TIP SA PAG-AARAL
Maghanap ng Espirituwal na Hiyas na Magagamit Mo
Kapag nagbabasa ng Bibliya, makakahanap tayo ng espirituwal na hiyas kung magre-research tayo. Pero paano tayo mas makikinabang sa mga iyon?
Bigyang-pansin ang mga detalye sa mga ulat sa Bibliya. Halimbawa, alamin kung sino ang nagsulat nito, kung para kanino, at kung kailan ito isinulat. Ano ang sitwasyon noon, at ano ang mga nangyari bago at pagkatapos ng ulat?
Isipin ang mga puwede mong matutuhan gamit ang mga tanong na ito: ‘Ano ang nararamdaman ng mga karakter sa binabasa ko? Anong mga katangian ang ipinakita nila? Paano ko sila matutularan? O ano ang puwede kong gawin para hindi ako magkaroon ng di-magagandang katangian nila?’
Isabuhay ang mga natutuhan mo, puwedeng sa ministeryo o sa pakikitungo mo sa iba. Kung gagawin mo iyan, magkakaroon ka ng malalim na unawa gaya ng sinasabi sa Bibliya: “Ang lahat ng sumusunod sa mga utos niya ay may malalim na unawa.”—Awit 111:10.
-
Tip: Pansinin kung paano nakakatulong sa atin ang bahagi sa midweek meeting na Kayamanan Mula sa Salita ng Diyos para maisabuhay ang mga natututuhan natin. May mga tanong sa seksiyong ito na puwede nating itanong sa sarili. May mga punto at larawan din na puwede nating pag-isipan.