Maitataguyod ba ng Relihiyon ang Kapayapaan?
Maitataguyod ba ng Relihiyon ang Kapayapaan?
“PAGANDAHIN natin ang buhay sa daigdig. Alisin natin ang relihiyon.” Iyan ang rekomendasyon ng pilosopong Olandes na si Floris van den Berg sa kaniyang inilathalang lektyur na may pamagat na “Kung Paano Aalisin ang Relihiyon, at Kung Bakit.” Sa buong daigdig, itinataguyod din ng mga eksperto sa iba’t ibang larangan ng kaalaman ang pagpawi sa relihiyon.
“Kailangang tanggapin ng daigdig na ang matagal nang relihiyosong paniniwala ay ilusyon lang,” ang sinabi ng pisikong si Steven Weinberg na tumanggap ng Nobel Prize. Pinagsisigawan sa nakalipas na mga taon ang ideya na kung mawawala ang relihiyon, mababawasan nang malaki ang kasamaan sa daigdig. Naglitawan at naging popular ang mga aklat laban sa relihiyon.
Nagtipon ang mga kilalang siyentipiko para talakayin ang sinasabi nilang apurahang pangangailangan na pawiin ang relihiyon. Parami nang parami ang mga ateista na nagpapahayag sa media ng galit sa relihiyon. Tama kaya ang ginagawa ng nirerespetong mga pilosopong ito?
Tunay na Relihiyon?
Kung ang lahat ng relihiyon ay huwad at walang Diyos, parang tama nga na alisin ito. Pero paano kung may Diyos? Paano kung may isang grupo ng mga tao na talagang kumakatawan sa Diyos—isang tunay na relihiyon?
Kung masusing pag-aaralan ang kasaysayan ng relihiyon, makikita na may isang uri ng pagsamba na naiiba sa lahat ng relihiyon. Iilang tao lang ngayon ang namumuhay ayon sa ganitong uri ng pagsamba. Ang relihiyong ito ay itinatag ni Jesu-Kristo at ng kaniyang mga apostol. Pero hindi ito makikita sa Sangkakristiyanuhan sa loob ng maraming siglo.
Ano ang pagkakaiba ng tunay na relihiyon na itinatag ni Jesu-Kristo at ng Sangkakristiyanuhan? Marami. Tingnan natin ang isa sa mga ito.
“Hindi Bahagi ng Sanlibutang Ito”
Walang pinapanigan sa pulitika ang mga unang Kristiyano. Kaayon ito ng pagiging neutral ni Jesus mismo. Iniuulat ng Bibliya na sa di-kukulanging dalawang pagkakataon, mariing tinanggihan ni Jesus ang alok sa kaniya na maging tagapamahala. (Mateo 4:8-10; Juan 6:15) Sinaway pa nga ni Jesus ang mga alagad niya nang tangkain nilang gumamit ng karahasan para hindi siya maaresto.—Mateo 26:51, 52; Lucas 22:49-51; Juan 18:10, 11.
Nang magbangon ng espesipikong tanong ang Romanong gobernador ng Judea tungkol sa paratang na gustong maghari ni Jesus, sinabi ni Jesus: “Ang kaharian ko ay hindi bahagi ng sanlibutang ito. Kung ang kaharian ko ay bahagi ng sanlibutang ito, lumaban sana ang mga tagapaglingkod ko upang hindi ako maibigay sa mga Judio. Ngunit, ang totoo, ang kaharian ko ay hindi nagmumula rito.” (Juan 18:36) Maliwanag, hindi makikisangkot si Jesus sa pulitika at militar noong panahon niya.
Iyan din ang ginawa ng mga alagad ni Jesus. Ganito ang paliwanag ng isang pag-aaral tungkol sa papel ng relihiyon sa digmaan na tinipon ng grupo ng mananaliksik na binanggit sa naunang artikulo: “Ayaw ng mga unang Kristiyano ng karahasan. . . . Tumangging magsundalo at makipaglaban ang karamihan ng mga Kristiyano.” Idiniriin ng turo ni Jesus at ng kaniyang mga apostol ang pag-ibig sa kapuwa, pati na sa mga estranghero at hindi kalahi. (Gawa 10:34, 35; Santiago 3:17) Talagang naitataguyod ng relihiyong ito ang kapayapaan.
Nang bandang huli, ang orihinal na mga turo ng Kristiyanismo ay nabahiran ng pilosopiya, tradisyon, at nasyonalismo na naging sanhi ng pagkakawatak-watak ng mga tao. Sinabi pa ng nabanggit na pagsusuri tungkol sa matagal nang papel ng relihiyon sa digmaan: “Nang
makumberte ang [Romanong Emperador na si] Constantino, nasangkot sa militar ang mga Kristiyano—hindi na sila namuhay ayon sa maibiging turo ni Kristo, sa halip nangibabaw ang tunguhin ng Emperador sa pulitika at pananakop. Napilitang isangkalan ng mga Kristiyano, pati na ng Emperador ang relihiyon para ipagmatuwid ang digmaan.” Lumitaw ang huwad na Kristiyanismo.Isang ‘Naiibang’ Grupo
Tuluyan na bang nawala ang orihinal na Kristiyanismo? Hindi. May isang grupo ngayon na dapat isaalang-alang. Ang mga Saksi ni Jehova lang at wala nang iba pang relihiyosong grupo ang tumutulad sa unang mga Kristiyano. Wala silang kaugnayan sa alinmang relihiyon sa Sangkakristiyanuhan. Inilarawan sila ng The Encyclopedia of Religion na “naiiba” dahil ang lahat ng kanilang paniniwala ay hindi batay sa tradisyon kundi sa “awtoridad ng Bibliya.”
Gaya ng unang mga Kristiyano, ang mga Saksi ni Jehova ay walang pinapanigan sa pulitika. Sinabi ng pag-aaral na inilathala ng National Academy of Sciences ng Ukraine na sinisikap ng mga Saksi ni Jehova na hindi maapektuhan ng “pagkakaiba sa lahi, bansa, relihiyon, lipunan, at ekonomiya.” Sinabi pa nito na ang mga Saksi ni Jehova ay hindi sumasali sa “mga gawaing laban sa gobyerno,” at sila ay “masunurin sa batas ng kanilang bansa.”
Isinulat ng propesor na si Wojciech Modzelewski ng Warsaw University sa Poland, sa kaniyang aklat na Pacifism and Vicinity: “Ang mga Saksi ni Jehova ang pinakamalaking grupo sa daigdig sa ngayon na tumututol sa digmaan.” Dahil maingat nilang tinutularan ang unang-siglong mga Kristiyano, masasabi na matagumpay na naibalik ng mga Saksi ni Jehova ang uri ng pagsamba na itinatag noon ni Kristo at ng kaniyang mga apostol. Ito ang Kristiyanismo na talagang aakay sa kapayapaan.—Tingnan ang kahon sa kasunod na pahina.
Isang Magandang Kinabukasan
Sabihin pa, maraming relihiyoso—maging ang ilang lider ng relihiyon—ang namumuhi sa pagpapaimbabaw ng kanilang sariling relihiyon. Dapat papurihan ang maraming relihiyosong tao na lubusang nagtataguyod ng kapayapaan at pagkakaisa sa daigdig.
Pero gaano man sila kataimtim, limitado pa rin ang kakayahan ng tao na lutasin ang mga problema sa daigdig. Isinulat ng sinaunang propetang si Jeremias: “Ang lakad ng makalupang tao ay hindi sa kaniyang sarili. Hindi sa taong lumalakad ang magtuwid man lamang ng kaniyang hakbang.”—Jeremias 10:23.
Pero may isang magandang kinabukasan. Itinuturo ng Salita ng Diyos na isang mapayapang bagong lipunan ng tao ang itatatag sa lupa. Ang bagong lipunang ito ay magiging isang pamilya na nagkakaisa. Payapang mamumuhay ang lahat ng lahi, hindi na magkakabaha-bahagi ang mga tao dahil sa teritoryo, pagkamuhi sa ibang lahi, at relihiyosong mga paniniwala. Ang tanging magbubuklod sa kanila ay ang dalisay na pagsamba sa Diyos na Jehova.
Mateo 12:25) Titiyakin ng Diyos na balang-araw, ang mga salitang ito ay matutupad sa lahat ng huwad na relihiyon.
Inihula rin ng Bibliya ang pagbagsak ng relihiyon na lumalapastangan sa Diyos. Sinabi ni Jesus: “Bawat kaharian na nababahagi laban sa kaniyang sarili ay sumasapit sa pagkatiwangwang, at bawat lunsod o sambahayan na nababahagi laban sa kaniyang sarili ay hindi tatayo.” (Matagal nang inihula ng Bibliya na ang Diyos ay “maggagawad ng kahatulan sa gitna ng mga bansa at magtutuwid ng mga bagay-bagay.” Sinasabi rin sa hulang ito na “pupukpukin [ng mga tao] ang kanilang mga tabak upang maging mga sudsod at ang kanilang mga sibat upang maging mga karit na pampungos. Ang bansa ay hindi magtataas ng tabak laban sa bansa, ni mag-aaral pa man sila ng pakikipagdigma.” (Isaias 2:4) Natutupad na ang hulang ito ngayon. Ang tunay na relihiyon, na makikita sa pamumuhay ng mga Saksi ni Jehova, ay nagtataguyod na ng kapayapaan.
[Blurb sa pahina 8]
Ang mga Saksi ni Jehova ay pinagbubuklod ng pag-ibig
[Kahon sa pahina 9]
Bakit Naiiba ang mga Saksi ni Jehova?
Maraming tao ang nagugulat kapag nalaman nilang ibang-iba ang mga Saksi ni Jehova sa lahat ng relihiyon na nag-aangking sumusunod kay Kristo. Narito ang ilan sa mga dahilan kung bakit naiiba ang mga Saksi ni Jehova:
KAAYUSAN
● Wala silang klero.
● Walang suweldo ang kanilang mga elder, guro, at misyonero.
● Wala silang ikapu at walang nangongolekta ng pera sa kanilang mga lugar ng pagsamba, na tinatawag na Kingdom Hall.
● Ang lahat ng kanilang gawain ay sinusuportahan ng donasyon ng mga taong hindi na nagpapakilala.
● Wala silang pinapanigan sa pulitika.
● Itinataguyod nila ang kapayapaan at hindi sila nakikibahagi sa digmaan.
● Sa buong daigdig, iisa ang kanilang paniniwala at salig ito sa Bibliya, at nagkakaisa sila sa kanilang pananampalataya.
● Hindi sila nababaha-bahagi dahil sa estado sa lipunan at lahi.
● Hindi sila nauugnay sa ibang relihiyon, Katoliko man, Ortodokso, o Protestante.
DOKTRINA
● Naniniwala sila na may isa lamang tunay na Diyos, na ang pangalan ay Jehova.
● Hindi sila naniniwala na si Jesu-Kristo ang Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat at sa doktrina ng Trinidad.
● Sinusunod nila ang turo ni Jesus at kinikilala siya bilang ang Anak ng Diyos.
● Hindi sila sumasamba sa krus, ni gumagamit man sila ng mga idolo sa pagsamba.
● Hindi sila naniniwala sa maapoy na impiyerno kung saan napupunta ang lahat ng masasamang tao pagkamatay.
● Naniniwala silang pagpapalain ng Diyos ang masunuring sangkatauhan ng sakdal at walang-hanggang buhay sa paraisong lupa.
Naniniwala ang mga Saksi ni Jehova na matagumpay nilang naibalik ang unang-siglong Kristiyanismo, ang Kristiyanismo na sinunod ng mga apostol ni Jesus.
[Larawan sa pahina 8]
Isang Serb, Bosnian, at Croatian