Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Nakasumpong ng Kayamanan sa Silong ng Simbahan

Nakasumpong ng Kayamanan sa Silong ng Simbahan

Nakasumpong ng Kayamanan sa Silong ng Simbahan

Noong nakaraang taon, isang babae sa estado ng New York, E.U.A., ang nag-ulat na nakasumpong siya ng gayong kayamanan. Sa kaniyang liham na ipinatutungkol “Sa Sinumang Kinauukulan,” sumulat siya: “Nasumpungan ko ang maliit na aklat na ito sa silong ng isang lokal na simbahan, kaya iniuwi ko ito. Ito’y may pamagat na Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa.”

Ganito ang paliwanag ng babae: “Sa kasalukuyan, apat na kabanata pa ang kailangan kong basahin para matapos ko ang buong aklat sa ikalawang pagkakataon. Lubha itong kawili-wili anupat kailangan ko itong basahin sa ikalawang pagkakataon, at nang mas mabagal, upang matiyak na lubusan kong nauunawaan ang lahat. Mas marami akong natutuhan mula sa aklat na iyon kaysa sa natutuhan ko sa aking lokal na simbahan. At natutuhan ko ang mga bagay na hindi ko kailanman nalaman noon. Sana’y magkaroon pa ako ng mas maraming maliliit na aklat na katulad niyaon.”

Ang nasumpungang aklat ay inilathala ng mga Saksi ni Jehova 20 taon na ang nakalilipas, at mahigit na 81 milyong kopya nito ang inilimbag sa 112 wika. Bagaman hindi na ito inilalathala, masusumpungan mo ang mahalagang bahagi ng mensahe nito sa mga brosyur na pinamagatang Ano ang Layunin ng Buhay? Paano Mo Masusumpungan? at Talaga Bang Minamahal Tayo ng Diyos?

Makahihiling ka ng tig-iisang kopya ng 32-pahinang mga brosyur na ito kung pupunan mo ang kalakip na kupon at ihuhulog ito sa koreo sa direksiyong binanggit sa kupon o sa isang angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.

□ Interesado akong tumanggap ng tig-iisang kopya ng mga brosyur na Ano ang Layunin ng Buhay? Paano Mo Masusumpungan? at Talaga Bang Minamahal Tayo ng Diyos?

□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.