Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mula sa Aming mga Mambabasa

Mula sa Aming mga Mambabasa

Mula sa Aming mga Mambabasa

Kaligtasan sa Trabaho Salamat sa seryeng itinampok sa pabalat na “Gaano Ka Kaligtas sa Trabaho?” (Pebrero 22, 2002) Isang napakaigting na kalagayan ang nangyari sa aming trabaho isang araw bago ko nabasa ang artikulo. Sa palagay ko ang pagsagot nang mahinahon, gaya ng iminungkahi sa inyong magasin, ang pinakamabuting payo. Ang impormasyon tungkol sa panganib ng pagtatrabaho nang maaga at gabing-gabi na ay tama rin naman. Kamakalawa lamang, ginipit ako na tanggapin ang gayong trabaho, subalit tinanggihan ko iyon. Nang mabasa ko ang magasin, tuwang-tuwa ako na gayon ang aking ginawa!

M. H., Hapon

Ang mga Kabataan ay Nagtatanong Katatapos ko pa lamang basahin ang artikulong “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Paano Kung Makatagpo Ako ng Isang Kaeskuwela Habang Ako’y Nangangaral?” (Pebrero 22, 2002) Bilang isang estudyante sa haiskul at isang buong-panahong ebanghelisador, malimit ko ring madama ang nadarama ni Simon, na sinipi sa artikulo. Umaasa rin ako na huwag sana akong makatagpo ng kaeskuwela ko sa ministeryo. Ang napakahusay na artikulong ito ay isang paalaala mula kay Jehova. Pinasasalamatan ko siya para rito.

S. S., Estados Unidos

Ako po ay 14 na taong gulang, at takot ako noon na makatagpo ng mga kaeskuwela sa teritoryo kung saan ako nangangaral. Naaliw akong malaman na tinutulungan ako ni Jehova kapag tumitimbre ako sa pinto. Pinalakas ako ng artikulo.

M. L., Italya

Chewing Gum Salamat sa artikulong “Chewing Gum​—Makabago Subalit Sinauna.” (Pebrero 22, 2002) Gustung-gusto ko ang chewing gum, subalit sa tuwing ngumunguya ako nito, nalululon ko ito nang di-sinasadya. Binabalaan ako ng artikulong ito na huwag lulunin ang gum. Susundin ko ang inyong payo!

K. B., Thailand

Masai Maraming salamat sa artikulong “Mga Masai​—Kakaiba at Makulay na mga Tao.” (Pebrero 22, 2002) Hinahangad kong pasyalan ang Kenya sapol noong ako’y bata pa, at ito pa rin ang nadarama ko. Bagaman marami na akong sinaliksik tungkol sa mga kaugalian at tradisyon ng mga Masai, hindi ko natanto na may ilang Saksi ni Jehova sa kanila. Ako ngayon ay isa nang buong-panahong ebanghelisador, at inaasam-asam ko na makadalo balang araw sa isang kombensiyon sa Kenya. Pakisuyo na patuloy kayong maglathala ng impormasyon tungkol sa Aprika.

Y. H., Hapon

Mga Lampasot Ako po ay 14 na taong gulang, at gusto ko kayong pasalamatan nang labis para sa artikulong “Paghahanap sa mga Lampasot sa New Zealand.” (Enero 8, 2002) Naantig nang husto ng artikulong ito ang aking damdamin. Napakahusay ng impormasyon at ipinakikita nito kung gaano kagila-gilalas ang kapangyarihan ni Jehova para makalikha siya ng gayong kamangha-mangha at matatalinong nilalang. Yamang paborito kong hayop ang mga lampasot, inaasam ko ang pagdating ng panahon kapag maaari ko nang makilala nang higit ang mga ito sa bagong sanlibutan ng Diyos.

A. C., Australia

Ako po ay 15 taong gulang, at talagang mahilig ako sa mga hayop. Lalo na akong interesado sa mga lampasot, na napakagandang lumangoy. Pagkabasa ko ng artikulong ito, nagpasalamat ako sa Diyos na Jehova. Ibig kong pangalagaan ang kalikasan at ang mga hayop na kaniyang nilikha.

A. N., Hapon

Mga Sagot ng Patnugot Dapat ko kayong papurihan sa inyong mga sagot sa mga sulat na paminsan-minsan ay lumilitaw sa “Mula sa Aming mga Mambabasa.” Kilala ang patnugot ng aming lokal na pahayagan dahil sa kaniyang tahasan, magaspang, at mapang-uyam na pagsagot sa mga sumusulat sa amin, kahit na may pagkakamali ang pahayagan. Nakatutuwang makakita ng mga sagot mula sa mga patnugot ng Gumising! na nagpapamalas ng timbang na dignidad sa magasin at konsiderasyon sa mambabasa.

K. W., Estados Unidos