May Nagdisenyo Ba Nito?
Tuka ng Pusit
◼ Takang-taka ang mga siyentipiko sa tuka, o panga, ng pusit. Iniisip nila: ‘Paano mangyayaring ang isang bagay na napakatigas ay nakakabit sa bahagi ng katawan na walang buto? Hindi kaya masaktan ang pusit sa gayong kombinasyon ng mga materyales?’
Pag-isipan: Ang dulo ng tuka ng pusit ay matigas, samantalang malambot ang pinakapuno nito. Ang densidad ng tuka—na binubuo ng chitin, tubig, at protina—ay unti-unting nagbabago mula matigas hanggang malambot kaya hindi nasasaktan ang pusit kapag ginagamit nito ang kaniyang tuka.
Sinabi ni Propesor Frank Zok ng University of California na sa pag-aaral sa tuka ng pusit, “mababago ang pananaw ng mga inhinyero tungkol sa kombinasyon ng mga materyales na maaaring pagkabit-kabitin para gamitin sa iba’t ibang larangan.” Ang isang puwedeng makinabang dito ay ang mga nagdidisenyo ng artipisyal na mga braso at binti. Naisip ni Ali Miserez, isang mananaliksik sa unibersidad ding iyon, na posibleng “gumawa ng artipisyal na braso at binti na ang komposisyon ay kagaya ng sa tuka ng pusit, na ang isang bahagi ay nababanat na gaya ng murang buto at, ang kabila naman,” ay gawa sa “materyal na napakatigas at hindi nagagasgas.”
Ano sa palagay mo? Nagkataon lamang ba ang pagbabago ng densidad ng tuka ng pusit mula dulo hanggang sa pinakapuno nito? O may nagdisenyo nito?
[Picture Credit Lines sa pahina 9]
© Bob Cranston/SeaPics.com
© Richard Herrmann/SeaPics.com