“Nakilala Kong Muli ang Isang Nakalimutang Jesus”
“Nakilala Kong Muli ang Isang Nakalimutang Jesus”
Pagkatapos mabasa ang aklat na Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman, isang babae mula sa Saint-Jérôme, Quebec, Canada, ang sumulat: “Talagang tuwang-tuwa ako na nakilala kong muli ang isang nakalimutang Jesus, na kadalasang iginuguhit ng mga pintor sa isang di-makatotohanang paraan.”
Ganito ang sinabi ng babae tungkol sa mga larawan sa aklat: “Lubha akong humanga sa mga drowing sa inyong aklat. Para sa akin ang mga tauhan ay waring totoo at tumpak ang pagkakalarawan, tulad niyaong mga nabuhay noong panahong nabubuhay at nangangaral si Jesus.” Ganito ang konklusyon niya: “Binabati ko kayo sa paghahanda ng aklat na ito. Isa itong kompas na pumapatnubay sa mga naghahangad na matuto nang higit tungkol sa katotohanang itinuro ni Jesus.”
Sinisikap ng aklat na Pinakadakilang Tao na ipakita ang bawat pangyayari sa makalupang buhay ni Jesus na binabanggit sa apat na Ebanghelyo, pati na ang mga pahayag niya at ang kaniyang mga ilustrasyon at mga himala. Hangga’t posibleng gawin, ang lahat ay sunud-sunod ayon sa pinaniniwalaang panahon na naganap ito. At, gaya ng binanggit sa itaas, itinatampok ng aklat ang maganda at tumpak na pagkakalarawan ng mga ilustrasyon na dinisenyo upang maipadama ang mga naranasan ni Jesus at ng kaniyang mga kapanahon.
Kung interesado kang tumanggap ng isang kopya ng 448-pahinang aklat na ito, pakisuyong punan ang kalakip na kupon at ihulog ito sa koreo sa adres na inilaan o sa isang angkop na adres sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng aklat na Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman.
□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.