Mga Pangalawahing Artikulo sa Bantayan
Maraming kapatid ang gumagamit ng JW Library® para maghanda sa mga pulong. Natutuwa sila kasi madaling makita ang mga araling artikulo ng Bantayan. Pero ang edisyon para sa pag-aaral ng Bantayan ay mayroon ding mga pangalawahing artikulo na magpapatibay sa atin. Paano mo makikita ang mga artikulong ito sa JW Library?
Sa ilalim ng bawat araling artikulo ng Bantayan, makikita mo ang “Tingnan Din.” Sa ilalim nito, i-tap ang link na “Iba pang artikulo sa isyung ito.” Lalabas ang talaan ng mga nilalaman. Matutukoy mo agad doon kung alin ang mga pangalawahing artikulo, kasi bukod sa pamagat, may bilang din ang mga araling artikulo. Pagkatapos, i-tap ang pangalawahing artikulo na gusto mong basahin.
Sa Home tab ng JW Library sa seksiyong “Ano’ng Bago?” laging i-download ang pinakabagong isyu ng Bantayan. Buksan ang na-download na magasin at tingnan ang talaan ng mga nilalaman para siguradong mabasa mo ang lahat ng artikulo.