Iingatan Ka ng mga Karo at ng Isang Korona
“Mangyayari iyon—kung walang pagsalang diringgin ninyo ang tinig ni Jehova na inyong Diyos.”—ZAC. 6:15.
1, 2. Sa pagtatapos ng ikapitong pangitain ni Zacarias, ano ang sitwasyon ng mga Judio sa Jerusalem?
MARAMING tumatakbo sa isip ni propeta Zacarias habang papatapos ang ikapitong pangitain. Tiniyak ni Jehova na mananagot ang di-tapat na mga tao sa kanilang masasamang ginagawa. Siguradong napatibay rito si Zacarias. Pero wala pa ring nagbabago. Marami pa rin ang di-tapat at gumagawa ng masama, at hindi pa rin naipagpapatuloy ang pagtatayo ng templo ni Jehova sa Jerusalem. Bakit kaya agad na inihinto ng mga Judio ang kanilang bigay-Diyos na atas? Bumalik ba sila sa Jerusalem para sa pansariling interes?
2 Alam ni Zacarias na ang mga Judio na bumalik sa Jerusalem ay may pananampalataya. Ang kanilang “espiritu ay pinukaw ng tunay na Diyos” para iwan ang mga bahay nila at kabuhayan sa Babilonya. (Ezra 1:2, 3, 5) Iniwan nila ang lupaing kinalakhan nila at lumipat sa lugar na hindi pa nila nakikita kailanman. Tiyak na hindi sila magpapakahirap maglakbay nang 1,600 kilometro sa isang delikadong ruta kung hindi mahalaga sa kanila ang pagtatayo ng templo ni Jehova.
3, 4. Anong mga hamon ang napaharap sa mga Judio na bumalik sa Jerusalem?
Ezra 3:12) Kung kasama ka sa paglalakbay na iyon, ano kaya ang madarama mo pagkakita mo sa Jerusalem, ang bago mong tahanan? Malulungkot ka bang makita ang mga guho na tinubuan na ng mga damo? Ikukumpara mo ba sa malalaki at dobleng pader ng Babilonya ang wasak na mga pader ng Jerusalem, na dati ay may mga pintuang-daan at mga bantayan? Pero nagpakalakas-loob ang bayan. Nakita nila kung paano sila iningatang ligtas ni Jehova sa kanilang mahabang paglalakbay. Ang unang-una nilang ginawa pagkarating ay ang magtayo ng altar sa dating kinaroroonan ng templo, at nagsimula silang maghandog kay Jehova araw-araw. (Ezra 3:1, 2) Napakasigasig nila at mukhang walang makasisira ng kanilang loob.
3 Isip-isipin ang mahabang paglalakbay ng mga Judio. Tiyak na iniisip nila ang kanilang magiging bagong tahanan. Narinig nila ang mga kuwento tungkol sa kagandahan ng Jerusalem noon. Nakita ng pinakamatatanda sa kanila ang maluwalhating templo noon. (4 Bukod sa pagtatayo ng templo, kailangan ding itayong muli ng mga Israelita ang kanilang mga lunsod at bahay. Kailangan din nilang magtanim para may makain ang kanilang pamilya. (Ezra 2:70) Napakarami nilang kailangang gawin. Pero biglang nagkaroon ng matinding pagsalansang, na tumagal nang 15 taon. Naging matatag sila sa simula, pero pinanghinaan din sila ng loob. (Ezra 4:1-4) Nagkaroon ng isa pang matinding dagok noong 522 B.C.E., nang ipagbawal na ng hari ng Persia ang lahat ng pagtatayo sa Jerusalem. Ano na ang magiging kinabukasan ng lunsod?—Ezra 4:21-24.
5. Paano tinulungan ni Jehova ang kaniyang bayan na pinanghihinaan ng loob?
5 Alam ni Jehova ang kailangan ng kaniyang bayan. Binigyan ng Diyos si Zacarias ng huling pangitain para tiyakin sa mga Judio na mahal Niya sila at pinahahalagahan Niya ang lahat ng nagawa na nila, at nangangako Siyang poprotektahan sila kapag bumalik sila sa gawain. Tungkol sa pagtatayo ng templo, ipinangako ni Jehova: “Mangyayari iyon—kung walang pagsalang diringgin ninyo ang tinig ni Jehova na inyong Diyos.”—Zac. 6:15.
ISANG HUKBO NG MGA ANGHEL
6. (a) Paano nagsimula ang ikawalong pangitain ni Zacarias? (Tingnan ang larawan sa simula ng artikulo.) (b) Bakit iba-iba ang kulay ng mga kabayo?
6 Sa walong pangitain ni Zacarias, malamang na ang huli ang pinakanakapagpapatibay ng pananampalataya. (Basahin ang Zacarias 6:1-3.) Pag-isipan ito: “Lumalabas mula sa pagitan ng dalawang bundok . . . na tanso” ang apat na karo, na malamang ay handang makipagdigma. Iba-iba ang kulay ng mga kabayong humihila sa mga karo kung kaya madaling makita ang pagkakaiba ng mga nakasakay sa mga ito. Nagtanong si Zacarias: “Ano ang mga ito?” (Zac. 6:4) Gusto rin nating malaman, dahil apektado rin tayo ng pangitaing ito.
Ginagamit pa rin ni Jehova ang kaniyang mga anghel para protektahan at patibayin ang kaniyang bayan
7, 8. (a) Sa ano kumakatawan ang dalawang bundok? (b) Bakit gawa sa tanso ang mga bundok?
7 Sa Bibliya, ang mga bundok ay maaaring lumarawan sa mga kaharian, o gobyerno. Ang mga bundok sa ulat ni Zacarias ay katulad ng dalawang bundok na binanggit sa hula ni Daniel. Ang isa sa mga bundok ay kumakatawan sa walang-hanggang pamamahala ni Jehova sa uniberso. Ang isang bundok naman ay kumakatawan sa Mesiyanikong Kaharian na pinamamahalaan ni Jesus. (Dan. 2:35, 45) Nang maging Hari si Jesus noong 1914, pareho nang umiiral ang mga bundok na ito at gumaganap ng espesyal na papel para matupad ang kalooban ng Diyos sa lupa.
Ex. 27:1-3; 1 Hari 7:13-16) Kaya ipinaaalaala sa atin ng dalawang bundok na tanso na parehong mataas ang kalidad ng soberanya ni Jehova at ng Mesiyanikong Kaharian, na maglalaan ng katiwasayan at pagpapala sa lahat ng tao.
8 Bakit gawa sa tanso ang mga bundok? Tulad ng ginto, ang tanso ay isang makinang na metal na mataas ang halaga. Iniutos ni Jehova na gumamit ng tanso sa pagtatayo ng tabernakulo, at nang maglaon, sa pagtatayo ng templo sa Jerusalem. (9. Sino ang mga nakasakay sa mga karo? At ano ang kanilang misyon?
9 Balikan natin ang mga karo. Saan lumalarawan ang mga karo at ang mga sakay ng mga ito? Ang mga sakay ng mga karo ay mga anghel, malamang na mga grupo ng mga anghel. (Basahin ang Zacarias 6:5-8.) Lumalabas sila mula sa “harap ng Panginoon ng buong lupa” at mayroon silang espesyal na misyon. Ano iyon? Ang mga karo at ang mga nakasakay sa mga ito ay isinugo sa espesipikong mga teritoryo. Pananagutan nilang protektahan ang bayan ni Jehova, lalo na laban sa “lupain ng hilaga,” ang Babilonya. Titiyakin ni Jehova na hindi na muling aalipinin ng Babilonya ang kaniyang bayan. Siguradong napatibay rito ang mga nagtatayo ng templo noong panahon ni Zacarias! Hindi na sila mangangamba sa pakikialam ng mga kaaway.
10. Bakit nakapagpapatibay sa bayan ng Diyos ngayon ang hula ni Zacarias tungkol sa mga karo at sa mga sakay ng mga ito?
10 Gaya noong panahon ni Zacarias, ginagamit pa rin ni Jehova ng mga hukbo ang kaniyang mga anghel para protektahan at patibayin ang kaniyang bayan. (Mal. 3:6; Heb. 1:7, 14) Mula nang makalaya ang espirituwal na Israel sa pagkabihag sa Babilonyang Dakila noong 1919, hindi na mapigilan ang paglawak ng tunay na pagsamba sa kabila ng matinding pagsalansang. (Apoc. 18:4) Dahil sa proteksiyon ng mga anghel, sigurado tayong hindi na muling daranas ng espirituwal na paniniil ang organisasyon ni Jehova. (Awit 34:7) Sa halip, alam nating patuloy na susulong sa espirituwal ang mga lingkod ng Diyos sa buong mundo. Habang binubulay-bulay natin ang pangitain ni Zacarias, natitiyak nating ligtas tayo sa lilim ng dalawang bundok.
11. Bakit hindi tayo dapat matakot sa gagawing pagsalakay sa bayan ng Diyos?
11 Di-magtatagal, ang politikal na mga kapangyarihan sa sanlibutan ni Satanas ay bubuo ng isang koalisyon para puksain ang bayan ng Diyos. (Ezek. 38:2, 10-12; Dan. 11:40, 44, 45; Apoc. 19:19) Sa hula ni Ezekiel, sinasabi na ang mga puwersang ito ay tulad ng mga ulap na tatakip sa lupain at darating sakay ng mga kabayo habang galit na galit sa atin. (Ezek. 38:15, 16) * Dapat ba tayong matakot? Hinding-hindi! Nasa panig natin ang hukbo ng mga anghel. Sa kritikal na sandaling iyon ng malaking kapighatian, sama-samang darating ang mga anghel ni Jehova ng mga hukbo para protektahan ang bayan ng Diyos at puksain ang mga sumasalansang sa kaniyang soberanya. (2 Tes. 1:7, 8) Kapana-panabik nga ang araw na iyon! Pero sino ang mangunguna sa makalangit na hukbo ni Jehova?
KINORONAHAN NI JEHOVA ANG HINIRANG NIYANG HARI AT SASERDOTE
12, 13. (a) Ano ang iniutos kay Zacarias? (b) Ipaliwanag kung bakit kay Jesu-Kristo tumutukoy ang lalaking may pangalang Sibol.
12 Si Zacarias lang ang nakakita sa walong pangitain na iyon. Pero ngayon, nakibahagi siya sa isang hula na magpapatibay sa mga nagtatayong muli ng templo ng Diyos. (Basahin ang Zacarias 6:9-12.) Inutusan si Zacarias na mangolekta ng pilak at ginto mula kina Heldai, Tobias, at Jedaias—na kababalik lang mula sa Babilonya—at gumawa ng “isang maringal na korona” mula sa mga iyon. (Zac. 6:11) Ilalagay ba ang koronang ito sa ulo ni Gobernador Zerubabel, na mula sa tribo ni Juda at isang inapo ni David? Hindi. Siguradong nagtaka ang mga nakakita nang ilagay ni Zacarias ang korona sa ulo ng mataas na saserdoteng si Josue!
13 Naging hari ba ang mataas na saserdoteng si Josue dahil dito? Hindi. Hindi siya nagmula sa maharlikang angkan ni David kaya hindi siya kuwalipikadong maging hari. Makahula ang pagbibigay ng korona sa kaniya at lumalarawan ito sa isang walang-hanggang hari at saserdote sa hinaharap. Ang mataas na saserdote na ginawang hari ay may pangalang Sibol. Ipinakikita ng Kasulatan na ang Sibol na ito ay si Jesu-Kristo.—Isa. 11:1; Mat. 2:23. *
14. Ano ang gawain ni Jesus bilang Hari at Mataas na Saserdote?
14 Bilang Hari at Mataas na Saserdote, si Jesus ang lider ng makalangit na hukbo ni Jehova. Kaya ginagawa niya ang lahat para maging tiwasay ang bayan ng Diyos kahit nabubuhay sila sa malupit na mundong ito. (Jer. 23:5, 6) Sa malapit na hinaharap, pangungunahan ni Kristo ang pagdaig sa mga bansa bilang pagsuporta sa soberanya ng Diyos at ipagtatanggol niya ang bayan ni Jehova. (Apoc. 17:12-14; 19:11, 14, 15) Pero bago maglapat ng hatol, mayroon pang mahalagang gawain na gagampanan si Sibol.
ITATAYO NIYA ANG TEMPLO
15, 16. (a) Anong pagsasauli at pagdadalisay ang nagaganap sa panahon natin, at sino ang gumagawa nito? (b) Ano ang magiging resulta kapag nagwakas na ang Sanlibong Taóng Paghahari ni Kristo?
15 Bukod sa pagiging Hari at Mataas na Saserdote, inatasan din si Jesus na ‘itayo ang templo ni Jehova.’ (Basahin ang Zacarias 6:13.) Noong 1919, kasama sa gawaing pagtatayo ni Jesus ang pagpapalaya sa mga tunay na mananamba mula sa Babilonyang Dakila at ang pagsasauli sa kongregasyong Kristiyano. Nag-atas din siya ng “tapat at maingat na alipin” na mangunguna sa gawain sa makalupang bahagi ng dakilang espirituwal na templo. (Mat. 24:45) Abala rin si Jesus sa pagdadalisay sa bayan ng Diyos at sa pagtulong sa kanila na sumamba sa malinis na paraan.—Mal. 3:1-3.
16 Sa panahon ng Sanlibong Taóng Paghahari, pasasakdalin ni Jesus at ng 144,000 kasama niyang hari at saserdote ang tapat na mga tao. Kapag nangyari na iyon, tanging ang tunay na mga mananamba ng Diyos ang matitira sa nilinis na lupa. Sa wakas, lubusan nang maisasauli ang tunay na pagsamba!
MAKIBAHAGI SA PAGTATAYO
17. Ano ang sumunod na ipinangako ni Jehova sa mga Judio? At ano ang naging epekto sa kanila ng kaniyang mensahe?
17 Pero paano nakaapekto sa mga Judio noon ang mensahe ni Zacarias? Nagbigay si Jehova ng garantiya na tutulungan at poprotektahan niya sila hanggang sa matapos ang pagtatayo ng templo. Tiyak na nabuhayan sila ng pag-asa! Pero paano nila ito magagawa kung kaunti lang sila? Pinawi ng Zacarias 6:15.) Dahil alam nilang nasa likod nila ang Diyos, agad na kumilos ang mga Judio at ipinagpatuloy ang pagtatayo kahit may opisyal na pagbabawal. Di-nagtagal, inalis ni Jehova ang tulad-bundok na hadlang na iyon, at natapos ang templo noong 515 B.C.E. (Ezra 6:22; Zac. 4:6, 7) Pero ang pangakong ito ni Jehova ay may inilalarawang mas dakilang mga bagay na nangyayari sa ngayon.
sumunod na sinabi ni Zacarias ang anumang takot o pagdududa nila. Bukod sa suporta ng mga tapat, gaya nina Heldai, Tobias, at Jedaias, sinabi ng Diyos na marami pang iba ang “darating at magtatayo sa templo ni Jehova.” (Basahin ang18. Paano natutupad ang Zacarias 6:15 sa panahon natin?
18 Milyon-milyon ngayon ang sumasama sa tunay na pagsamba. Masaya nilang ibinabahagi ang kanilang “mahahalagang pag-aari”—ang kanilang panahon, lakas, at tinataglay—para suportahan ang dakilang espirituwal na templo ni Jehova. (Kaw. 3:9) Bakit tayo kumbinsido na pinahahalagahan ni Jehova ang ating tapat na pagsuporta? Tandaan na sina Heldai, Tobias, at Jedaias ang nagdala ng materyales na ginamit ni Zacarias sa paggawa ng korona. Ang koronang iyon ay nagsilbing “pinakaalaala” ng ginawa nila para sa tunay na pagsamba. (Zac. 6:14) Hindi rin kalilimutan ni Jehova ang gawa at pag-ibig na ipinakikita natin para sa kaniya. (Heb. 6:10) Mananatili ang mga iyon sa alaala ni Jehova—magpakailanman.
19. Ano ang dapat na maging epekto sa atin ng mga pangitain ni Zacarias?
19 Lahat ng naisakatuparan para sa tunay na pagsamba sa mga huling araw na ito ay katibayan ng pagpapala ni Jehova at ng pangunguna ni Kristo. Bahagi tayo ng isang matatag, tiwasay, at walang-hanggang organisasyon. Talagang “mangyayari” ang layunin ni Jehova para sa dalisay na pagsamba! Pahalagahan mo ang iyong lugar sa bayan ni Jehova, at ‘dinggin mo ang tinig ni Jehova na iyong Diyos.’ Kung gayon, mananatili ka sa proteksiyon ng ating Hari at Mataas na Saserdote at ng makalangit na hukbo na nakasakay sa mga karo. Lubusang makibahagi sa tunay na pagsamba sa abot ng iyong makakaya. Kung gagawin mo iyan, makatitiyak ka na iingatan ka ni Jehova sa natitirang bahagi ng sistemang ito—at magpakailanman!
^ par. 11 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang “Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa” sa Ang Bantayan, Mayo 15, 2015, p. 29-30.
^ par. 13 Ang salitang “Nazareno” ay galing sa pananalitang Hebreo para sa “sibol.”