Isang “Makapangyarihang Maliit na Aklat”
Isang “Makapangyarihang Maliit na Aklat”
Nang iwan ng isang kabataang lalaki ang kaniyang trabaho sa isang bangko sa Chicago, Illinois, E.U.A., upang ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral, binigyan siya ng isang kapuwa empleado niya ng isang kopya ng aklat na Is There a Creator Who Cares About You? Nang maglaon tumanggap siya ng liham mula sa lalaki. Ganito ang isinulat niya:
‘Isa ngang makapangyarihang maliit na aklat ang ibinigay mo sa akin! Binasa ko ito nitong nakalipas na ilang linggo, at mayroon itong ilang lubhang malalim na mga argumento. Ako’y lalung-lalo nang interesado sa astronomikal at heolohikal na argumento ng paglalang bilang “isang sinadyang intelektuwal na gawa.” Nasumpungan ko rin na kapana-panabik ang mapuwersang pagdiriin sa Sermon sa Bundok.’
Bilang resulta ng pagbabasa sa Is There a Creator Who Cares About You? marami ang naudyukang mag-isip nang mas malalim hinggil sa pinagmulan gayundin sa layunin ng buhay. Mahalaga sa lahat, marami ang natulungan na magkaroon ng may-kabatirang mga konklusyon.
Makahihiling ka ng isang kopya ng aklat na ito na may 192 pahina kung pupunan mo ang kalakip na kupon at ihuhulog ito sa koreo sa direksiyon na inilaan sa kupon o sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng aklat na Is There a Creator Who Cares About You?
□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.
[Picture Credit Lines sa pahina 32]
Itaas: Courtesy of Anglo-Australian Observatory, photograph by David Malin; pabalat ng aklat: J. Hester and P. Scowen (AZ State Univ.), NASA