Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Isang Aklat Para sa Lahat ng Tao

Isang Aklat Para sa Lahat ng Tao

Isang Aklat Para sa Lahat ng Tao

Sa palagay mo, ano kayang aklat ang tinutukoy ng pamagat? Isang babae na taga-Colorado, E.U.A., ang nakatanggap ng brosyur na Isang Aklat Para sa Lahat ng Tao. Ipinaliliwanag ng brosyur na ito kung ano ang nilalaman ng Bibliya at kung bakit mahalagang basahin ng lahat ng tao ngayon ang aklat na ito. Ganito ang isinulat niya sa maikli para magpasalamat dahil sa natanggap niyang brosyur:

“Nasiyahan ako sa pagbabasa. Hindi ko ito maibaba hanggang sa matapos ko ito. Ipinakita nito kung bakit namumukod-tangi ang Salita ng Diyos at kung paano nagkakasuwato ang Bibliya at ang siyensiya. Tinalakay rin sa brosyur kung paano naisalin ang Bibliya para mabasa ito ng lahat ng tao at kung paano ito naingatan hanggang sa ngayon.”

Oo, ang Bibliya ang pinakanatatanging aklat na naisulat kailanman. Mas maraming kopya nito ang naipamahagi kaysa sa alinmang aklat sa kasaysayan. Bagaman mga 2,000 taon na ang nakararaan nang matapos isulat ang Bibliya, tumpak ito ayon sa siyensiya at praktikal pa rin ang mga turo nito hanggang sa ngayon.

Makahihiling ka ng isang kopya ng brosyur na ito na may 32 pahina. Punan lamang ang kalakip na kupon at ihulog ito sa koreo sa adres na nasa kupon o sa isang angkop na adres na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.

□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng brosyur na ipinakikita rito.

□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.