CLUE: Basahin ang Exodo 25:10-22.

1. ․․․․․

2. ․․․․․

3. ․․․․․

4. Aling larawan ang tama, ang A o ang B?

PARA SA TALAKAYAN:

Ano ang isinasagisag ng kaban ng tipan sa Israel?

CLUE: Basahin ang Exodo 25:22; Levitico 16:2.

Ano ang mas mahalaga kaysa sa presensiya ng Kaban?

CLUE: Basahin ang Josue 7:1-6, 11, 12.

Gaano kahalaga ang pagiging masunurin kung gusto mong mapasaya ang iyong mga magulang at si Jehova?

CLUE: Basahin ang 1 Samuel 15:22, 23; Efeso 6:1-3.

PARA SA PAMILYA:

Atasan ang bawat miyembro ng pamilya na magsaliksik tungkol sa kaban ng tipan. Pagkatapos, pag-usapan ang inyong nasaliksik. Halimbawa, anu-ano ang inilagay sa Kaban? Idrowing ang mga ito at pag-usapan ang kahalagahan ng mga ito.

CLUE: Basahin ang Hebreo 9:4.

Paano dapat buhatin ang Kaban? Ano ang nangyari nang hindi sundin ni David ang tagubilin ni Jehova hinggil sa pagbubuhat ng Kaban?

CLUE: Basahin ang Exodo 37:5; 1 Cronica 13:7, 9-14; 15:12-15.

Ipunin at Pag-aralan

Gupitin, tiklupin, at ingatan

BIBLE CARD 6 ABEL

MGA TANONG

A. Sino ang pumatay kay Abel?

B. Paano tinanggap ni Jehova si Abel at ang kaniyang hain?

C. Kumpletuhin. Ang trabaho ni Abel ay ․․․․․.

[Chart]

4026 B.C.E. Nilalang si Adan

Nabuhay noong mga 3900 B.C.E.

1 C.E.

98 C.E. Isinulat ang huling aklat ng Bibliya

[Mapa]

Namuhay sa labas ng hardin ng Eden

Hardin ng Eden?

ABEL

MAIKLING IMPORMASYON

Ang pangalawang anak na lalaki nina Adan at Eva at ang unang taong may pananampalataya na iniulat sa Bibliya. Gusto ni Abel na matuwa sa kaniya ang Diyos kaya naghandog siya ng haing magugustuhan ng Diyos. Bagaman walang mababasang pananalita ni Abel sa Bibliya, ang kaniyang halimbawa at pananampalataya ay huwaran para sa atin.​—Genesis 4:1-11; Hebreo 11:4.

MGA SAGOT

A. Ang kaniyang kapatid, si Cain.​—1 Juan 3:11, 12.

B. May “paglingap.”​—Genesis 4:4.

C. Pastol.​—Genesis 4:2.

Mga Tao at mga Lugar

5. Kami sina Dean, edad 10, at Jennifer, edad 7. Nakatira kami sa Australia. Mga ilang Saksi ni Jehova ang nakatira sa Australia? Ito ba ay 36,400, 63,400, o 93,400?

6. Bilugan ang marka kung saan kami nakatira. Markahan ang lugar kung saan ka nakatira, at tingnan kung gaano ka kalapit sa Australia.

A

B

C

D

Mga Bata, Hanapin ang Larawan

Saang mga pahina makikita ang mga larawang ito? Masasabi mo ba kung ano ang nangyayari sa bawat larawan?

● Nasa pahina 15 ang mga sagot sa “REPASO PARA SA PAMILYA”

MGA SAGOT SA PAHINA 30 AT 31

1. Nawawala ang mga pingga at argolya.

2. Ang pakpak ng mga kerubin ay dapat na nakaunat sa ibabaw ng takip.

3. Ang mukha ng mga kerubin ay dapat na nakaharap sa takip.

4. B.

5. 63,400.

6. C.