Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Alam Mo Ba?

Alam Mo Ba?

Alam Mo Ba?

(Ang mga sagot sa maikling pagsusulit na ito ay masusumpungan sa binanggit na mga teksto sa Bibliya, at ang buong talaan ng mga sagot ay nasa pahina 22. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang publikasyong “Insight on the Scriptures,” na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.)

1. Sa panaginip ni Haring Nabucodonosor, ano ang sinabi ng anghel na ibibigay sa pagkalaki-laking punungkahoy na pinutol, at ano ang kahulugan nito? (Daniel 4:16)

2. Ano ang ibinigay ni Samson sa mga Filisteo sa piging ng kaniyang kasal na naging dahilan nang maglaon upang pumatay siya ng 30 Filisteo sa Askelon? (Hukom 14:12-19)

3. Dahil sa isang di-mababagong kautusan, sinong tagapamahala ng Babilonya ang napilitang ipahagis si Daniel sa yungib ng mga leon? (Daniel 6:9)

4. Ilang opisyal ng korte ang isinugo ni Haring Ahasuero upang dalhin sa harap niya si Reyna Vasti nang maipagmalaki niya ang kagandahan nito? (Esther 1:10)

5. Ayon kay Santiago, anong dalawang bagay ang nais ng Diyos sa “pagsamba na malinis at walang dungis”? (Santiago 1:27)

6. Kung ayaw lumaya ng isang aliping Hebreo sa kaniyang panginoon, ano ang hinihiling na gawin ng panginoon? (Exodo 21:6)

7. Sinong dalawang anak ng Rubenitang si Eliab ang sumuporta kay Kora sa kaniyang paghihimagsik laban kina Moises at Aaron? (Bilang 16:1-3)

8. Anong pagpapapangit sa balat ang ipinagbabawal sa mga Israelita? (Levitico 19:28)

9. Sino ang ina ni Haring Hezekias? (2 Hari 18:2; 2 Cronica 29:1)

10. Ayon kay Solomon, ano ang taglay ng “bawat pangyayari sa silong ng langit”? (Eclesiastes 3:1)

11. Ano ang iniutos ni Jehova na gawin ni Jeremias nang sunugin ni Haring Jehoiakim ang balumbon matapos marinig ang ilan sa mga pagtuligsang naroon? (Jeremias 36:27-32)

12. Sino ang kilala bilang kapuwa saserdote at dalubhasang tagakopya? (Nehemias 8:9)

13. Bakit tumutol ang mga anak na lalaki ni Jacob sa kahilingan ng kanilang ama na bumalik sa Ehipto para bumili ng karagdagan pang pagkain noong panahon ng taggutom? (Genesis 43:1-5)

14. Sa anong paraan na si Adan ay ginawa “ayon sa wangis ng Diyos”? (Genesis 5:1)

15. Anong napakabangong yerba ang binanggit ni Jesus bilang pagtukoy sa napakaistriktong ikapu ng mga Pariseo, na nagwawalang-bahala sa “mas mabibigat na bagay ng Kautusan”? (Mateo 23:23)

16. Paano sinubok ni Jeremias ang pagkamasunurin ng mga Recabita? (Jeremias 35:3-6)

17. Paano nilinlang ng sampung kapatid na lalaki ni Jose si Jacob upang ipalagay nitong pinatay ng isang mabangis na hayop si Jose? (Genesis 37:31-33)

18. Bagaman malamang na mas malaki ang ilan, sino ang pinakabantog na higanteng binanggit sa Bibliya? (1 Samuel 17:4)

19. Sa anong bundok namatay si Moises, matapos matanaw ang Lupang Pangako? (Deuteronomio 32:49, 50)

20. Ang tabernakulo at ang mga templo nang dakong huli ay nakaharap sa anong direksiyon? (Bilang 3:38)

Mga Sagot sa Maikling Pagsusulit

1. “Puso ng hayop.” Si Nabucodonosor ay masisiraan ng bait at gagawi na gaya ng isang hayop

2. Isang bugtong

3. Dario

4. Pito

5. “Alagaan ang mga ulila at mga babaing balo sa kanilang kapighatian, at ingatan ang sarili na walang batik mula sa sanlibutan.”

6. Ilalagay siya sa tapat ng pinto o ng poste ng pinto at ‘bubutasan ang kaniyang tainga sa pamamagitan ng balibol’

7. Datan at Abiram

8. Tato

9. Abias, o Abi sa maikli

10. “Takdang panahon”

11. Sumulat ng bago at mas mahabang balumbon

12. Ezra

13. Sinabi sa kanila ng tagapamahala sa Ehipto na hindi sila maaaring bumalik malibang kasama nila ang kanilang bunsong kapatid na si Benjamin

14. Nagtaglay siya ng mga kakayahang pangkaisipan at mga abilidad na lalong nakahihigit sa lahat ng iba pang mga nilalang sa lupa, gaya ng makadiyos na mga katangian at pamantayang moral

15. Yerbabuena

16. Naglagay siya ng alak sa harap nila at sinabihan silang inumin ito, na labag naman sa utos ng kanilang ninuno na huwag uminom nito

17. Isinawsaw nila ang mahabang guhit-guhit na kasuutan ni Jose sa dugo ng kambing at ibinigay ito kay Jacob

18. Goliat

19. Nebo

20. Silangan