Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Malugod Kayong Tinatanggap sa “Mga Guro ng Salita ng Diyos” na Pandistritong Kombensiyon!

Malugod Kayong Tinatanggap sa “Mga Guro ng Salita ng Diyos” na Pandistritong Kombensiyon!

Malugod Kayong Tinatanggap sa “Mga Guro ng Salita ng Diyos” na Pandistritong Kombensiyon!

MILYUN-MILYON ANG DADALO sa daan-daang lokasyon sa buong daigdig. Sa Pilipinas pa lamang, 60 kombensiyon ang naka-iskedyul. Ang una ay idaraos sa Nobyembre 23-25, 2001 at ang huli ay sa Enero 11-13, 2002. Malamang na ang isa sa mga tatlong-araw na pagtitipong ito​—Biyernes hanggang Linggo​—ay nasa isang lunsod na malapit sa inyong tahanan.

Bawat araw, magsisimula ang programa sa pamamagitan ng musika sa ganap na 8:30 n.u. Ang diskurso ng pagtanggap sa Biyernes ay susundan ng mga pahayag salig sa mga tema ng Bibliya na “Ang Pagtuturo ng Kaharian ay Nagluluwal ng Mainam na Bunga,” “Napakikilos ng ‘Mariringal na mga Bagay ng Diyos,’” at “Makasumpong ng Kaluguran sa Katuwiran ni Jehova.” Ang pang-umagang sesyon ay magtatapos sa pinakatemang pahayag na “Lubusang Nasangkapan Bilang mga Guro ng Salita ng Diyos.”

Ang unang pahayag sa hapon, “Nilinis Bilang Isang Bayan Ukol sa Maiinam na Gawa,” ay susundan ng tatlong-bahaging simposyum na “Tinuturuan ang Ating Sarili Habang Tinuturuan ang Iba.” Idiriin nito ang kahalagahan ng pagsasagawa sa kung ano ang ipinangangaral ng isa may kaugnayan sa moralidad, personal na pag-aaral ng Bibliya, at pangangailangan na labanan ang mga pagsisikap ng Diyablo na iligaw tayo. Susunod ang pahayag na “Kamuhian ang Makasanlibutang Salot ng Pornograpya.” Pagkatapos, magwawakas ang programa para sa araw na iyon sa pamamagitan ng pagtalakay sa Isaias kabanata 60, na pinamagatang “Pinagaganda ni Jehova ang Kaniyang Bayan sa Pamamagitan ng Liwanag.”

Ang mga pahayag sa Sabado na “Pagkasumpong ng Kaginhawahan sa Ilalim ng Pamatok ni Kristo,” “Tularan ang Dakilang Guro,” at “Handa Ka Bang Maglingkod sa Iba?” ay magtutuon ng pansin sa pangangailangan na sundin ang halimbawa ni Kristo. Itatampok din sa Sabado ang dalawang simposyum na tig-isang oras na pinamagatang “Mga Ministro na sa Pamamagitan Nila ay Naging mga Mananampalataya ang Iba” at “Makinabang Nang Lalong Higit Mula sa Teokratikong Edukasyon.” Ang pang-umagang simposyum ay magbibigay ng mga mungkahi hinggil sa paggawa ng mga alagad, at ang presentasyon sa hapon ay magtatampok ng mga paraan kung paano tayo maaaring makinabang nang lalong higit sa pag-aaral ng Bibliya at pagdalo sa mga Kristiyanong pagpupulong. Ang pang-umagang programa ay magwawakas sa pamamagitan ng pagtalakay sa bautismo, at pagkatapos nito ay magkakaroon ng pagkakataon ang mga kuwalipikadong indibiduwal na mabautismuhan. Marami ang mananabik na marinig ang huling pahayag sa Sabado ng hapon, “Mga Bagong Paglalaan Para sa Ating Espirituwal na Pagsulong.”

Kalakip sa programa sa umaga ng Linggo ang tatlong-bahaging simposyum na tatalakay sa aklat ni Malakias at maglalaan ng mainam na pagkakapit sa mga situwasyon sa ating panahon. Ito’y susundan ng isang kumpleto-sa-kostiyum na drama hinggil sa paghihimagsik nina Kora, Datan, at Abiram laban sa bigay-Diyos na awtoridad ni Moises. Pagkatapos, isang pahayag ang magtatampok sa mensaheng ipinabatid sa drama. Bibigyang-pansin ng programa sa hapon ang pahayag pangmadla na pinamagatang “Sino ang mga Nagtuturo ng Katotohanan sa Lahat ng mga Bansa?”

Tiyak na kayo’y mapayayaman sa espirituwal na paraan sa pamamagitan ng pagiging naroroon sa buong tatlong araw. Para sa lugar ng kombensiyon na malapit sa inyong tahanan, makipag-ugnayan sa Kingdom Hall of Jehovah’s Witnesses sa inyong lugar o sumulat sa mga tagapaglathala ng magasing ito.