Tip sa Pag-aaral
Saan Ka Magsisimula?
Limitado lang ang panahon natin para sa personal study. Paano natin ito masusulit? Una, tandaan na kailangan mong maglaan ng sapat na panahon sa binabasa mo. Mas marami kang matututuhan kung mag-aaral kang mabuti kahit paunti-unti, kaysa marami kang binabasa pero nagmamadali ka naman.
Pagkatapos, alamin kung ano ang mga kailangan mong pag-aralan. (Efe. 5:15, 16) Ito ang ilang mungkahi:
Basahin ang Bibliya araw-araw. (Awit 1:2) Baka magandang magsimula ka sa iskedyul sa pagbabasa ng Bibliya para sa midweek meeting.
Maghanda para sa Pag-aaral sa Bantayan at sa midweek meeting. Maghandang mabuti para makapagkomento ka.—Awit 22:22.
Sikapin mo ring mabasa at mapanood ang iba pang espirituwal na pagkain, gaya ng pampublikong edisyon ng mga magasin, mga video, at iba pang materyal na nasa jw.org.
Magkaroon ng study project. Puwede kang mag-research tungkol sa isang problemang pinagdadaanan mo, tanong na naiisip mo, o paksa sa Bibliya na gusto mong mas maintindihan. Para sa ilang halimbawa, tingnan ang seksiyong “Activity Para sa Pag-aaral ng Bibliya” sa jw.org.