ARALING ARTIKULO 26
“Manumbalik Kayo sa Akin”
“Manumbalik kayo sa akin, at manunumbalik ako sa inyo.”—MAL. 3:7.
AWIT 102 Tulungan ang Mahihina
NILALAMAN *
1. Ano ang nararamdaman ni Jehova kapag nakabalik sa kaniya ang isang tupa niya?
GAYA ng tinalakay sa naunang artikulo, si Jehova ay gaya ng isang mabuting pastol na nagmamalasakit sa bawat tupa niya. At hinahanap niya ang mga napapalayo. Sinabi ni Jehova sa mga Israelita na napalayo sa kaniya: “Manumbalik kayo sa akin, at manunumbalik ako sa inyo.” Alam nating ganiyan pa rin ang nararamdaman niya dahil sinabi niya: “Hindi ako nagbabago.” (Mal. 3:6, 7) Sinabi ni Jesus na nagsasaya si Jehova at ang mga anghel kapag nanumbalik ang kahit isa sa mga lingkod Niya na napalayo.—Luc. 15:10, 32.
2. Ano ang tatalakayin sa artikulong ito?
2 Tingnan natin ang tatlong ilustrasyon ni Jesus na nagtuturo sa atin kung paano tutulungan ang mga napalayo kay Jehova. Tatalakayin natin ang ilang katangian na kailangan natin para matulungan silang makabalik sa kaniya. Malalaman din natin kung bakit sulit na tulungan ang mga inactive.
HANAPIN ANG NAWAWALANG BARYA
3-4. Sa Lucas 15:8-10, bakit hinanap na mabuti ng isang babae ang nawawala niyang barya?
3 Kailangan ng pagsisikap para mahanap ang mga gustong manumbalik kay Jehova. Sa ilustrasyong nasa Ebanghelyo ni Lucas, ikinuwento ni Jesus ang isang babae na nawalan ng isang mahalagang bagay—isang baryang drakma. Ang punto ng ilustrasyon ay ang pagsisikap ng babae na mahanap ang barya.—Basahin ang Lucas 15:8-10.
4 Sinabi ni Jesus ang naramdaman ng babae nang mahanap nito ang mahalagang barya. Noong panahon ni Jesus, may mga inang nagbibigay ng isang set ng 10 baryang drakma sa anak na babae sa araw ng kasal nito. Posibleng ang baryang nawala ay bahagi ng set na iyon. Iniisip ng babae na nahulog
ang barya sa sahig. Kaya nagsindi siya ng lampara para hanapin ito, pero wala siyang nakita. Baka kulang ang liwanag ng lampara para makita ang maliit na baryang pilak. Kaya winalis niyang mabuti ang buong bahay. Nang tingnan niya ang mga alikabok na nawalis niya, nandoon ang mahalaga niyang drakma, na kumikinang sa liwanag ng lampara. Tuwang-tuwa siya! Tinawag niya ang mga kaibigan niya at kapitbahay para sabihin ang magandang balita.5. Bakit mahirap kung minsan na mahanap ang mga inactive?
5 Gaya ng makikita sa ilustrasyon ni Jesus, kailangan ng pagsisikap para mahanap ang isang bagay na nawala. Ganiyan din sa mga inactive, kailangan ng pagsisikap para mahanap sila. Baka napakatagal na natin silang hindi nakakasama. Baka nga lumipat na sila sa ibang lugar at hindi sila kilala ng mga kapatid doon. Pero makakatiyak tayo na sa mga oras na ito, may ilang inactive na gustong-gusto nang manumbalik kay Jehova. Gusto na ulit nilang maglingkod kay Jehova kasama ng mga kapatid, pero kailangan nila ang tulong natin.
6. Paano makakatulong ang buong kongregasyon sa paghahanap sa mga inactive?
6 Sino ang makakatulong sa paghahanap sa mga inactive? Lahat tayo ay makakatulong—mga elder, payunir, miyembro ng pamilya, at mamamahayag. May kaibigan ka ba o kamag-anak na naging inactive? May nakausap ka bang inactive habang nagbabahay-bahay ka o nagpa-public witnessing? Sabihin sa kaniya na kung gusto niyang may dumalaw sa kaniya, puwede mong ibigay ang adres o contact number niya sa mga elder.
7. Ano ang natutuhan mo sa sinabi ng elder na si Thomas?
7 Ano-ano ang puwedeng gawin ng mga elder para mahanap ang mga gustong manumbalik kay Jehova? Tingnan ang sinabi ng elder na si Thomas, * na nakatira sa Spain. Mahigit 40 Saksi na ang natulungan niyang makabalik sa kongregasyon. Sinabi niya: “Una, nagtatanong-tanong ako sa mga kapatid kung saan na nakatira ang mga inactive. O kaya naman, nagtatanong ako sa mga kapatid kung may naaalala sila na hindi na dumadalo sa pulong. Excited sila kasi gusto rin nilang makatulong sa paghahanap. Kapag nakita ko na ang mga inactive, kinukumusta ko rin ang mga anak nila at iba pang kamag-anak. Isinasama noon ng ilang inactive ang mga anak nila sa pulong, at baka naging mamamahayag din ang mga ito. Puwede ring tulungan ang mga ito na manumbalik kay Jehova.”
IBALIK ANG NAWAWALANG MGA ANAK NI JEHOVA
8. Sa ilustrasyong nasa Lucas 15:17-24, paano pinakitunguhan ng ama ang kaniyang nagsisising anak?
8 Anong mga katangian ang kailangan natin para matulungan ang mga gustong manumbalik kay Jehova? Tingnan ang ilang aral na matututuhan natin sa ilustrasyon ni Jesus tungkol sa isang anak na lumayas. (Basahin ang Lucas 15:17-24.) Ikinuwento ni Jesus kung paano natauhan ang anak at nagdesisyong umuwi. Tumakbo ang ama para salubungin ang anak at niyakap ito nang mahigpit para ipadama ang pagmamahal niya. Sising-sisi ang anak; pakiramdam niya, hindi na siya karapat-dapat ituring na anak. Awang-awa ang ama habang sinasabi ng kaniyang anak ang nararamdaman nito. Ipinadama ng ama na tinatanggap niyang muli ang kaniyang anak, hindi bilang isang trabahador, kundi bilang minamahal na miyembro ng pamilya. Bilang patunay, nagpahanda siya ng salusalo at binigyan niya ng magandang damit ang nagsisisi niyang anak.
9. Anong mga katangian ang dapat nating ipakita para matulungan ang mga inactive na manumbalik kay Jehova? (Tingnan ang kahong “ Pagtulong sa mga Gustong Manumbalik.”)
9 Si Jehova ay gaya ng ama sa ilustrasyong iyan. Mahal niya ang mga kapatid nating inactive at gusto niya silang manumbalik sa kaniya. Kung tutularan natin si Jehova, matutulungan natin silang manumbalik. Pero kailangan dito ng tiyaga, malasakit, at pag-ibig. Bakit dapat nating ipakita ang mga katangiang iyan, at paano natin ito magagawa?
10. Bakit kailangan ng tiyaga sa pagtulong sa isang inactive?
10 Kailangan ng panahon bago makabalik ang isang inactive kay Jehova, kaya dapat tayong maging matiyaga. Maraming dating inactive ang nagsabi na nakatulong sa kanila ang paulit-ulit na pagdalaw ng mga elder at ng iba pa sa kongregasyon. Sinabi ni Nancy, isang sister na taga-Southeast Asia: “Malaki ang naitulong sa akin ng isang malapít na kaibigan sa kongregasyon. Mahal niya ako, at parang kapatid na ang turing niya sa akin. Ikinukuwento niya kung gaano kami kasaya noon. Matiyaga siyang nakikinig kapag sinasabi ko ang nararamdaman ko at pinapayuhan niya ako. Isa siyang tunay na kaibigan na laging handang tumulong.”
11. Bakit kailangan ng malasakit para matulungan ang isang nasaktan?
11 Ang pagmamalasakit ay gaya ng isang mabisang gamot. Kaya nitong pagalingin ang sakit na nararamdaman ng isa. May mga inactive na natisod sa kakongregasyon nila, Sant. 1:19) Sinabi ni María, na naging inactive noon, “Kailangan ko ng makikinig, ng maiiyakan, at ng magpapayo sa akin.”
at masama pa rin ang loob nila kahit ilang taon na ang lumipas. Ito ang nakakapigil sa kanila na manumbalik kay Jehova. Baka iniisip naman ng ilan na hindi patas ang naging pagtrato sa kanila. Kaya kailangan nila ng makikinig at makakaunawa sa kanila. (12. Bakit natin masasabi na ang pag-ibig ni Jehova ay gaya ng isang lubid?
12 Sinasabi ng Bibliya na ang pag-ibig ni Jehova sa bayan niya ay gaya ng isang panali, o lubid. Bakit? Pag-isipan ang ilustrasyong ito: Isiping nalulunod ka sa dagat. Buti na lang, may naghagis sa iyo ng life vest na tutulong sa iyo para hindi ka lumubog. Pero hindi iyon sapat. Malamig ang tubig, at makakaligtas ka lang kung makakasakay ka sa lifeboat. Kailangan mo ng maghahagis sa iyo ng lubid para mahila ka at makasakay ka sa lifeboat. Sinabi ni Jehova tungkol sa mga Israelitang napalayo: “Inaakay ko sila gamit ang mga lubid ng tao, ang mga panali ng pag-ibig.” (Os. 11:4) Ganiyan din ang nararamdaman ng Diyos sa mga inactive na nalulunod sa problema at alalahanin. Gusto ni Jehova na malaman ng mga inactive na mahal niya sila, at gusto niya silang tulungan na manumbalik sa kaniya. At puwede kang gamitin ni Jehova para iparamdam sa kanila na mahal niya sila.
13. Paano ipinakita ng karanasan ni Pablo na makakatulong ang pag-ibig para manumbalik ang iba kay Jehova?
13 Mahalagang malaman ng mga inactive na mahal sila ni Jehova, at dapat din nating ipadama na mahal natin sila. Sinabi ni Pablo, na binanggit sa naunang artikulo at naging
inactive nang mahigit 30 taon: “Isang umaga nang paalis na ako ng bahay, isang mabait at may-edad nang sister ang nakipag-usap sa akin at ipinadama niyang mahal niya ako. Napaiyak ako na parang bata. Sabi ko sa kaniya, ipinadala siya ni Jehova para kausapin ako. Dahil do’n, nagdesisyon akong manumbalik kay Jehova.”TULUNGAN ANG MAHIHINA
14. Sa ilustrasyon sa Lucas 15:4, 5, ano ang ginawa ng pastol nang mahanap niya ang nawawalang tupa?
14 Kailangan nating patuloy na tulungan at patibayin ang mga inactive. Gaya ng anak sa ilustrasyon ni Jesus, baka masakit pa rin sa kanila ang nangyari noon. At malamang na mahina sila sa espirituwal dahil sa naranasan nila sa sanlibutan ni Satanas. Kailangan natin silang tulungang patibayin ang pananampalataya nila kay Jehova. Sa ilustrasyon ng nawawalang tupa, sinabi ni Jesus na pinasan ng pastol ang tupa sa balikat at dinala pabalik sa kawan. Pagod na ang pastol dahil matagal niyang hinanap ang tupa. Pero alam niyang hindi na kaya ng tupa na bumalik nang mag-isa sa kawan kaya kailangan niya itong kargahin pabalik.—Basahin ang Lucas 15:4, 5.
15. Paano natin matutulungan ang mga inactive na gustong manumbalik kay Jehova? (Tingnan ang kahong “ Isang Napakahalagang Tool.”)
15 Baka kailangan ng panahon at pagsisikap para matulungan natin ang mga inactive na mapagtagumpayan ang kahinaan nila. Pero sa tulong ng espiritu ni Jehova, ng kaniyang Salita, at ng mga publikasyon ng organisasyon, matutulungan natin silang lumakas ulit. (Roma 15:1) Paano natin ito magagawa? Sinabi ng isang makaranasang elder, “Kailangang magpa-Bible study ulit ang karamihan sa mga inactive na gustong manumbalik kay Jehova.” * Kaya kung ipa-Bible study sa iyo ang isang inactive, bakit hindi ito tanggapin? Sinabi pa ng elder, “Ang kapatid na magba-Bible study sa isang inactive ay dapat na maging mabuting kaibigan, na mapagsasabihan ng problema.”
MAGSASAYA ANG LANGIT AT LUPA
16. Bakit tayo nakakasiguro na tutulungan tayo ng mga anghel?
16 Maraming karanasan ang nagpapatunay na tinutulungan tayo ng mga anghel para mahanap ang mga inactive na gustong manumbalik kay Jehova. (Apoc. 14:6) Halimbawa, tingnan ang karanasan ni Silvio, isang inactive na taga-Ecuador. Marubdob niyang ipinanalangin kay Jehova na tulungan siyang makabalik sa kongregasyon. Habang nananalangin siya, may nag-doorbell—dalawang elder ang nasa pinto. At ibinigay nila ang tulong na kailangan niya.
17. Ano ang magiging epekto sa atin ng pagtulong sa mga inactive?
17 Magiging masaya tayo kung tutulungan natin ang mga inactive na manumbalik kay Jehova. Sinabi ni Salvador, isang payunir na nagsisikap tumulong sa mga inactive: “Minsan, ’di ko mapigilan ang luha ko dahil sa saya. Sobrang saya ko na nakatulong ako kay Jehova na makuha ang mahal niyang tupa sa sanlibutan ni Satanas at maibalik ito sa kongregasyon.”—Gawa 20:35.
18. Kung isa kang inactive, saan ka makakasiguro?
18 Kung isa kang inactive, makakasiguro kang mahal ka pa rin ni Jehova. Gusto niyang manumbalik ka sa kaniya. Kailangan nito ng pagsisikap pero gaya ng ama sa ilustrasyon ni Jesus, hinihintay ka ni Jehova na manumbalik, at buong puso ka niyang tatanggapin.
AWIT 103 Mga Pastol—Regalo ng Diyos
^ par. 5 Gusto ni Jehova na manumbalik sa kaniya ang mga inactive. Marami tayong magagawa para tulungan silang tanggapin ang paanyaya ni Jehova: “Manumbalik kayo sa akin.” Tatalakayin sa artikulong ito kung paano natin sila matutulungan.
^ par. 7 Binago ang ilang pangalan.
^ par. 15 Nakatulong sa ilang inactive ang pag-aaral sa ilang bahagi ng aklat na Kung Paano Mananatili sa Pag-ibig ng Diyos. Nakatulong naman sa iba ang mga kabanata sa aklat na Maging Malapít kay Jehova. Ang Komite sa Paglilingkod ng Kongregasyon ang pipili ng kuwalipikadong kapatid na magtuturo sa inactive.
^ par. 68 LARAWAN: Tatlong brother ang tumutulong sa isang inactive na gustong manumbalik. Ginagawa nila ito sa pamamagitan ng laging pangungumusta, pagpapadama ng pagmamahal, at pakikinig nang mabuti.