Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Kabataang Naghahanap ng mga Kasagutan

Mga Kabataang Naghahanap ng mga Kasagutan

Mga Kabataang Naghahanap ng mga Kasagutan

Nang idaos ang ika-17 Catholic World Youth Day sa Toronto, Canada, noong 2002, daan-daang libo katao mula sa iba’t ibang bansa ang dumating. Bagaman hindi kasali sa okasyong iyon ang mga Saksi ni Jehova, pinanabikan nila ang pagdagsa ng maraming kabataan sa lunsod. Paano nila pinaghandaan ito? Taglay ang saloobin ng unang-siglong mga Kristiyano, sinamantala nila ang pagkakataong iyon na makipag-usap sa mga kabataan tungkol sa Kasulatan.​—Gawa 16:12, 13.

Pinuri ng mga Saksi ang mga kabataang ito dahil sa kanilang interes sa espirituwal na mga bagay. Umakay ito sa maraming palakaibigang pag-uusap tungkol sa Kasulatan. Nang tanungin ng isang Saksi ang isang kabataang babae kung ang mga kaganapan ba sa World Youth Day ay kasuwato ng kaniyang inaasahan, ganito ang tugon niya: “Buweno, hanggang sa sandaling ito ay puro musika at sayawan lamang, pero wala namang nakapagpapatibay sa aking pananampalataya.”

Pagkatapos ay inialok ng Saksi sa kabataang babae ang brosyur na Isang Aklat Para sa Lahat ng Tao, anupat ipinaliliwanag na sinasagot nito ang maraming tanong ng mga tao hinggil sa Bibliya, gaya ng, “Ito kaya ay talagang Salita ng Diyos?” at “Paano natin malalaman na hindi ito nagbago mula nang una itong isulat?”

Sumagot ang kabataang babae: “Iyan ang mga tanong na gumugulo sa akin ngayon. Kailangang masagot ang aking mga tanong. Gusto kong basahin ito kaagad. Ito na siguro ang pinakamagandang resulta ng paglalakbay na ito.”

Isa lamang ito sa maraming halimbawa ng pakikipag-usap ng mga Saksi sa mga delegado sa Catholic World Youth Day. Kung gusto mong tumanggap ng 32-pahinang brosyur na Isang Aklat Para sa Lahat ng Tao, punan lamang ang kalakip na kupon at ihulog ito sa koreo sa adres na ipinakita sa kupon o sa isang angkop na adres na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.

□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng brosyur na Isang Aklat Para sa Lahat ng Tao.

□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.