Maglingkod kay Jehova, ang Diyos ng Kalayaan
“Kung nasaan ang espiritu ni Jehova, doon ay may kalayaan.”—2 COR. 3:17.
1, 2. (a) Bakit importanteng usapin noong panahon ni apostol Pablo ang pang-aalipin at kalayaan? (b) Sino ang binanggit ni Pablo na Pinagmumulan ng tunay na kalayaan?
NABUHAY ang unang mga Kristiyano sa Imperyo ng Roma, kung saan ipinagmamalaki ng mga tao ang kanilang mga batas, sistema ng hustisya, at kalayaan. Pero ang kaluwalhatian ng Imperyo ng Roma ay dahil sa dugo’t pawis ng mga alipin. May panahon pa nga na mga 30 porsiyento ng populasyon nito ay mga alipin. Tiyak na importanteng usapin sa karaniwang mga tao, at maging sa mga Kristiyano, ang pang-aalipin at kalayaan.
2 Sa mga liham ni apostol Pablo, marami siyang binanggit tungkol sa kalayaan. Gusto ng maraming tao noon na magkaroon ng reporma sa lipunan o politika. Pero hindi ito ang layunin ng ministeryo ni Pablo. Imbes na umasa sa sinumang taong tagapamahala, sinikap ni Pablo at ng kaniyang mga kapuwa Kristiyano na turuan ang iba tungkol sa mabuting balita ng Kaharian ng Diyos at sa napakahalagang haing pantubos ni Kristo Jesus. Inakay ni Pablo ang kaniyang mga kapananampalataya sa Pinagmumulan ng tunay na kalayaan. Halimbawa, sa kaniyang ikalawang liham sa mga Kristiyano sa Corinto, isinulat niya: “Si 2 Cor. 3:17.
Jehova ang Espiritu; at kung nasaan ang espiritu ni Jehova, doon ay may kalayaan.”—3, 4. (a) Ano ang tinalakay ni Pablo sa konteksto ng 2 Corinto 3:17? (b) Ano ang dapat nating gawin para makamit ang kalayaang nagmumula kay Jehova?
3 Bago iyan, binanggit ni Pablo ang tungkol sa kaluwalhatian ni Moises nang bumaba ito mula sa Bundok Sinai matapos humarap sa presensiya ng isang anghel ni Jehova. Nang makita ng mga Israelita si Moises, natakot sila, kaya naglagay si Moises ng talukbong sa kaniyang mukha. (Ex. 34:29, 30, 33; 2 Cor. 3:7, 13) “Ngunit,” ang paliwanag ni Pablo, “kapag may pagbaling kay Jehova, ang talukbong ay naaalis.” (2 Cor. 3:16) Ano ang ibig sabihin ni Pablo?
4 Gaya ng natutuhan natin sa naunang artikulo, tanging si Jehova, na Maylikha ng lahat ng bagay, ang nagtataglay ng ganap at walang-limitasyong kalayaan. Kaya sa presensiya ni Jehova at “kung nasaan ang espiritu ni Jehova” ay may kalayaan. Pero para matamo ang kalayaang ito at makinabang dito, kailangan tayong ‘bumaling kay Jehova’—magkaroon ng personal na kaugnayan sa kaniya. Hindi nakita ng mga Israelita sa espirituwal na paraan ang mga ginawa ni Jehova para sa kanila. Para bang natatalukbungan ang kanilang puso at isip; nagpokus sila sa paggamit ng kanilang kalayaan mula sa Ehipto para sa kanilang pisikal, o makalamang, pagnanasa.—Heb. 3:8-10.
5. (a) Anong uri ng kalayaan ang ibinibigay ng espiritu ni Jehova? (b) Bakit hindi hadlang ang literal na pagkabilanggo sa kalayaang ibinibigay ni Jehova? (c) Anong mga tanong ang dapat nating sagutin?
5 Pero ang kalayaang ibinibigay ng espiritu ni Jehova ay hindi lang basta paglaya sa pisikal na pagkaalipin. Higit sa kayang gawin ng tao, ang espiritu ni Jehova ay nagbibigay ng kalayaan mula sa pagkaalipin sa kasalanan at kamatayan, gayundin sa huwad na pagsamba at sa mga gawaing kaugnay nito. (Roma 6:23; 8:2) Talagang kahanga-hanga ito! Maaaring makinabang ang isa sa kalayaang ito kahit nakabilanggo siya o inaalipin. (Gen. 39:20-23) Naging totoo iyan kay Sister Nancy Yuen at kay Brother Harold King, na parehong nabilanggo nang maraming taon dahil sa kanilang pananampalataya. Mapapanood ang kanilang karanasan sa JW Broadcasting. (Tingnan sa MGA INTERBYU AT KARANASAN > PAGBABATA NG PAGSUBOK.) Pero paano natin maipakikita na pinahahalagahan natin ang ating kalayaan? At paano natin magagamit nang tama ang kalayaang ito?
PAHALAGAHAN ANG KALAYAANG IBINIGAY SA ATIN NG DIYOS
6. Paano ipinakita ng mga Israelita na wala silang pagpapahalaga sa kalayaang ibinigay sa kanila ni Jehova?
6 Kapag nalaman natin ang tunay na halaga ng isang mamahaling regalo, talagang pasasalamatan natin ang nagbigay nito. Hindi pinahalagahan ng mga Israelita ang pagpapalaya ni Jehova sa kanila mula sa pagkaalipin sa Ehipto. Pagkaraan lang ng ilang buwan, hinahanap-hanap na nila ang mga dating kinakain at iniinom nila doon at nagreklamo sila sa mga paglalaan ni Jehova. Gusto pa nga nilang bumalik sa Ehipto. Akalain mo, mas importante pa sa kanila ang ‘mga isda, pipino, pakwan, puero, sibuyas, at bawang’ kaysa sa kalayaang ibinigay sa kanila para sambahin ang tunay na Diyos, si Jehova! Hindi nakapagtatakang nagalit si Jehova sa kaniyang bayan. (Bil. 11:5, 6, 10; 14:3, 4) Mahalagang aral ito para sa atin.
7. Paano kumilos si Pablo ayon sa payong ibinigay niya sa 2 Corinto 6:1? At paano natin siya matutularan?
2 Corinto 6:1.) Sinabi ni Pablo na miserableng tao siya dahil alipin siya ng kasalanan at kamatayan, at inusig siya ng kaniyang budhi. Pero sinabi rin niya: “Salamat sa Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Kristo na ating Panginoon!” Bakit? Ipinaliwanag niya sa kaniyang mga kapuwa Kristiyano: “Sapagkat ang kautusan ng espiritung iyon na nagbibigay ng buhay kaisa ni Kristo Jesus ay nagpalaya na sa iyo mula sa kautusan ng kasalanan at ng kamatayan.” (Roma 7:24, 25; 8:2) Gaya ni Pablo, huwag din nating bale-walain ang pagpapalaya ni Jehova sa atin mula sa pagkaalipin sa kasalanan at kamatayan. Sa tulong ng pantubos, masaya tayong makapaglilingkod sa ating Diyos nang may malinis na budhi.—Awit 40:8.
7 Hinimok ni apostol Pablo ang lahat ng Kristiyano na huwag bale-walain ang kalayaang ibinigay ni Jehova sa pamamagitan ng kaniyang Anak, si Jesu-Kristo. (Basahin ang8, 9. (a) Anong babala ang ibinigay ni apostol Pedro tungkol sa paggamit ng ating kalayaan? (b) Anong mga panganib ang napapaharap sa atin ngayon?
8 Nagpapasalamat tayo kay Jehova, pero dapat tayong mag-ingat na huwag gamitin ang ating kalayaan sa maling paraan. Nagbabala si apostol Pedro laban sa paggamit ng ating kalayaan bilang dahilan para pagbigyan ang ating makalamang mga pagnanasa. (Basahin ang 1 Pedro 2:16.) Ipinaaalaala nito sa atin ang nangyari sa mga Israelita sa ilang. Sa ngayon, may panganib pa rin, at baka mas matindi pa nga. Nag-aalok si Satanas at ang kaniyang sanlibutan ng mas kaakit-akit na istilo ng pananamit at pag-aayos, pagkain at inumin, libangan, at marami pang iba. Ginagamit ng mga tusong advertiser ang magagandang babae at lalaki para maengganyo tayong bumili ng kanilang produkto kahit hindi naman natin kailangan ang mga iyon. Napakadaling mabiktima ng gayong mga taktika at magamit ang ating kalayaan sa maling paraan!
9 Kapit din ang payo ni Pedro sa mas mahahalagang bagay sa buhay, gaya ng pagpili ng edukasyon, trabaho, o karera. Halimbawa, ginigipit ang mga kabataan ngayon na pumasok sa sikat na mga unibersidad. Sinasabihan sila na kung kukuha sila ng mataas na edukasyon, magkakaroon daw sila ng magandang trabaho na mataas ang suweldo. Ginagamit pa nga ang mga statistic para ipakitang mas malaki ang kinikita ng mga nagtapos sa gayong unibersidad kaysa sa mga high school lang ang natapos. Kaakit-akit ang ideyang ito sa mga kabataan na kailangang magpasiya para sa kanilang kinabukasan. Pero ano ang dapat nilang tandaan at ng kanilang mga magulang?
10. Ano ang dapat nating tandaan pagdating sa ating kalayaang gumawa ng personal na desisyon?
10 Iniisip ng ilan na dahil personal na desisyon ang mga ito, may kalayaan silang pumili ng gusto nila basta kaya ng kanilang budhi. Baka idahilan pa nga nila ang sinabi ni Pablo sa mga Kristiyano sa Corinto tungkol sa pagkain: “Bakit nga hahatulan ng budhi ng ibang tao ang aking kalayaan?” (1 Cor. 10:29) Totoo, may kalayaan tayong gumawa ng personal na desisyon pagdating sa edukasyon at karera. Pero tandaan natin na ang ating kalayaan ay relatibo o may limitasyon, at ang lahat ng desisyon natin ay may mabuti o masamang epekto. Kaya naman sinabi ni Pablo: “Ang lahat ng bagay ay matuwid [o, maaaring gawin]; ngunit hindi lahat ng bagay ay kapaki-pakinabang. Ang lahat ng bagay ay matuwid; ngunit hindi lahat ng bagay ay nakapagpapatibay.” (1 Cor. 10:23) Kaya pagdating sa paggamit ng ating kalayaan, mas maraming mahahalagang bagay na dapat isaalang-alang bukod sa ating personal na kagustuhan.
GAMITIN NANG TAMA ANG ATING KALAYAAN PARA PAGLINGKURAN ANG DIYOS
11. Bakit tayo pinalaya ni Jehova?
11 Sa babala ni Pedro tungkol sa maling paggamit ng kalayaan, binanggit din niya ang layunin ng ating kalayaan. Pinasigla niya tayo na gamitin ito “bilang mga alipin ng Diyos.” Kaya ang totoong layunin kung bakit pinalaya tayo ni Jehova mula sa kautusan ng kasalanan at kamatayan sa pamamagitan ni Jesus ay para gamitin natin ang ating buong buhay “bilang mga alipin ng Diyos.”
12. Anong halimbawa ang ipinakita ni Noe at ng kaniyang pamilya?
12 Para maiwasang gamitin ang ating kalayaan sa maling paraan at muling mapaalipin sa makasanlibutang mga ambisyon at pagnanasa, dapat tayong lubusang makibahagi sa espirituwal na mga gawain. (Gal. 5:16) Pag-isipan ang halimbawa ni Noe at ng kaniyang pamilya. Nabuhay sila sa marahas at imoral na sanlibutan. Pero iniwasan nilang tularan ang mga taong nakapaligid sa kanila. Paano nila nagawa iyon? Naging abala sila sa lahat ng gawaing iniatas ni Jehova—pagtatayo ng arka, pag-iimbak ng pagkain para sa kanila at sa mga hayop, at pagbibigay ng babala sa mga tao. “Ginawa ni Noe ang ayon sa lahat ng iniutos ng Diyos sa kaniya. Gayung-gayon ang ginawa niya.” (Gen. 6:22) Ang resulta? Nakaligtas si Noe at ang pamilya niya nang puksain ang sanlibutang iyon.—Heb. 11:7.
13. Anong atas ang ibinigay kay Jesus, na ibinigay rin niya sa kaniyang mga tagasunod?
13 Anong gawain ang iniutos sa atin ngayon ni Jehova? Bilang mga alagad ni Jesus, alam nating inatasan tayo para mangaral. (Basahin ang Lucas 4:18, 19.) Sa ngayon, karamihan ng mga tao ay binulag ng diyos ng sistemang ito at inaalipin ng huwad na relihiyon, ng materyal na mga bagay, at ng sistema ng politika. (2 Cor. 4:4) Pribilehiyo nating tularan si Jesus at tulungan ang mga tao na makilala at sambahin si Jehova, ang Diyos ng kalayaan. (Mat. 28:19, 20) Hindi ito madali, at marami ring hamon. Sa ilang lupain, binabale-wala ng mga tao ang ating pangangaral at nagagalit pa nga ang iba. Kaya dapat nating itanong sa sarili, ‘Paano ko magagamit ang aking kalayaan para higit na mapaglingkuran si Jehova?’
14, 15. Ano ang ipinasiyang gawin ng maraming kapatid para sa gawaing pangangaral? (Tingnan ang larawan sa simula ng artikulo.)
14 Nakapagpapatibay makita na maraming kapatid ang nakadarama ng pagkaapurahan at nagpasimple ng kanilang buhay para makibahagi sa buong-panahong paglilingkod. (1 Cor. 9:19, 23) Ang ilan ay naglilingkod sa kanilang sariling lugar; ang iba naman ay lumipat kung saan mas malaki ang pangangailangan. Sa nakalipas na limang taon, mahigit 250,000 ang nagpayunir, kaya mahigit 1,100,000 na ang mga regular pioneer sa buong mundo. Napakahusay na paraan ito ng paggamit ng kalayaan para paglingkuran si Jehova!—Awit 110:3.
15 Ano ang nakatulong sa mga kapatid na ito na gamitin ang kanilang kalayaan sa matalinong paraan? Kuning halimbawa sina John at Judith, na nakapaglingkod sa maraming bansa sa nakalipas na 30 taon. Natatandaan pa nila na nang magsimula ang Pioneer Service School noong 1977, idiniin ang pagiging handang lumipat para maglingkod kung saan mas malaki ang pangangailangan. Kaya sinabi ni John na maraming beses siyang nagpalit ng trabaho para manatiling simple ang kanilang buhay. Sa kalaunan, nang maglingkod sila sa ibang bansa, nakita nila na malaking tulong ang pananalangin kay Jehova at pagtitiwala sa kaniya para maharap ang mga hamong gaya ng bagong wika, kultura, at klima. Ano ang naging epekto sa kanila ng mga taóng iyon ng paglilingkod? “Naging abala ako sa pinakamagandang gawain,” ang sabi ni John. “Naging mas totoo sa akin si Jehova bilang isang maibiging ama. Mas naiintindihan ko na ngayon ang Santiago 4:8: ‘Lumapit kayo sa Diyos, at lalapit siya sa inyo.’ Natagpuan ko ang hinahanap ko, isang makabuluhang layunin sa buhay.”
16. Paano ginamit ng libo-libong kapatid ang kanilang kalayaan sa matalinong paraan?
16 Di-gaya nina John at Judith, ang ilan ay hindi makapagpayunir nang mahabang panahon. Pero marami sa kanila ang nagboluntaryo sa mga proyekto ng pagtatayo ng organisasyon. Halimbawa, nang itinatayo ang pandaigdig na punong-tanggapan sa Warwick, New York, mga 27,000 kapatid ang nagboluntaryo—nang dalawang linggo, isang taon, o higit pa. Marami sa kanila ang nagsakripisyo para makapaglingkod doon. Napakagandang halimbawa ng paggamit ng kalayaan para purihin at parangalan si Jehova, ang Diyos ng kalayaan!
17. Anong magandang kinabukasan ang naghihintay para sa mga gumagamit ng kanilang kalayaan sa tamang paraan?
17 Ipinagpapasalamat nating nakilala natin si Jehova at nagkaroon tayo ng kalayaang dulot ng tunay na pagsamba. Ipakita sana natin sa ating mga desisyon na pinahahalagahan natin ang kalayaang iyan. Sa halip na sayangin ito o gamitin sa maling paraan, gamitin natin ang ating kalayaan para paglingkuran si Jehova sa abot ng ating makakaya. Kung gagawin natin iyan, tatamasahin natin ang mga pagpapalang ipinangako ni Jehova kapag natupad na ang hulang ito: “Ang sangnilalang din mismo ay palalayain sa pagkaalipin sa kasiraan at magtatamo ng maluwalhating kalayaan ng mga anak ng Diyos.”—Roma 8:21.