ARALING ARTIKULO 11
Makinig sa Tinig ni Jehova
“Ito ang aking Anak . . . Makinig kayo sa kaniya.”—MAT. 17:5.
AWIT 89 Makinig at Sumunod Upang Pagpalain Ka
NILALAMAN *
1-2. (a) Paano nakikipag-usap si Jehova sa mga tao? (b) Ano ang tatalakayin natin sa artikulong ito?
GUSTONG-GUSTO ni Jehova na makipag-usap sa atin. Noon, ginagamit niya ang mga propeta, anghel, at ang kaniyang Anak na si Kristo Jesus para ipaalám sa atin ang kaniyang kaisipan. (Amos 3:7; Gal. 3:19; Apoc. 1:1) Pero sa ngayon, nakikipag-usap siya sa atin sa pamamagitan ng kaniyang Salita, ang Bibliya. Ibinigay niya ito para malaman at maunawaan natin ang kaniyang kaisipan at pagkilos.
2 Noong nasa lupa si Jesus, nagsalita si Jehova mula sa langit sa tatlong pagkakataon. Talakayin natin kung ano ang sinabi ni Jehova, kung ano ang matututuhan natin mula rito, at kung paano tayo makikinabang sa mga sinabi niya.
“IKAW ANG AKING ANAK, ANG MINAMAHAL”
3. Ayon sa Marcos 1:9-11, ano ang sinabi ni Jehova nang mabautismuhan si Jesus, at anong mahahalagang katotohanan ang ipinapakita ng mga salitang iyon?
3 Mababasa sa Marcos 1:9-11 ang unang pagkakataong nagsalita si Jehova mula sa langit. (Basahin.) Sinabi niya: “Ikaw ang aking Anak, ang minamahal; ikaw ay aking sinang-ayunan.” Siguradong naantig si Jesus nang marinig niyang mahal siya ng kaniyang Ama at nagtitiwala si Jehova sa kaniya. Tatlong mahahalagang katotohanan ang ipinapakita ng mga sinabi ni Jehova tungkol kay Jesus. Una, si Jesus ang kaniyang Anak. Ikalawa, mahal ni Jehova ang kaniyang Anak. At ikatlo, sinasang-ayunan ni Jehova ang kaniyang Anak. Isa-isa nating talakayin ang mga ito.
4. Ano ang naging bagong kaugnayan ni Jesus sa Diyos nang mabautismuhan siya?
4 “Ikaw ang aking Anak.” Sa pagsasabi nito, ipinakita ni Jehova na ang kaniyang minamahal na Anak na si Jesus ay nagkaroon Luc. 1:31-33; Heb. 1:8, 9; 2:17) Iyan ang dahilan kung bakit nang bautismuhan si Jesus, sinabi ng Ama: “Ikaw ang aking Anak.”—Luc. 3:22.
ng isang bagong kaugnayan sa kaniya. Noong nasa langit si Jesus, isa siyang espiritung anak ng Diyos. Pero nang mabautismuhan siya, pinahiran siya ng banal na espiritu. Nang pagkakataong iyon, ipinahiwatig ng Diyos na si Jesus, bilang kaniyang pinahirang Anak, ay may pag-asa na ngayong makabalik sa langit para maging inatasang Hari at Mataas na Saserdote. (5. Paano natin matutularan si Jehova sa pagpapakita ng pagmamahal at pagsang-ayon?
5 “Ikaw ang aking . . . minamahal.” Magandang halimbawa si Jehova sa pagpapakita ng pag-ibig at pagsang-ayon. Kaya dapat din tayong humanap ng pagkakataon para patibayin ang iba. (Juan 5:20) Nakakataba ng puso kapag pinagpapakitaan tayo ng pagmamahal at nabibigyan ng komendasyon ng isa na mahalaga sa atin. Totoo rin iyan sa mga kapatid natin sa kongregasyon at kapamilya; kailangan nila ng ating pag-ibig at pampatibay. Kapag kinokomendahan natin ang iba, tumitibay ang kanilang pananampalataya at natutulungan silang manatiling tapat sa paglilingkod kay Jehova. Lalo nang kailangan ng mga magulang na patibayin ang mga anak nila. Kapag taimtim na kinokomendahan ng mga magulang ang mga anak nila at ipinadarama ang kanilang pagmamahal, natutulungan nila ang mga ito na lumaking mahusay.
6. Bakit tayo makapagtitiwala kay Jesu-Kristo?
6 “Ikaw ay aking sinang-ayunan.” Ipinapakita nito na nagtitiwala si Jehova na gagawin ni Jesus ang kalooban ng kaniyang Ama. Buo ang tiwala ni Jehova sa Anak niya, kaya lubos din tayong makapagtitiwala na tutuparin ni Jesus ang lahat ng pangako ni Jehova. (2 Cor. ) Kapag pinag-iisipan natin ang halimbawa ni Jesus, lalo tayong nagiging determinado na matuto mula sa kaniya at matularan siya. Buo rin ang tiwala ni Jehova na patuloy na tutularan ng kaniyang mga lingkod, bilang isang grupo, ang kaniyang Anak.— 1:201 Ped. 2:21.
“MAKINIG KAYO SA KANIYA”
7. Ayon sa Mateo 17:1-5, kailan nagsalita si Jehova mula sa langit, at ano ang sinabi niya?
7 Basahin ang Mateo 17:1-5. Ang ikalawang pagkakataon na nagsalita si Jehova mula sa langit ay noong ‘magbagong-anyo’ si Jesus. Isinama ni Jesus sina Pedro, Santiago, at Juan sa isang mataas na bundok. Doon, nakita nila ang isang kamangha-manghang pangitain. Nagliliwanag ang mukha ni Jesus at nagniningning ang damit niya. Dalawang tao, na kumakatawan kina Moises at Elias, ang nakikipag-usap kay Jesus tungkol sa nalalapit niyang kamatayan at pagkabuhay-muli. “Nag-aagaw-tulog” ang tatlong apostol, pero gising na gising sila nang makita nila ang kahanga-hangang pangitaing ito. (Luc. 9:29-32) Sumunod, isang maliwanag na ulap ang lumilim sa kanila, at narinig nila ang isang tinig mula sa ulap—ang tinig ng Diyos! Gaya noong bautismuhan si Jesus, ipinahayag ni Jehova ang kaniyang pagsang-ayon at pag-ibig sa Anak niya. Sinabi niya: “Ito ang aking Anak, ang minamahal, na aking sinang-ayunan.” Pero idinagdag pa ni Jehova: “Makinig kayo sa kaniya.”
8. Ano ang epekto ng pangitain kay Jesus at sa mga alagad?
8 Ipinakita ng pangitain ang tatanggaping kaluwalhatian at kapangyarihan ni Jesus kapag Hari na siya sa Kaharian ng Diyos. Tiyak na napatibay at napalakas si Kristo na maharap ang pagdurusa at masakit na kamatayang naghihintay sa kaniya. Napatibay rin ng pangitaing ito ang pananampalataya ng mga alagad, at naihanda sila nito sa darating na mga pagsubok at sa malaking gawaing isasagawa nila. Pagkalipas ng mga 30 taon, muling binanggit ni apostol Pedro ang pangitain ng pagbabagong-anyo, na nagpapakitang malinaw pa sa isip niya ang pangitaing iyon.—2 Ped. 1:16-18.
9. Anong magagandang payo ang ibinigay ni Jesus sa mga alagad niya?
9 “Makinig kayo sa kaniya.” Malinaw na ipinakita ni Jehova na gusto niyang makinig tayo at sumunod sa kaniyang Anak. Ano ba ang mga sinabi ni Jesus noong nasa lupa siya? Marami siyang mahahalagang sinabi! Halimbawa, itinuro niya sa kaniyang mga tagasunod kung paano ipangangaral ang mabuting balita, at paulit-ulit niya silang pinaalalahanan na patuloy na magbantay. (Mat. 24:42; 28:19, 20) Pinasigla rin niya sila na gawin ang buo nilang makakaya at huwag sumuko. (Luc. 13:24) Idiniin ni Jesus na kailangan ng kaniyang mga tagasunod na ibigin ang isa’t isa, manatiling nagkakaisa, at sundin ang mga utos niya. (Juan 15:10, 12, 13) Magagandang payo nga ang ibinigay ni Jesus sa mga alagad niya! At hindi pa rin kumukupas ang mga payong iyan hanggang sa panahon natin.
10-11. Paano natin maipapakitang nakikinig tayo kay Jesus?
10 Sinabi ni Jesus: “Bawat isa na nasa panig ng katotohanan ay nakikinig sa aking tinig.” (Juan 18:37) Ipinapakita nating nakikinig tayo sa tinig niya kung ‘patuloy nating pinagtitiisan ang isa’t isa at lubusang pinatatawad ang isa’t isa.’ (Col. 3:13; Luc. 17:3, 4) Nakikinig din tayo sa tinig niya kung masigasig tayong nangangaral ng mabuting balita “sa kaayaayang kapanahunan [at] sa maligalig na kapanahunan.”—2 Tim. 4:2.
11 Sinabi ni Jesus: “Ang aking mga tupa ay nakikinig sa aking tinig.” (Juan 10:27) Nakikinig ang mga tagasunod ni Jesus sa tinig niya kung nagbibigay-pansin sila sa sinasabi niya at sinusunod ito. Hindi sila nagpapadala sa “mga kabalisahan sa buhay.” (Luc. 21:34) Sa halip, inuuna nila sa kanilang buhay ang pagsunod sa mga utos ni Jesus, kahit sa mahihirap na kalagayan. Marami sa ating mga kapatid ang nagtitiis sa harap ng mahihirap na pagsubok, gaya ng pag-uusig, matinding kahirapan, at likas na mga sakuna. Sa kabila ng lahat ng ito, nananatili silang tapat kay Jehova. Kaya tinitiyak sa kanila ni Jesus: “Siya na nagtataglay ng aking mga utos at tumutupad sa mga iyon, ang isang iyon ang siyang umiibig sa akin. Siya naman na umiibig sa akin ay iibigin ng aking Ama.”—Juan 14:21.
12. Ano ang isa pang paraan para maipakita nating nakikinig tayo kay Jesus?
12 Ang isa pang paraan para maipakitang nakikinig tayo kay Jesus ay ang pakikipagtulungan sa mga inatasan niyang manguna sa atin. (Heb. 13:7, 17) Maraming pagbabago ang ginawa ng organisasyon ng Diyos sa nakalipas na mga taon, gaya ng sumusunod: mga tool at paraan sa pangangaral, format ng pulong sa gitnang sanlinggo, at paraan ng pagtatayo, pagre-renovate, at pagmamantini ng ating mga Kingdom Hall. Ipinagpapasalamat natin ang tinatanggap nating maibiging patnubay na pinag-isipang mabuti! Makatitiyak tayo na pagpapalain tayo ni Jehova kung susundin natin ang napapanahong mga tagubilin ng organisasyon.
13. Ano ang mga pakinabang ng pakikinig kay Jesus?
13 Nakikinabang tayo sa pakikinig sa lahat ng turo ni Jesus. Tiniyak ni Jesus sa kaniyang mga alagad na nakapagpapaginhawa ang mga ito. “Masusumpungan ninyo ang kaginhawahan ng inyong mga kaluluwa,” ang sabi niya. “Sapagkat ang aking pamatok ay may-kabaitan at ang aking pasan ay magaan.” (Mat. 11:28-30) Ang Salita ng Diyos, kung saan mababasa ang apat na Ebanghelyo tungkol sa buhay at ministeryo ni Jesus, ay nakapagpapaginhawa, nakapagpapalakas ng espirituwalidad, at nakapagpaparunong. (Awit 19:7; 23:3) Sinabi ni Jesus: “Maligaya yaong mga nakikinig sa salita ng Diyos at tumutupad nito!”—Luc. 11:28.
‘LULUWALHATIIN KO ANG AKING PANGALAN’
14-15. (a) Ayon sa Juan 12:27, 28, kailan nagsalita si Jehova mula sa langit sa ikatlong pagkakataon? (b) Paano napanatag at napalakas si Jesus sa mga sinabi ni Jehova?
14 Basahin ang Juan 12:27, 28. Mababasa sa Ebanghelyo ni Juan ang ikatlong pagkakataon na nagsalita si Jehova mula sa langit. Mga ilang araw bago siya mamatay, nasa Jerusalem si Jesus para ipagdiwang ang kaniyang huling Paskuwa. “Nababagabag ang aking kaluluwa,” ang sabi niya. At nanalangin siya: “Ama, luwalhatiin mo ang iyong pangalan.” Sumagot ang kaniyang Ama mula sa langit: “Kapuwa ko ito niluwalhati at luluwalhatiing muli.”
15 Nababagabag si Jesus dahil malaki ang nakasalalay sa pananatili niyang tapat kay Jehova. Alam niyang malapit na siyang dumanas ng panghahagupit at malupit na kamatayan. (Mat. 26:38) Pero higit sa lahat, mas iniisip niya ang pagluwalhati sa pangalan ng kaniyang Ama. Pinaratangan ng pamumusong si Jesus, at nag-aalala siya na baka masira ang reputasyon ng Diyos dahil sa kamatayan niya. Talagang napatibay si Jesus sa sinabi ni Jehova! Makatitiyak siya na maluluwalhati ang pangalan ni Jehova. Siguradong napanatag si Jesus dahil sa sinabi ng kaniyang Ama at napalakas siya nito na harapin ang darating na paghihirap. Si Jesus lang ang nakaunawa sa sinabi noon ng kaniyang Ama, pero tiniyak ni Jehova na maisulat ang mga sinabi niya para sa kapakinabangan nating lahat.—Juan 12:29, 30.
16. Bakit nag-aalala tayo kung minsan na baka masira ang pangalan ng Diyos?
16 Gaya ni Jesus, baka nag-aalala rin tayo na masira ang pangalan ni Jehova. Baka biktima rin tayo ng kawalang-katarungan tulad ni Jesus. O baka nababagabag tayo dahil sa mga kasinungalingang ikinakalat ng mga laban sa atin. Fil. 4:6, 7) Laging luluwalhatiin ni Jehova ang kaniyang pangalan. Sa pamamagitan ng Kaharian, buburahin niya ang lahat ng pinsala na idinulot ni Satanas at ng sanlibutan sa tapat na mga lingkod Niya.—Awit 94:22, 23; Isa. 65:17.
Posibleng nag-aalala tayo sa masamang idudulot nito sa pangalan ni Jehova at sa kaniyang organisasyon. Sa ganitong mga pagkakataon, mapapatibay tayo ng sinabi ni Jehova. Hindi natin kailangang labis na mag-alala. Makatitiyak tayo na “ang kapayapaan ng Diyos na nakahihigit sa lahat ng kaisipan ay magbabantay sa [ating] mga puso at sa [ating] mga kakayahang pangkaisipan sa pamamagitan ni Kristo Jesus.” (MAKINABANG SA TINIG NI JEHOVA SA NGAYON
17. Paano tayo kinakausap ngayon ni Jehova, gaya ng sinasabi sa Isaias 30:21?
17 Kinakausap pa rin tayo ni Jehova sa ngayon. (Basahin ang Isaias 30:21.) Totoo, hindi natin naririnig na nagsasalita ang Diyos mula sa langit. Pero binibigyan niya tayo ng tagubilin sa pamamagitan ng kaniyang nasusulat na Salita, ang Bibliya. Bukod diyan, pinakikilos din ng espiritu ni Jehova ang kaniyang “tapat na katiwala” para maglaan ng pagkain sa kaniyang mga lingkod. (Luc. 12:42) Busog na busog tayo sa espirituwal na pagkaing tinatanggap natin—ito man ay nakaimprenta, makikita online, o nasa video at audio format.
18. Paano ka napapatibay at nabibigyan ng lakas ng loob ng mga sinabi ni Jehova?
18 Huwag nating kalilimutan ang mga sinabi ni Jehova noong narito pa sa lupa ang kaniyang Anak! Ang mga sinabi ng Diyos, na nakaulat sa Bibliya, ay magpatibay nawa sa tiwala natin na kontrolado ni Jehova ang lahat ng bagay at na buburahin niya ang lahat ng pinsalang idinulot sa atin ni Satanas at ng kaniyang masamang sanlibutan. Maging determinado nawa tayong makinig na mabuti sa tinig ni Jehova. Kung gagawin natin ito, mapagtatagumpayan natin ang anumang problema sa ngayon at sa hinaharap. Sinasabi sa atin ng Bibliya: “Nangangailangan kayo ng pagbabata, upang pagkatapos na magawa ninyo ang kalooban ng Diyos ay matanggap ninyo ang katuparan ng pangako.”—Heb. 10:36.
AWIT 4 “Si Jehova ang Aking Pastol”
^ par. 5 Noong nasa lupa si Jesus, tatlong beses na nagsalita si Jehova mula sa langit. Sa isang pagkakataon, sinabi ni Jehova sa mga alagad ni Kristo na makinig sa kaniyang Anak. Sa ngayon, nagsasalita si Jehova sa pamamagitan ng kaniyang nasusulat na Salita, kasama na ang mga turo ni Jesus, at sa pamamagitan ng kaniyang organisasyon. Tatalakayin sa artikulong ito kung paano tayo nakikinabang sa pakikinig kay Jehova at kay Jesus.
^ par. 52 LARAWAN: Nakita ng isang elder ang isang ministeryal na lingkod na naglilinis ng Kingdom Hall at nag-aasikaso ng mga literatura. Kinomendahan ito ng elder.
^ par. 54 LARAWAN: Isang mag-asawa sa Sierra Leone ang nagbibigay ng imbitasyon sa pulong sa isang mangingisda.
^ par. 56 LARAWAN: Nagpupulong sa isang bahay ang mga Saksi sa isang bansang ipinagbabawal ang ating gawain. Hindi masyadong pormal ang kanilang damit para hindi sila mapansin.